CHAPTER 34
Samantha POV
Wala pang sampong minuto naka rinig na kami nang putok sa labas. Mas lalong ngumisi si Miguel nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pag ngisi din ni Nyx habang kabaliktaran naman kay Macy dahil nakita ko ang takot sa mukha niya.
" There here.. salubingin niyo ang bisita natin! " Sigaw niya sa mga tauhan niya na nagmamadali namang lumabas. Tinanggal ni Nyx ang mga tali ko sa paa pagkatapos ng natanggal marahas na hinila ako ni Miguel palabas. Pero napaigtad kaming apat ng biglang may malakas na sumabog.
" Sh*t! Bakit kasi hindi nalang natin patayin ang babaeng yan siya naman ang habol nila diba....ayaw ko pang mamatay Miguel! " Naiinis na sigaw ni Macy habang tinutukan na ako ng baril pero sa tingin ko mas galit si Miguel dahil binitawan muna ako nito syaka niya malakas na sinampal sa mukha si Macy.
" Mamamatay ka talaga kung hindi mo ititigil yang kaartehan mo.... Hindi pa ako tapos sa mga Dela Vega'ng yan sinira nila ang mga pinaghirapan ko. Si Mina lang ang alas natin para mapasunod ang Triplets na yun naintindihan mo?" Napahawak sa pisnge si Macy habang tumango sa sinabi ni Miguel.
Ngayon ay ako naman ang marahas na hinila ni Miguel palabas. Rinig namin ang putok ng mga baril na nagmumula sa ibat ibang direksyon kasunod ng malalakas na pagsabog.
Habang tinatahak namin ang daan pababa sa hagdan ng Mansion nila may nakikita na akong nasusunog na bahagi ng mansion at mga nagkalat na dugo sa paligid habang nakahandusay na mga katawan ng mga lalaki na wala ng buhay at tadtad ng mga tama ng baril.
Malakas akong tinulak ni Miguel dahilan upang mapaupo ako sa sahig. Habang tinutukan naman ako ni Macy at Nyx ng baril.
" Lumabas kayo Dela Vega kung ayaw niyong patayin ko ang pinakamamahal ninyong babae!! " Sigaw ni Nyx. Napadaing ako nang marahas na hinila ni Macy ang buhok ko
Sa isang pader unang lumabas si Lucifer, sunod si Hellion at pang huli si Damon. Sobrang higpit ng mga hawak nila sa baril habang sobrang dilim ng tingin nila sa kinaruruonan namin. Nang dumapo ang tingin sakin ay nag alalang humakbang ang tatlo balak pa sigurong lapitan ako pero umiling ako. I saw them crumpled their hand into fist.
Mukhang hindi pa ata nakuntento si Macy at malakas akong sinampal dahilan ng paghiga ko patagilid.
" F*CK! Stop it you whore!! " Dumadagundong ang galit na boses ni Damon nakita ko pa ang pag mutla ng mukha ni Macy sa harap ko. Pag angat ng tingin ko sakanila ay nakita ko kung paano nila pinipigilang na lapitan ako.
Napakunoot ang noo ko ng nakitang maraming tauhan ni Miguel ang nag sidatingan. Nang binalik ko ang tingin sa tatlo ay para bang wala lang sakanila iyon kahit na napapaligiran na sila ng kalaban ang attention na sa akin lamang.
Napapikit ako ng naisip na silang tatlo lang ang narito. Nakikita ko pa ang dugo sa damit ni Hellion sa tingin ko ay nagpapagaling pa siguro sila pero nang nakuha ako ng kalaban hindi na naisip na unahin ang sarili nila at sumugod na rito. Nang hindi na nakatiis ay lumapit na talaga sakin pero agad ding napahinto nang nagsalita si Miguel.
" Isang hakbang pa mula sa inyo hindi ako magdadalawang isip na Iputok to sa babaeng pinakamamahal ninyo " napahinto ang tatlo habang nagtatagis ang mga ngipin.
" What do you want Miguel? " Lucifer coldly ask. Humalakhak si Miguel habang natatawa naman ang lahat ng tauhan niya. Kinagat ko ang labi upang pigilan ang umiyak dahil nalalasahan ko ang pakiramdam na wala kang magawa.
" Yan! Yan ang gusto ko Dela Vega....you love her right? then I want you to prove that into the battle, if you three kill hundreds of my people then you can have her " nakangising sabi ni Miguel. Napaka tuso ng h*yop nato. Alam ko na kahit magaling lumaban ang Triplets kung maraming marami ang kalaban tiyak na mamatay sila lalo pat may mga sugat pa sila na natamo galing sa labanan.
" No guns involved " dagdag pa nito. Tumingin si Miguel kay Macy at tinanguan niya ito pagkatapos nakangiting binaling ni Macy ang tingin sakin tapos naramdaman ko nalang ang talim ng kutsilyo sa leeg ko naramdaman kopa ang pag diin nito. Ayaw kung tingnan ang Triplets kahit nakita ko kung paano nila pabagsak na tinapon ang mga baril.
Madilim ang tingin ng triplets sa nakangising mukha ni Miguel habang parang hari naman itong naka upo sa sofa. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag atake ng diko mabilang na tauhan ni Miguel.
Sipa, suntok, at nabalibag ang mga tauhan ni Miguel na sumugod sa Triplets.. hindi ko makipag kaila na magaling talagang makipaglaban ang Triplets. Hindi naman napansin ni Hellion ang paparating na suntok ng tauhan ni Miguel kaya napadikit siya sa dalawa, napatingin si Damon kay Hellion at siya naman ang pumalit sa pwesto ni Hellion. Madami nang tauhan ni Miguel ang nakabulagta habang para lang nanood ng action movie ang tatlo. Napapikit ako sa galit.
" Kahit siguro ang pinaka matalinong tao kapag nagmahal nagiging t*nga " napamulat ako sa sinabi ni Miguel nakangisi itong tinutok ang baril sa direksyon ng Triplets.
Bago ko pa isigaw ang pangalan ng Triplets napatingin na kami sa pinto ng malaking mansion ni Miguel nang may sumigaw
" Hi, fans. Sorry ngayon lang kami nakarating!! " puno nang galak na sigaw ni Lim habang sobrang laki ng ngiti. Pasimple kung tiningnan si Miguel nagdidilim na ang mukha.
Kanya kanya namang pagtatago ang mga tauhan ni Miguel at sila Macy nang sunod sunod na pinagbabaril ni Lim ang lahat, pumasok sila kurt at nagkipag barilan narin.
YOU ARE READING
In The Arms of Dela Vega Triplets
RomanceGENRE: ROMANCE & ACTION -TEASER- The Dela Vega triplet's are well known as a Ruthless Business Tycoon's, a Dangerous Mafia Boss's. They have the same likes, the same hobbies, and also they shared a ONE girl. Lahat ng bagay...