CHAPTER 33
Samantha POV
Mabilis akong naghilamos pagkatapos tiningnan ko ang mukha ko sa salamin rito sa CR. Pumikit ako at huminga ng malalim, kinuha ko ang phone sa bag at tinawagan ang Triplets ngunit hindi naman sila ma contact. Kanina lang 45 missed calls at 23 message na galing sakanila ngayon na tinawagan ko na sila hindi naman ma contact. Sh*t kinabahan ako!
Nang napansin na parang may papasok sa CR ay agad akong pumasok sa isa sa cubicle rito.
Hinawakan ko ang dagger na nasa legs ko, inaasahan ko na ito.. kanina ko pa napapansin na may sumunod sa akin. Sa bagay napapaligiran nga pala ako ng ibat ibang Mafia boss hindi ko talaga mahahalata kung kakampi ba o kalaban. Napapikit ako ng nakitang hindi ko nadala ang baril ko na nandon sa bag nakalimutan kong dalhin sa pagmamadali.
" Nandito lang yun...pag makita niyo barilin niyo agad " baritong sabi ng lalaki.
" Pagkatapos nating mapatay ang babaeng yun isusunod natin ang kambal niya...tiyak masisiyahan si boss sa gagawin natin " rinig ko sa bawat sulok ng CR ang bawat halakhak nila. Napa irap ako
Napapahigpit naman ang kapit ko sa dagger sa tuwing papalapit ang pagsipa nila sa pinto dito sa cubicle. Nandito ako sa pinakahulihan. Nang na napansin Ang sapatos nito sa harap ng pinto ay malakas kung pinatid yun dahilan ng pagtumba ng pinto kasama siya.
Mabilis na lumabas ako and I immediately took my dagger and throw it to another guy, dumaing pa ito bago nagpaputok ng baril ang isa pang kasama niya papunta sa direksyon ko..napadaing ako ng nadaplisan ang braso ko bago pa ako makailag. Sh*t!
Napangisi ang lalaki dahil sa ginawa niya at dahan dahan itong lumapit sakin habang tinutukan ulit ako ng baril pero bago niya pa ito mapaputok ay mabilis kona agad natabig ang kamay niya dahilan ng paglipad ng baril nito sa ere.
Binigyan ko siya ng sipa sa tiyan dahilan ng pagbagsak nito sa mismong pinto ng CR mabilis ko namang kinuha ang baril nito na lumipad kanina bago ito ipaputok sa lalaki ng ilang beses...sinisigurado na mamatay talaga ito at tumalikod ako at sa mga kasama naman nito ang binaril ko.
Nagtaas baba ang balikat ko dahil sa paghinga, pinahid ko ang pawis sa noo. Balak ko sanang dagger ang gamitin para patayin sila kaso baka madumihan ang damit ko.
Tiningnan ko ang braso na dumudugo pumunta akong sink at hinugasan yun pagkatapos kinuha ang medyo malaking panyo ko sa bag at iginapos iyon sa braso ko. Inayos ko muna ang buhok ko, ang damit at ang mukha bago umalis at iniwan ang bangkay sa loob ng CR.
Pabalik palang akong convection hall na may narinig na akong tawag kaya dali dali ko iyon kinuha sa purse at sinagot.
"Lucifer? "
[ Mina...this is Khalil ] kumunot ang noo ko at sa hindi maipaliwanag bigla akong kinabahan. Bakit siya ang tumawag? Where's Lucifer?
[ I have a good and a bad news for you Mina. A good news is everything went well as planned. Triplets save your Dad and we totally destroy the Pincers Society and the Stinger Society...only the Venom Society left but the bad news i....] Napaigtad ako dahil sa malakas na pagsabog sa kung saang lugar ng convection hall. Sh*t!
Napahigpit ang hawak ko sa baril na may narinig na nang putok ng baril sa kung saan. Sa tingin koy nalaman na ng Scorpion Organization ang nangyari kaya nagkagulo na. Napatili ako ng may humila sa braso ko tinago ako nito sa likod niya bago niya binaril ang papalapit na kalaban ko at hindi kalaban niya. Dahil alam kung kakampi niya yon.
Gulat ko itong tiningnan at nang naisip na kalaban siya ay tinulak ko naman ito pagkatapos tinutukan ng baril ko habang walang expression ko itong tiningnan.
" Talk before I shoot you Kavin " malamig kung sabi sa sakanya. Mahinahon lamang ako nitong tiningnan. Ni hindi na ito nagulat sa ginawa ko.
" Mina...a-alam kung alam mo na ang lahat...pero maniwala ka--" Pinutok ko ang baril sa paanan niya umalingaw-ngaw naman ang putok ng baril ko dahilan upang huminto siya sa pagsasalita at sa paglapit sakin.
" Plinano niyo na to ni Miguel una palang hindi ba?! Pinagkatiwalan kita hay*p ka...tapos ito lang ang isusukli mo sakin ang traydorin ako!!" Galit na sigaw ko sakanya.
" Plinano ni Miguel hindi ako...maniwala ka-- Mina hindi ko binalak na traydorin ka, kakampi mo ako. Nahuli ako nung nilusob na nila ang bahay ng Dad mo ni hindi ko alam na nagplano na sila non...kung sana nandon ako sana napigilan ko pa " nag mamaka awa ang mga mata nitong nakatingin sakin na para bang pinilit niyang paniwalaan ko siya.
Pero bago ko pa maibaba ang baril ko naramdaman ko na may naka inject sa braso ko nang tingnan ko si Kavin ay meron din Ito sa leeg dahilan upang natumba ito sa lapag at tuluyan ng nawalan ng malay. Naramdaman ko na ang paglalabo ng paningin ko pero nakikita ko parin ang pigura ni Macy na nakangisi
" Matagal ka na sanang patay kundi lang dahil sa mga Dela Vega'ng yun at nang lalaking to..pero ngayon sisiguraduhin kung mamatay ka " sabi nito. At tuluyan na akong kinain ng dilim.

YOU ARE READING
In The Arms of Dela Vega Triplets
RomantikGENRE: ROMANCE & ACTION -TEASER- The Dela Vega triplet's are well known as a Ruthless Business Tycoon's, a Dangerous Mafia Boss's. They have the same likes, the same hobbies, and also they shared a ONE girl. Lahat ng bagay...