Chapter 19.0

3.5K 81 1
                                    

CHAPTER 19

Two days had passed parang ang dali lang matapos nang araw. Nung isang araw lang nag eenjoy pa kami sa Dela Vega beach Resort at nag di date. Napag usapan din namin ang nanay nila, nalulungkot ako pag naalala kung paano sila nangungulila sa mama nila, kahit ako rin naman. Gustong gusto kong makilala ang magulang ko

" We make him suffer and f*cking burn him alive. Idadamay ko pati lahat ng lahi niya "

Hangang ngayon kinilabutan pa rin ako sa sinabi ni Lucifer. Nakikita ko sa mga mata nila ang sakit at ang galit, nag aapoy sa galit at hindi ko alam kung bakit ako natatakot. Hindi ko sila hinuhusgahan dahil ang totoo...hindi ko alam kung gaaano kahirap at kasakit ang pinagdadaan nila noon pero sana maisip din nila na mali ang maghiganti na walang mabuting maedudulot yun

Napaigtad ako ng naramdaman ang kamay ni Lucifer sa beywang ko, niyayakap niya ako sa likod. Nakikita ko sa salamin kung gaano siya kagwapo sa suot niya. He looks dashing in his suit at alam ko na sa kanila na naman ang attention nang mga babae sa Birthday Party ng papa nila. Head turner talaga sila lahat

" D*mn! You're so f*cking sexy love. Let's stay here wag na tayong tumuloy " natawa ako sa biro niya kaya kinurot ko yung braso niya. Naramdaman ko yung daliri niya sa dibdib ko nang sinubukan niyang inangat ang neckline nang gown ko, agad akong namula kunting dikit lang ng daliri niyapero grabe na yung epekto sakin non

" Ang amin ay amin lang, hindi mo dapat pinapakita " ibig niya sigurong sabihin yung cleavage ko. Mas lalo pa ata siyang na irita nang nakita ang legs ko, mataas din kasi ang slit ng gown kaya nakikita yung legs. Maganda ang gown kulay red iyon bagay sa suot ng triplets.

It took us 25 minutes before we reach the venue pinagtatalunan pa kasi namin kung pupunta kami o hindi. Sa luxurious Hotel nila ginanap yung party. Paglabas palang namin sa Van marami nang naka men in Black sa paligid, akala ko'y may media pero wala. Di ba nga pag ganitong kabigating party madalas may media dahil hindi lang mga sikat na Business man/ woman ang dadalo. Dela Vega din yung mag birthday.

Marami ding nagkalat na tauhan ng triplets. Sa tingin koy hindi normal ang party na ito, may iba din kasing mga malalaking katawan na nakabantay sa paligid may dala ding baril. Masasabi kong hindi sila tauhan ng triplets dahil iba ang uniform nila.

" Bat ang daming tauhan niyo sa paligid? " Tanong ko kay Hellion. Hawak nito ang kamay ko habang papasok kami sa loob. Naka gilid ko si Damon habang nasa likod naman si Lucifer

" It's too risky. We want you safe " seryosong sagot niya. Bakit naman mapanganib?

Kakapasok palang namin ay agad kaming pinagtitinginan. Women and man are eyeing me and Triplets too much. Hellion snaked his arms at my waist nang napansin ang mga binata at matandang Business man na papalapit

Triplets talked to some of them about a business a bit at ako nakatayo lang sa gilid nila habang hawak pa rin ni Hellion ang kamay ko

" You have a very beautiful girlfriend Hellion. Can i know her name? " The Korean business man said at Hellion before glancing at me. Umigting ang panga ng triplets sa tingin koy hindi nila nagustuhan yun, malisosyo din kasi ang tono nito.

" We're talking about Business here Mr. Park. And knowing the name of our wife is none of your business " Damon coldly said. Natawa yung lalaki mukha siyang napahiya pero mukhang wala naman siyang non. Natawa din yung iba napailing iling

" Then how about you guys join us in our table and let your beautiful wife to join of course " malamig na sabi nung isang Business man, titig na titig ito sakin. Hindi pa siya matanda parang ka edaran lang ng Triplets. Makisig, at Gwapo ito, may pagka chinito ang mga mata at parang familiar siya sa akin... parang kilala ko siya pero hindi ako sigurado

" No "

Hinila na ako ni Hellion sa table namin. Marami pa sanang kumausap sa kanila pero hindi na nila pinagtuunan ng pansin

" Good evening, Ladies and Gentlemen! Thank you for attending our birthday. " Pumalakpak ang tao at isa na ako ron. Natawa siya at yung kambal pero parang yung tawa niya peke pero baka hindi naman. Nandon sila sa stage. They look handsome, they look like they did not age at all. Makikisig pa rin ang papa nang Triplets

Nagpatuloy ang speech nang Daddy ng triplets habang nagsilabasan ang mga waiter. May dalang tray as they are give drinks to the guest. Nang may lumapit na waiter ay kumuha sila ng wine tapos juice Lang sakin. Akala ko talaga liquor siya pero juice lang pala nakasimangot ko silang tiningnan na nakangiting tiningnan ako, natutuwa sa reaction ko. Inikutan ko lang sila ng tingin

Bumaling ang tingin ko sa Paligid napapansin ko ang papalapit na pinsan ng Triplets. Yung iba may dalang babae yung iba naman wala, yung iba seryoso, yung iba may ngiti sa labi. Akala ko nandito si Eurika pero wala ata rito ang bruha. Nandito rin si Katty kasama ang dad nito and of course nandito rin si Ivy na masama ang tingin sakin na para bang papatayin ata ako.

Reunion ata to ng mga babae ng Triplet's. Seryoso naman silang nag uusap, at lahat ata ng babae rito na agaw na ang attention ng mga Dela Vega. Pag magkasama sila tingin mo'y bumaba ang mga greek gods sa olympus. Hindi ata uso sa kanila ang pangit. nang nagpaulan ng kagwapuhan ang Diyos nandon sila sa itaas nag dodonate. Siguro kapag ebebenta ko ang Triplets maraming bibili. Natawa ako sa naisip

In The Arms of Dela Vega Triplets Where stories live. Discover now