[ITAODVT] CONTINUATION:
Samantha POV
Nagising ako sa isang hindi familiar na kwarto, umiikot pa nang kunti ang paningin ko. Nilibot ko ng tingin ang paligid grey and black ang kulay
Umupo ako at napansing iba na ang suot ko, napansin ko din na sobrang laki ng kama na tingin ko'y kasya ang anim na tao
Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon at sunod sunod na pumasok ang tatlong lalaki. Pare-pareho ang built ng katawan na kahit itim na pants lang at simpleng white v-neck t-shirt ang suot, ang lakas parin ng dating
" Baby, how are you?" Malambing na sabi nung unang pumasok
Napakurap-kurap ako, hindi pa masyadong malinaw ang paningin ko, Familiar ang mukha
Napa atras ako ng hinaplos nito ang kaliwang pisnge ko at mas nakakagulat pa sila yung mga lalaking muntik na makasagasa samin. Agad na kumalabog ng malakas ang puso ko
" S-sino kayo? Wag mo kong hawakan!'' nanginginig na na pa atras ako sa lalaking nasa harap ko, at tila hindi nito nagustuhan ang ginawa kong pagtampal sa kamay niyang gusto akong hawakan. Kaya naman ay mahigpit akong hinawakan sa braso atsyaka hinila palapit sa kanya
Tila bumagsik pa ata ang tingin nito sakin habang umiigting ang panga, sa sobrang kabog ng puso ko tila aatakehin na ata ako
Biglang umamo ang mukha nito ng nakitang umiiyak ako, hinaplos nito ang pisnge ko tapos pinunasan ang luha kong hindi ko alam na tumulo na pala
" Shhh, stop crying baby" sabi nito, binitawan niya ako at sinapo ang mukha ko
" I'm Hellion" sagot nito sa tanong ko kanina habang pinunasan pa rin nito ang luha sa pisnge ko
" I'm Damon" napatingin ako sa nagsalita
He's sitting on the couch with his legs wide apart, nakapatong ang siko nito sa magkabilang hita at nakatingin sakin, napa iwas ako ng tingin
" I'm Lucifer and we are the pride of the Dela Vega Clan" dumapo naman ang tingin ko sa nagsalita. He was leaning on the wall, staring at me intently
Dela Vega? Sino ba naman ang hindi makakilala sa apelyidong yun, Alam kong sikat yun sa larangan ng negosyo
Base sa sinabi nila. Dela Vega are famous, handsome, hot, rich, intimidating, and dangerous, at basi sa nakita ko ngayun they really are
Alam kong sikat silang tatlo pero ngayon ko lang talaga nakita ang mga mukha nila, ni hindi ko alam na sila pala ang Dela Vega triplets
Lagi pa nga silang binabanggit nang mga kaklase ko dati, sila lagi ang laman ng balita sa campus na kahit sa public naman ako nag-aaral at sa isang sikat na University na nag-aaral ang triplets na sila din ang may ari nung school, sila lagi ang topic sa campus namin.
Kaya minsan ay na curious din ako, kesyo Ang Dela Vega triplets daw ay mga Gwapo, mayayaman, magaling sa Academics, magaling sa athletes at higit sa lahat magaling sa KAMA palaisipan din sakin dati kung bakit sila magaling sa kama? Eh hindi naman sport yun
End of Chapter 1
++++++
Wrong typo's and grammar ahead!!A/N : baka magtaka kayo Kung bakit madali lang Akong maka update guys. I have my whole story sa phone ko at madali lang ito dahil ginawa ku ito sa phone kaya madali lang Akong maka update guysss. Noon ko pa to sinimulan pero Hindi ko pa nilagay sa Wattpad. Now, Copy, paste nalang para madali guyss.💓💓💓

YOU ARE READING
In The Arms of Dela Vega Triplets
RomanceGENRE: ROMANCE & ACTION -TEASER- The Dela Vega triplet's are well known as a Ruthless Business Tycoon's, a Dangerous Mafia Boss's. They have the same likes, the same hobbies, and also they shared a ONE girl. Lahat ng bagay...