CHAPTER 14
Samantha POV
Mainit na luha ang dumaan sa pisnge ko habang sinusubukan kong gumalaw. Nakukulay pula ang paningin ko sa kaliwang mata dahil sa tumutulong dugo na galing sa noo ko. Sinubukan kong tingnan ang katabi kung lalaki at niyugyog ang kanyang balikat ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha kahit nasa harapan ko nakabaling ang kanyang ulo. Blurred.....yun ang nakikita ko
Niyugyog ko ulit ang balikat nito ngunit hindi na ito gumagalaw nanginginig ang katawan ko ng nakita ang dugo sa noo nito. Sunod sunod na tumulo ang luha ko habang binabanggit ko ang pangalawan nito
" K-Kavin..." Nanginginig na sambit ko
Pag tingin ko sa unahan ng kotse namin ay nag aapoy na iyon. Basag ang unahang kotse dahil sa impact ng pagkabangga namin sa malaking puno
Mga butil ng pawis ang ramdam ko sa aking noo habang pabaling-baling ang ulo ko nang sinubukan kong magising
" Princess..." Familiar na boses na naririnig ko sa aking tenga. Sino sila?
" SAMANTHA!!" A cold voice made me open my eyes. Mukha ng Triplets na nag alala ang bumungad sakin.
Mabilis kong niyakap si Hellion at doon umiyak. Sobrang bigat nang naramdaman ko. Nanginginig ang balikat ko habang umiiyak
" Baby... It's just a dream" dream? Bakit parang totoo. Hellion gently caressed my back dahan dahan akong huminahon pero sobrang higpit parin ng yakap ko sakanya. Kailangan kong puntahan si Mother Teresa...nagsinungaling sila sakin paanong sanggol palang ako na napunta sa bahay ampunan kung may mga ala alang pumapasok na hindi ko maipaliwanag...hindi ko ?maintindihan!
" Gusto kong pumunta sa bahay ampunan" sabi ko sa kanila . Mahigpit akong niyakap ni Hellion na para bang mawawala ako. Gusto kolang makausap si Mother Teresa..gusto ko lang maliwanagan
" Baby.." hindi pa rin ako nito binitawan kahit medyo tinutulak ko na ito..
" Please gusto ko lang sila makita ... namiss ko din sila" sabi ko sakanila. Umiwas ng tingin si Damon habang umiigting naman ang panga ni Lucifer. Halatang ayaw akong payagan
" No.." mariin na sabi Lucifer. Bumitaw naman sa yakap si Hellion
"Please.." sabi ko habang nagpout na tiningnan sila. Kunting pa cute lang bibigay din to
Triplets sigh and after that Damon cupped my face
" Mangako ka amore... mangako ka na hindi mo kami iiwan" sabi ni Damon. Tiningnan ko sila isa isa pagkatapos tumango. Pangako ko yun hindi ko sila iiwan gusto ko lang makausap si Mother Teresa tapos sa kanila ako uuwi
" Gusto kong marinig" ani ni Lucifer. Ningitian ko sila pero hindi sila ngumiti pabalik sa akin. Seryoso lang ang mga mukha
" Pangako..... aalis man ako sa inyo pa rin ako babalik" sabi ko tapos tinaas ang kanang kamay na para bang nanumpa at doon ko lang sila nakitang ngumiti. Nagulat pa nga ako ng sabay nila akong niyakap halos hindi tuloy ako makahinga
" Gusto mong samahan ka namin?" Malambing na sabi ni Hellion. Diba may trabaho pa sila? Wag mong sabihin na nagmamadali silang pumunta rito dahil sakin
" Wag na hindi naman ako tatakas ...kung gusto niyo isama niyo sakin yung walo niyong alagad bilang bantay atsyaka may trabaho pa kayo diba... importante yun" pangtanggi ko sa alok nila. Bukod kasi na may trabaho sila ayaw ko lang din silang sumama
" Wrong love.. you're more important" namula ako sa sinabi ni Lucifer
_____
" Miss madre nandito na po tayo..." Sabi ni Nick. Nang sinabi ko sa Triplets na silang walo ang bantay ko sila talaga lahat. Sinabi ko lang naman na sila lahat ang bantay ko para siguraduhin sa Triplets na hindi ako tatakas. Akala ko apat lang.
Pinagbuksan muna ako ni Lim ng pinto bago ako lumabas sa van
" Dalhin niyo lahat ng pagkain at laruan na pinamili natin tapos ipabigay niyo iyon sa mga Bata " utos ko na mabilis naman nilang ginawa
Papalapit palang ako sa gate ng Bahay ampunan ay napapansin ko nang gumanda dito. Ang dating lumang gate at pader ng bahay ampunan ay bago na iyon. Ang dating kulay ay nagiba na rin mas lalo pa iyong gumanda
"S-sister Angel " nagulat pang banggit ni manong Jose, ang dating sekyu rito sa bahay ampunan. Natawa ako sa expression nito para kasi itong nakakita ng multo
" Hi po. Si Mother Teresa?" Tanong ko
" Na sa kanyang opisina Sister" sagot nito halata paring nagulat na nakita ako. Sabagay dalawang buwan pala akong nawala, tumango ako sakanya bago ako pumasok sa bahay ampunan
Sa pagpasok ko palang napansin ko nang marami nang mga batang naglalaro. Nilibot ko ng tingin ang paligid. bago nadin ang pintura ng bahay ampunan at mas lalo pa iyong lumaki.
" Sister Angel?" Gulat na sambit ni Kyle. Nabitawan pa nito ang bolang hawak nung nakita ako. Ngumiti ako sa kanya
" NANDITO NA SI SISTER ANGEL!! UMUWI NA SIYA!!" Masayang sigaw ni Kyle. Naiiyak na niyakap ko Ito hanggang sa marami ng dumating na mga bata at niyakap ako. Hindi ko tuloy mapigilang tumawa

YOU ARE READING
In The Arms of Dela Vega Triplets
RomanceGENRE: ROMANCE & ACTION -TEASER- The Dela Vega triplet's are well known as a Ruthless Business Tycoon's, a Dangerous Mafia Boss's. They have the same likes, the same hobbies, and also they shared a ONE girl. Lahat ng bagay...