Chapter 22

60 1 0
                                    

Chapter 22

"Nakita niyo na ba?"tanong ng Kamahal ang pinuno ng mga Black Raven ang matinding kakaharaping kalaban ng Regal

"Pasensya na Kamahalan ngunit hanggang ngayon ay wala pa kaming pag kakakilanlan sa bago niyang katahuan."turan ng isa sa mga inutusan nito

"Ilang buwan na lang ang meron tayo kailangan niyo na siyang mahanap bago pa kayo maunahan ng taga-Regal."turan ng kanilang pinuno

"Sigurado akong nag-padala na din sila ng mga taong mag-hahanap sakanya. Hindi pwedeng mapunta ulit siya sakanila."dagdag nito

"Pag-bubutihan pa namin ang aming pag-hahanap Kamahalan."magalang nilang turan

" Mabuti kung ganun. Umalis na kayo at ipag-patuloy ang pag-hahanap."utos nito

"Masusunod Kamahal!"nag-bigay galang muna ang mg ito sa kanilang pinuno bago sila nag si alisan

"Tingin mo ba ay nahanap na nila siya?"tanong ng Kamahal sa kanang kamay nito

" Sa tingin ko ay wala pa sakanila ang hinahanap niyo Kamahalan at mukhang wala pa silang ideya sa mangyayari."magalang na sagot ng kanang kamay nito sakanya

"Siya ang susi ng ating tagumpay kaya kailangang mapa sa kamay natin siya."may nakakakilabot na ngiting sambit ng pinuno

"Malapit na nating makamit ang tagumpay kamahalan kunting hintay na lamang."naka-ngiting sambit ng kanang kamay nito sakanya

"Hindi pa ba nag-uulat ang espiya natin sa panig nila?" Tanong ng Kamahalan rito

"Hindi pa ito nag-uulat Kamahalan mukhang nahihirapan itong tumakas sa mga kasamahan lalo na't kailangan niyang mag-ingat upang walang makahuli sakanya."tugon nito

"Mabuti na din at nag-iingat siya at hindi pinag-dududahan."

"Malaki ang tiwala nila sa ating espiya Kamahalan at magaling ito dahil lang inuulat nito ay nakakatulong sa'tin sa tagumpay."naka-ngiting sambit ng kanang kamay nito

"Sa tingin ko ay oras na para kumilos ka na. Oras na para magkasira-sira sila  at mawala ang tiwala sa isa't isa lalo na ang mga nangungunang groupo ng Mystical Regal Academy. "

"Masusunod Kamahal!"naka-luhod ang isang tuhod nito sa yumuko sa harapan ng Kamahalan bilang galang

"Siguraduhin mong pag-dududahan nila ang isa't isa hanggang sa mag kawatakwatak sila. Sigurado akong malaking kawalan yun sa Regal."naka-ngising turan ng Kamahalan

"Masusunod Kamahal! Nangako akong hindi ko kayo bibiguin."seryosong turan ng kanang kamay nito bago ito umalis

"Ito na ang simula ng pag bagsak ng Regal... "sambit nito saka nag-simulang tumawa ng tumawa

"Sorry, Ate hindi man lang namin inisip na baka nahihirapan kana.."mahinang sambit ni, Kehlane

"Sorry Ate.."Katelyn

"Ayos lang naiintindihan ko." masuyong turan ni, Khara sa dalawa saka parehong hinawakan ang kamay ng kapatid

"Pasensya na kung hindi ko agad sinabi sainyo ayaw ko lang naman na mag-alala kayo eh at bilang Ate niyo responsibilidad kong saluhin lahat ng problema."kming ngumiti ito

"Nauubos na ang perang naipon nila Mama at Papa sa bank account nila dahil sa mga bayarin natin at yung mga dating tumutulong sa'tin ay wala na."sambit nito

"Dapat sinabi mo agad sa'min, Ate para nadamayan ka namin. Tayo tayo na lang oh hindi ba dapat nag-tutulungan tayo?"sambit ni, Kehlane sakanya

"Alam ko naman yun, Kehlane pero gusto kong mag-enjoy kayo tulad ng dati. Gusto kong makita kayong tumawa at ngumiti ng walang dinadalang problema."masuyong sambit nito

To Another World (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon