Chapter 16
"Saan ka na naman pupunta? mamaya maligaw ka na naman."nag-aalalang wika ni, Antonette kay, Darvyn wala ang teacher nila para sa oras ngayon kaya may free time sila
"Hindi na."natatawang wika ni, Darvyn dito
"Siguraduhin mo lang bumalik ka dito bago mag-simula ang susunod nating klase."paalala ni, Antonette sakanya na tanging tango lang ang tugon bago lumabas ng kanilang room
Dinala ito ng mga paa niya sa medyo tagong parte ng paaralan kung nasaan madaming puno kung Tama ang pag kakaalala niya az na banggit noon ng mga kaibigan ni Khara na dito siya madalas tumambay at matulog
Wala itong na datnan kahit sino sa lugar, napili na lang nitong umupo sa ilalim ng puno saka sumandal dito
Habang tumatagal ay nasasanay na silang mamuhay na tila ba Isa silang normal na tao, Isang normal na studyante at hanggang ngayon ay hindi pa din nila nahahanap kailangan nilang hanapin
"Dash..."gulat na anas nito ng makita ang kaibigan na agad naman niyang nginitian
"Wala din kayong klase?"tanging tango lang ang naging tugon nito sa kanya. naka-sunod lang ang tingin nito rito hanggang naupo ito sa damuhan hindi gaanong kalayo sa kanya
"Kumusta?"pag-imik nito "Ano nga pa lang ginagawa mo rito? saka nasaan si, Brazen at Kenzo?" Muling tanong nito, nag-kahiwalay kasi silang tatlo sakanila
"Maingay sa room, pinuntahan nung dalawa sila Sy."tipid na sagot nito
"Habang tumatagal mas lalong nagiging tahimik ka."Hindi nito mapigilang komento nito
"Dahil wala naman dahilan para mag-ingay ako."mahinang tuwa si, Darvyn sa naging sagot nito
"Sa bagay."
"Dumadaldal ka na hindi tulad ng dati."sambit ni, Dash rito saka siya tinapunan ng tingin
"Bumawi ako eh."natatawang wika nito alam nitong alam niya ang ibig nitong iparating
"Ang ingay niyo."parehong napalingon lingon ang dalawa para hanapin yung nag-salita
"Sino yun? "Nag-tatakang tanong ni, Darvyn hanggang sa pareho silang napalingon ni, Dash sa taas ng puno ng marinig nilang may kumaluskos dito kasunod ay ang pag baba ni, Khara
Halata sa mukhang kagigising lang nito at medyo lukot ang damit nito parang nung una lang nilang nakita ito
"Nandito ka pala, Khara wala ka bang klase?"tanong ni, Darvyn dito ng makabawi ito
"Wala may meeting ang mga teacher." Sagot nito sakanya saka sumalampak sa damuhan sa tabi ni, Dash
"Hindi naman siguro masamang tumabi sayo no pareng, Dash? Tambayan ko naman dito." Wika ni, Khara rito ng mapansing naka-titig sakanya ang lalaki nito dahil sa pag-upo nito sa tabi nito
"Kilala mo si, Dash?"gulat na tanong ni, Darvyn dito
"Oo, diba binanggit ng kasamahan niyo noon ang pangalan niya." Takang tugon nito
"Natatandaan mo ang pangalan niya samantalang sa'min ay hindi, Bakit naman ganun?"tanong ni, Darvyn
"Natatandaan ko naman na ang pangalan mo ah."kunot noong turan nito
"Oo nga kaso sinabi ko sayo ulit samantalang si, Dash isang beses mo lang naman narinig ang pangalan niya pero naaalala mo."katwiran nito
"At least ngayon alam ko na ang pangalan mo, Yvkiasha Darvyn."naka-ngising wika nito "Saka hindi ko naman kasalanan kung yung pangalan nito ay natandaan ko agad at hindi yung inyo."sambit nito saka pinan-ikutan ito ng mata
"Bakit pakiramdam ko may nangyayaring favoritism dito."hindi makapaniwalang ani nito
"Pakiramdam mo lang yun, feeler ka siguro."halatang nag pipigil ng tawang sambit nito lalo na sa paraan ng pag-ngiti nito
"Dash lang ba ang pangalan mo? Parang Dashboard alam mo yun? "Takang turan ni, Khara rito
"Oh bat siya tinatanong mo habang ako noon hindi?"tila nag-aakusang turan ni, Darvyn dito "Kung hindi ko sinabi ng kusa ang pangalan ko hindi mo malalaman."dagdag nito
"Yung totoo, Yvkiasha anong trip mo?"na weweirduhang turan nito saka muling binaling ang attention sa lalaki "So ano nga talaga ang pangalan mo?" Muling tanong nito habang nakiki pag laban ng titig rito
"Dashiell Arlo Barker."kalmadong tugon ni, Dash sakanya
"Dashiell Arlo, huh?Mas magandang pakinggan kay sa Dash lang parang Dashboard."nang-aasar na turan nito ngunit tila walang pakialam ang lalaki dahilan para mapasimangot ito saka nilingon si, Darvyn na masama ang tingin sakanya
"Bakit ganyan ka makatingin sa'kin? Wala naman akong ginagawa sayo ah."tila maamong tanong nito "Wait."natigil ito saka palipat lipat ang tingin nito sa dalawa dahilan para mapa-kunot noo ang mga ito
"Jowa mo si, Dashiell? Nag-seselos ka dahil kinakausap ko ang bebecakes mo?" gulat na tanong nito ngunit bakas sa mukha ng dalawang wala silang ideya sa sinabi nito
"Jowa? Bebecakes?"naguguluhang tanong ni, Darvyn
"You know kasintahan, boyfriend ano pa ba... Iniibig? irog?"
"Huh? naku mali ka ng iniisip mag-kaibigan kami saka hindi siya ang kasintahan ko."agad na tanggi nito ng maintindihan ang ibig nitong sabihin sakanya
"Pero may boyfriend ka?"muling tanong nito
"Meron pero sa ibang School siya pumapasok. Death ang pangalan niya."dagdag nito
"Death? as in kamatayan yung name niya?"naka-ngiwing sambit nito "Ang weird huh?"komento nito "Pero seryoso yun talaga ang pangalan niya?"
"Oo, wala naman masama sa pangalan niya tama lang yun para sakanya."tugon nito
"Hindi naman halatang tamad ang magulang niyang mag-isip ng pangalan eh?"iiling-iling na turan nito saka huminga ng malalim bago nahiga sa damuhan
"Ano naman feeling ng may boyfriend?"tanong nito sakanya
"Masaya, ba't mo natanong? Hindi ka pa ba nag kakaboyfriend?"
"Wala naman curious lang ako, saka masyado akong busy sa pag-aalaga sa mga kapatid ko at sa pag-aaral para maisip pa yang pag kakaroon ng boyfriend na yan."sagot ni, Khara rito "Anong pakiramdam pag inaalagaan ka ng taong mahal mo? tuwing Nilalambing ka niya? "Muling tanong nito
"Bakit hindi mo subukang mag boyfriend para alam mo? Mahirap kasing ipaliwanag eh pero Isa lang ang magiging sagot ko sa tanong mo pakiramdam ko buo ako."naka-ngiting sagot ni, Darvyn dito
"Akala ko ba isang magiging sagot mo eh tatlong words yun."natatawang wika nito "Wala ka talagang balak mag-salita, Dashiell? hindi ka kaya mapanisan ng laway dyan? "Pansin nito sa katabi na kanina pa tahimik at nakikinig sakanilang dalawa
"Wala naman akong sasabihin."tugon nito
"Hmm... Kung ganun sagutin mo ako, May girlfriend ka na?"
"Meron."tipid na sagot nito
"talaga? Sino? Buti pinatulan ka niya sa tahimik mong yan." Hindi makapaniwalang ani nito
"Hindi naman ganyan katahimikan si, Dash dati ng makilala niya si, Kaithlyn."sabat ni, Darvyn
"Kaithlyn? yun ba ang pangalan ng girlfriend niya?"Kung ganun nasaan siya? "Tanong nito
"Matagal na siyang wala."parehong gulat na napalingon ang dalawa rito. Hindi inaasahan ni, Darvyn na sasagutin nito ang tanong sakanya habang si,Khara ay hindi inaasahan ang naging sagot nito
"Panong wala? As in yung iniwan ka nag-punta sa ibang lugar o yung wala na talaga hindi na siya nag eexist?"paglilinaw nito
"Kinuha na siya sa amin."napa tango na lang ito at hindi na ito naka imik ulit dahil nagulat ito sa nalaman
BINABASA MO ANG
To Another World (🌹)
FantasyMystical Regal Academy Book 3 When there met in another world..... What if fate plays with their lives.. What if the old trust turns to doubt... What if former friends or allies become enemies.. What if the old feeling of happiness is replaced b...