Chapter::01

217 3 0
                                    

CHAPTER::01

•|Darvyn POV|•

Linggo ang lumipas ng nangyari pangyayari kung saan biglang pagkakaroon ni, Death ng sugat sa mukha

Minsan ay nahuhuli ko itong tulala at malalim ang iniisip

"May problema ba, Darvyn?" agad akong napalingon kay, Antonette

" Wala may iniisip lang ako."tipid na sagot ko rito saka muling binaling ang attention sa harapan

"Mukhang malalim ang iniisip mo dahil hindi mo manlang narinig ang ilang beses na pagtawag ko sa pangalan mo bago kita lapitan. "gulat at pagtatakang napalingon ako rito  wala naman akong narinig na tumawag sa pangalan ko ah

"Tinawag kita ng ilang ulit kanina pero hindi mo ako nililingon kaya nilapitan na kita." paliwanag nito ng mapansin ang pagtataka at kaguluhan sa mukha ko

Napatango tango na lang ako rito "Ano nga bang kailangan mo?" takang tanong ko rito makalipas ng ilang sandali

"Ah itatanong ko lang sana kung anong balak mo sa ilang linggo na binigay sa atin ni Mr. William para mag pahinga." tugon nito napa isip naman ako dahil sa totoo lang wala akong maisip na pwedeng gawin sa ilang linggo na yun

"Wala pa akong naiisip na gawin nawala sa isip ko."

"Ganun? Plano namin nila, Brazen na mag stay na lang tayo rito nakausap na din namin ang iba at pumayag sila para daw mas makilala natin ang isa't isa bigla ka kasing nawala kanina kaya hindi ka namin agad nasabihan."mahabang lintaya nito

"Sige wala din naman akong balak umuwi sa amin at wala na din naman dapat kong problemahin dahil wala ng nang gugulo sa bayan."tugon

"Ayos pala kung ganun."bakas ang kasiyahan sa mukha at tinig nito napa ngiti na lang rin ako rito

"Nasaan ba ang iba?" tanong ko

"Nasa likod ng Academia puntahan natin?" naka ngiting pag aaya nito inakbayan ko ito saka kami sabay na nagtungo kung nasaan ang iba...

"Hey,Guys!" naka ngiting bati namin rito ni Antonette kaya pare-pareho silang nalingon sa gawi namin

"Antonettee!!!!!" parang batang excited na lumapit si, Kenzo kay Antonette na napapailing na nakangiting sinalubong ito

"Yow, Darvyn Nette!" sabay na bati ng kambal na si Troy at Trey ngumiti na lang ang iba saka simpleng kumaway bilang pagbati

Lumapit ako sa puwesto ni, Death at dun umupo sa tabi niya agad nitong niyakap sa akin ang mga braso nito pagka upong pagka upo ko sa tabi niya

"Pumayag ka sa plano nila?" tanong nito habang naka patong ang baba nito sa balikat ko habang Ako Naman ay naka sandal sa dibdib niya

"Hmm... Wala din naman akong gagawin kung uuwi ako sa amin lagi din namang wala sila Mama kaya wala din." tugon ko rito

" That's good! Ibig sabihin nun makakasama kita."tipid ngiting wika nito ngumiti na lang rin ako rito...

Walang nagsalita sa aming dalawa ngunit na natili ang pwesto namin ninanamnam ang yakap nito sakin

"Naniniwala ka pa din bang buhay si, Kaithlyn?" tanong ko rito ng kaming dalawa na lang ang naiwan

"Hindi ko na alam..." mahinang sagot nito "Dahil sa totoo lang nalilito ako kaya nga ayaw kong sabihin sa iba dahil ayaw kong umasa sila."

"Kung sakaling buhay man siya, Nasaan siya kung ganun? Bakit hindi siya nagpakita?"naguguluhang tanong ko rito humigpit ang yakap nito sakin

"Kaya nga hindi pa din ako sigurado pero paano maipaliwanag yung biglang pagkaka roon ko ng sugat? Ang sabi sakin ni, Kaithlyn nuon mawawala lang ang koneksiyon namin sa oras na namatay siya."naka pa buntong hiningang wika nito

To Another World (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon