Chapter 4.0

5.3K 138 3
                                    

CHAPTER 4

Kurt POV

Inip na inip na ang kawgapuhan ko habang naglalagay ng bala sa magazine ng handgun na hawak ko. Kanina pa nangangati ang kamay kong pumatay, nagmeeting pa kasi kami para sa Plano namin

Ako, si Nick, at si Mac ay susugod kami nila Boss Lucifer sa Hideout ng Death society. Nandoon daw ang ika lima na Mafia Boss sabi nang spy namin sa grupo nila. Ang mafia boss na insecure sa Dela Vega triplets na si Alexander Bloodstone at malas niya lang dahil dito pa ata siya mamatay

Si Boss Hellion naman kasama si Leo, Tim, at Lee ay papasabogin ang pabrika ng mga Bloodstone at company na itinayo nila sa dito sa Pilipinas at papatayin ang tumulong sa Death society na pabagsakin ang Dela Vega organization

Si Boss Damon naman ay lilipad sa ibat ibang bansa Kung saan nakatayo ang mga negosyo ng mga Bloodstone at sisirain nila iyon hanggang sa wala ng matira. Triplets are ruthless and too Dangerous co'z they are not Dela Vega for nothing

Boss Lucifer are riding a motorcycle, wearing all black suit kami naman sa kotse habang ang iba pang tauhan ay sumakay sa Van

" Anong pakiramdam mo ngayon tol?" Tanong ni Mac habang nagdadrive, tiningnan ko siya

" Wag mo kong tanongin, wala akong pakiramdam" sagot ko nalang, bat ba ako ang tinatanong nito bat hindi si Nick

Nang huminto na ang kotse na sinasakyan namin ay lumabas na agad kami, tiningnan ko ang hideout ng Death society malaki at maganda din , mahirap pa hanapin ang Hideout nila mabuti nalang at matalino si Mac at na trace niya nung tumawag ang spy namin

Habang papalapit na kami sa malaking gate ng hideout nila ay nakita naming nakahandusay na ang dalawang bangkay. Naliligo na sa sariling dugo at basag ang mga bungo, halos masuka ako sa nakita may nakasulat pa sa leeg na L

" Di ko masikmura tol! Grabe talaga pumatay si Boss Lucifer" sabi ni Nick

We heard a couple of gunshot na nanggagaling sa loob, Wala talagang takot sumugod si Boss

" Pwesto na kayo lahat! sa likod ang iba dumaan at yung ibang sniper bahala kayo kung saan kayo! Basta kami sa harap kami dadaan, tara na!!" Seryosong sabi ni Nick, sabay sabay naming kinasa ang baril at nagsialisan na

Kaliwa't kanan na ang naririnig naming putok ng baril, may sumalubong agad samin ang kalaban, Mabilis na pinutokan namin sila at nakipagpalitan narin ito ng putok

Nagtago kami nila Nick at Mac sa likod ng pader, una akong bumaril sumunod naman si Nick habang nilalagyan ko nang bala ang baril ko

Itinutok ko ang baril ko at ipinutok tumama iyon sa nagtatago sa puno, halos nauubos na ang bumabaril sa pwesto namin pero wala padin miski isa samin ang natamaan

" A-Aray pre!" Napatigil kami ni Mac sa pamamaril at mabilis na binaling ang tingin kay Nick na kinakamot ang binti niya

" Bakit? Natamaan ka ba?" Tanong ni Mac

" Kinagat ako ng langgam" sagot nito, napa irap nalang kami ni Mac. Nagulat ako ng may lumabas sa likod ni Nick na kalaban kaya mabilis ko itong binaril. Napatingin si Nick sa likod niya tapos nakangiting tiningnan ako

" Lab you tol!" Ngiting ngiti ang g*go

" F*ck you too" sagot ko

" Tara na nga! Mamamatay kami dahil sayong g*go ka!" Nairita sabi ni Mac

" Sorry na babe, selos agad!" Sabi ni Nick sabay inakbayan si Mac. Kadiri talaga tong h*yop na ito

Pumasok na kami sa loob ng bahay, nauna ako nasa likod ko ang dalawa nagbabantay sila na baka may sumulpot na kalaban sobrang higpit ng hawak ko sa baril

++++
Sorry sa wrong typo's and grammar ☺️

In The Arms of Dela Vega Triplets Where stories live. Discover now