CONTINUATION
Pilit hinahawakan ni Lucifer ang kamay ko pero mabilis ko rin naman iyon inilalayo. Nang hindi siya tumigil ay sinamaan ko siya ng tingin pati na rin yung dalawa agad din naman silang nag iwas ng tingin
" Sabihin niyo nga sakin, ilang babae na ang minahal niyo. Bukod kay, Ivy ,kay Katty at kay Wena Sino pa?" Nagulat ata sila sa sinabi ko kaya hindi agad nakasagot.
Hindi pa namin napag usapan ni minsan sino ba talaga si Wena sa buhay nila? Hindi ako nagseselos nung una dahil wala naman akong pake sakanila, pero ngayon nagseselos ako sa isipang may naging relasyon siya sa Triplets. Pero anong klaseng relasyon diba. Friends? girlfriend? Hindi ko pwedeng sabihin na relative dahil hindi naman sila magkamukha ang layo lang. At lahat ng nakikita kung Dela Vega ay green yung kulay ng mata kay Wena ay brown.
" Sumagot kayo, ilan na ang babaeng minahal niyo?" Tanong ko sakanila
" Baby, dalawang babae lang ang minahal namin, si Mom at ikaw lang " malambing na sabi ni Hellion. Pero bakit may picture si Wena don sa secret room nila?
" Sino si Wena? Anong relasyon niya sa inyo?" Nasaktan agad ako ng nag iwas sila ng tingin sakin na para bang may iniiwasan. Bakit parang apektado sila? Bakit parang iniwasan nilang pag usapan si Wena?
" Let's stop talking about her, you're tired right? you should rest" Lucifer said coldly. That's it! bakit pa ba ako nagtanong. Tumahimik na ako at na una ng lumakad
" L-love?" Tawag ni Lucifer pero hindi kona siya pinansin pati na ding yung dalawa. Gusto ko nalang mahiga sa kama at umiiyak. Hindi ko malaman kung anong special sa babaeng yun at hindi nila masasabi sakin. I guess hintayin ko nalang siguro kung kailan nila buksan ang topic about Kay Wena
_____
Kinabukasan din yun ay namamaga ang mata ko habang tiningnan ang sarili sa salamin. Hindi ako pumayag nang sa isang room kami kaya wala silang nagawa at sa ibang Presidential suite sila natulog
Maganda ang Hotel nila sobrang laki napa wow pa nga ako ng nakita ang room ng Presidential suite. Akalin mong para akong naging mayaman ng ilang sandali. Ang ganda pa ng view sa labas kita ang malawak na dagat, mga foreigners at ilang Filipino na naliligo. Siguro mahal ang bayad rito
" Good morning! Samantha girl!! " Malakas na sigaw ni Eurika ang bumungad sa akin pagkalabas ko sa bathroom. Kasama ko siyang natulog rito. Nung tag tampo ako sa Triplets kahapon, nag tampo din siya. inaaway niya pa nga ewan ko kung anong trip ng babaeng to
" Good morning " matamlay na bati ko pabalik. Lumapit Ito sakin at niyakap ako kaya nagtaka ako sa ginawa niya
" Hayaan mo na ang Triplets hanap nalang tayo ng gwapo. maraming gwapong guest today tas masasarap pa ang katawan " pinipigilan kung tumawa. G*ga talaga. Anyway sabi ng triplets mag de-date daw kami pero mukhang hindi na natuloy
" Hoy Girl suotin mo yung binigay kung bikini sayo huh, maliligo tayo " napangiwi ako sa sinabi niya. Yung red na bikining bigay niya kagabi. Eh halos ayaw ko ngang hawakan yun tapos susuotin ko pa. Tiningnan ko palang yun parang ayaw ko nang suotin eh halos luluwa na yung dibdib ko pag susuotin ko kung sakali
Nagpasya na kaming bumaba para kumain. Amoy na amoy ko ang maalat na dagat. Maraming naliligo. Mapuputi yung buhangin tapos ang linis ng paligid.
Pagdating namin sa restaurant maraming taong kumakain. Na awkward pa nga ako dahil pag pasok namin ni Eurika nasa amin agad ang attention ng lahat. Pansin ko pa ang paninitig ng mga lalaking magkaibigang kumakain nung umupo kami sa katabing lamesa nila
" Hi! " Nakangiting bati nung lalaking may piercing sa tenga may accent yung tono ng boses niya halatang may lahing amerikano. Gwapo naman pero hindi ko gusto, pang playboy yung pormahan pero kahit siguro mabait pa siya hindi ko parin siya magugustuhan. Pinagtutulakan pa siya ng mga kaibigan niya habang tumatawa dahil sa ginawa nito
Hindi namin sila pinansin at nag order nalang. Pero nagulat kami ng lumipat sila sa mesa namin, tapos tumabi sakin yung bumati. Nakangiti ito habang pinagmasdan ako mula ulo pababa. Nakasuot ako ngayon nag short at malaking t- shirt pero sa titig nito ay parang nakahubad ako, sa sobrang uncomfortable gusto ko nalang umalis at wag ng kumain. Tiningnan ko si Eurika nagkasalubong na ang kilay nito, kinukulit din kasi siya
" Hey beautiful, wanna have fun to me tonight?" Mayabang na aya nung lalaki. I sighed
" That's sounds good, does a hundred bullets of gun okay to you?" Napatingin ako sa nagsalita. Bumungad sakin ang Triplets, nakatayo sa likod ni Eurika habang sobrang sama ng tingin nito sa lalaking katabi ko. Nakasuot sila ng Denim short with black shirt. simple lang ang suot nila pero nakaka atract na nang maraming babae, halos nasa kanila na nga ang attention ng babae rito
" D-Dela Vega" nauutal na sabi nung lalaki, nang tingnan ko ito ay namumutla na siya pati yung kasama niya. Wala pang minuto ay nagsialisan na sila, nagmamadali muntik pa ngang madulas yung isang kasama nila, tinatawan pa ni Eurika. Nagtataka ko nalang silang tiningnan
Nang bumaling ang tingin ko sa Triplets ay na sa akin na ang tingin nito kaya umiwas agad ako. Napasinghap ako ng may humila sa upuan ko, na agaw tuloy namin ang attention ng lahat. Nagtatakang tiningnan ko si Damon, yumuko ito kasabay ng pagbuhat sa akin ng pang bridal style.
" Anong ginagawa mo ?" Tanong ko sakanya. Pero hindi ako nito pinansin, masama parin ang timpla ng mukha nito at alam kung ganon din ang dalawa. Buhat ako nitong lamubas sa restaurant sa sobrang hiya sa mga taong nakatingin ay sinubsob ko nalang ang mukha sa dibdib niya. Grabe ano bang trip ng tatlong to

YOU ARE READING
In The Arms of Dela Vega Triplets
RomanceGENRE: ROMANCE & ACTION -TEASER- The Dela Vega triplet's are well known as a Ruthless Business Tycoon's, a Dangerous Mafia Boss's. They have the same likes, the same hobbies, and also they shared a ONE girl. Lahat ng bagay...