[ITAODVT] CONTINUATION:
Samantha POV
Nagising ako ng may malambot na dumampi sa labi ko. Pagmulat ng mga mata ko bumungad sakin ang gwapong mukha ni Hellion, may pag alala sa mukha nitong dumapo sa balikat ko
Pinilit kong umupo kahit masakit ang balikat ko, mabilis naman niya akong inalayan
" Hindi ka kumain kanina, may iba ka bang gustong kainin? Nagluto ako para sayo" malambing na sabi nito. Pinagmasdan ko ang mukha nito pababa sa kamay niyang may band aid na nakadikit sa hintuturo, mabilis na tinago niya iyon sa likod
" Pwede bang umalis ka muna sa harap ko, ayaw kong makita ang mga mukha niyo" sabi ko sakanya
Naguilty agad ako ng may nakitang kakaiba sa mata nito, sakit? Ewan ko kung tama ba. Hinalikan muna ako nito sa noo bago umalis sa kwarto
Pagkalabas nito ay agad na nagsilabasan ang mga luha ko, naalala ko kasi ang nangyari kahapon. Takot na takot ako sa tuwing pipikit ako naalala ko ang mukha ng mga bangkay kahapon
Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon at pumasok ang mayordama sa mansion, may dala itong tray na may laman ng pagkain
" Oh batang to, kumain ka muna tama na ang iyak..aba'y kahapon ka pa iyak ng iyak ah" sabi ni Lola Marie, nang lumapit Ito ay agad ko itong niyakap. Hinaplos haplos naman nito ang likod ko parang pinapagaan ang dibdib ko, na miss ko tuloy si Mother Teresa
" Kumain ka muna, luto yan ni señorito Hellion, pangit lang ang mukha ng pagkain pero masarap pag kakainin na" nakangiting sabi ni Lola. Napatingin ako sa plato kung saan nandoon ang nagkalasog-lasog na pagkain
Hindi ko tuloy alam kong pagkain iyon ng tao o pagkain ng aso, opps sorry
" Italian food yan, sabi ni Señorito Hellion kanina.. nakalimutan ko lang ang pagkain ang hirap kasi ibigkas"natawa ng mahina si Lola, natawa nalang tuloy ako
Kumuha ako ng kunti at kinain, naglalaki ang mga mata kung tiningnan si Lola Marie, Grabe ang sarap! Sunod sunod ang subo ko muntik panga akong masamid, buti nalang mabilis na inabutan ako ng tubig ni Lola. Magtayo kaya ng restaurant si Hellion ang sarap magluto eh
" Dahan dahan, tong batang to" nakangiti akong napatingin kay Lola, pinagpatuloy kona ulit ang pagkain
" Hindi ko alam kung paano ko Ito sisimulan, pero alam mo bang mga bata palang yung tatlong yun ako na ang nag alaga sakanila hanggang sa nagbinata sila, minahal ko sila na para kung mga anak" masayang sabi ni Lola pero may bahid ng lungkot
" Asan na po yung mga magulang nila?" Tanong ko
" Magulang? ni minsan ay hindi nakaramdam ang triplets na mahalin ng totoong magulang simula nung may nangyaring masama kay Ma'am Kendra. They are 8 year old that time sa harap nila....sa harap ng Triplets..." Hindi nito natuloy ang sinabi at nagsimula ng umiyak
".......sa harapan nila mismo pinatay si Ma'am Kendra nang mga kalaban ng Dela Vega sa Mafia, masaya silang pumunta sa Amusement park non habang wala yung mga papa nila dahil nagpunta sa ibang bansa para sa negosyo at yun na nga ang nangyari.....b-binaril si Ma'am Kendra sa harapan mismo ng Triplets mabuti nalang at naawa yung pumatay at hindi binaril ang tatlo" pag kwento ni Lola habang umiiyak pa din, napatakip ako sa bibig ko habang naiiyak na din
" hindi namin makausap ang tatlo, laging umiiyak, nagkukulong sa kwarto, ayaw kumain, ni minsan nakita pa naming gusto nilang m-mag ....pakamatay buti nalang napigilan namin At yun na nagsimula ang pagbabago ng triplets, hindi na sila ngumiti, laging maiitin ang ulo, ni minsan ay pagkauwi sa school laging may mga pasa sa mukha, pero guma graduate naman ng college, Magna cum laude pa nga. At the age of 10 nakapatay na sila ng tao"
nagulat ako sa sinabi nito, Kasalanan ang ginagawa nila! Pero maiisi ko ba sila? Sa harapan nila mismo pinatay ang mama nila kung sakin nangyari yun ay, hindi ko makakaya yun. Pero masama pa rin ang maghiganti at sa tingin ko ay ginagawa nila iyon upang maibsan ang sakit sa dibdib nila sa dahil sa nangyari
" Pero alam mo nung dumating ka, kita kong medyo bumabalik sila sa dati ...yung may mga ngiti sa labi, yung matatamis na ngiti nila na kayo lang ng mama niya ang nagawa, kaya please patawarin mo sila sa lahat ng ginagawa nila sayo, ang pagkidnap ng triplets sayo at ang pagdamay nila sayo sa magulo nilang buhay" sabi ni Lola na may pagpapakaawa sa mga matang nakatingin sakin, kinuha nito ang mga kamay ko
" Lola, matagal ko na po silang pinatawad... Dahil hindi po ako yung taong madaling magtanim nang galit. Diyos nga nagpatawad ako pa Kaya" nakangiti kong sabi
" Ang bait mong Bata ka, yung mga alaga ko haha" sabay kaming natawa ni Lola, alam ko na ang ibig sabihin nito
" Eh bakit ayaw mong makita ang Triplets? Tanong nito
" Dahil na naalala ko po ang nangyari kahapon, pero magiging ok din ako" sagot ko
" Madre ka daw?" Tanong ulit nito, tumango ako
" Kung sakaling maka alis ka puder ng triplets, babalik ka ba sa pagiging Madre?" Napaisip ako sa tanong ni Lola Marie
Babalik ba ako? Di ko alam? S-syempe babalik ako! Hays! Ang gulo ng utak ko
+++++++

YOU ARE READING
In The Arms of Dela Vega Triplets
RomanceGENRE: ROMANCE & ACTION -TEASER- The Dela Vega triplet's are well known as a Ruthless Business Tycoon's, a Dangerous Mafia Boss's. They have the same likes, the same hobbies, and also they shared a ONE girl. Lahat ng bagay...