Chapter 28

72 1 0
                                    

Chapter 28

"Hindi pwedeng mangyari ang gusto mo."mabilis na tugon ni, Brazen dito

"Bakit hindi?!"halatang nag-pipigil itong mag-taas ng boses

"Dahil hindi pwede ang mortal na tao sa mundo namin."seryosong sagot ni, Brazen rito at aalis na sana ng mabilis na tumayo si, Khara para pigilan ito

"At sinong nag-sabi? Ano 'to kayo pwede dito sa mundo namin habang kami hindi pwede?"natatawang wika nito bago seryosong tinitigan sa mga mata si, Brazen

"Sasama ako papunta sa mundo niyo kaligtasan ng dalawang kapatid ko ang pinag-uusapan natin." Madiing turan nito

"Pag-sinabi kong hindi. Hindi."

" Sino ka para sundin ko? Pasalamat ka pa nga lumapit na ako sayo para sabihing sasama ako kaysa sa pumuslit ako diba?"pakikipag-talo ni, Khara rito

"Kahit pa pumuslit ka o isama ka namin hindi ka makakatawid sa mundo  namin dahil kahit kailan wala pang nakakapunta roong mortal."seryosong turan ni, Brazen dito

"Bakit hindi natin subukan,"naka-ngising turan ni, Khara rito "Sa oras na nakatawid at napunta ako sa mundo niyo hahayaan mo akong sumama sainyo. "Puno ng kumpiyansang turan nito

" Bahala ka!"tanging nasabi na lang ni, Brazen dito dahil hindi na niya kayang makipag-talo sa mga katulad nitong sobrang tigas ng ulo at ayaw makinig

"Masaya akong malamang pumayag si, Brazen na sumama ka pero, Khara tulad ng sinabi niya wala pang mortal na tao ang nakakatawid papunta sa mundo namin."nag-aalalang turan ni, Antonette rito

"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan."tugon nito "Saka nakatawid ang dalawa kong kapatid kaya sigurado akong makakatawid din ako."dagdag nito

" Nakatawid sila dahil parehong duon sila ng galing bago sila napunta rito sa mundo niyo, Khara."paliwanag ni, Antonette

"Ah basta gagawin ko lahat para mapuntahan ang mga kapatid ko sa mundo niyo."pag-mamatigas nito

"Masaya akong malamang makakasama pa kita ng matagal ngunit hindi ko maiwasang mag-alala na baka mapahamak ka sa gusto mong mangyari, Khara."masuyong sambit ni, Dash rito habang mahigpit ang hawak sa kamay nito

"Magiging ayos lang ako, Dash saka nandyan ka naman hindi mo naman ako pababayaan diba?"malambing na sambit ni, Khara rito saka sumandal ito sa balikat niya

"Nag-aalala na ako ng sobra sa mga kapatid ko kung wala akong gagawin para makita sila ay baka tuluyan na akong mabaliw sa pag-aalala ko sakanila."pag-amin nito

"Huwag kang mag-alala dahil sigurado akong hindi pababayaan ng Conqueriois si, Kataleya at babawiin natin si, Kehlane mula sa Black Raven para mag-kakasama na ulit kayong tatlo."masuyong sambit ni, Dash rito

"Salamat, Dash..."mahinang bulong ni, Khara rito saka dahang dahang pinikit ang mga mata nito

Dahil sa sobrang pag-aalala nito sa mga kapatid ay hindi nito magawang matulog ngayon lang dahil pakiramdam nito sa bisig ng lalaking mahal magiging maayos ang lahat naging panatag ang loob nito dahil sa mga salitang binitiwan nito

"Mahal na mahal kita, Khara pangako gagawin ko lahat para maprotektahan ka."masuyong sambit nito habang naka-titig sa maamong mukha nito

"Tulog?"nag-angat ito ng tingin at duon nito nakita so, Darvyn namumula ang dalawang mata nito at ilong halatang galing sa pag-iyak

"Oo, mukhang ngayon lang naramdaman ng katawan niya ang pagod dahilan na din sa pag-aalala nito sa mga kapatid kaya kulang na kulang niya ng tulog at pahinga." Paliwanag nito rito

"Mahal na mahal talaga yung dalawa noh? Kahit pa hindi niya totoong kapatid at nalaman niya ang totoong katahuan nung dalawa."komento nito saka naupo sa sofa sa harapan nila

"Si, Dash nga natanggap niya yung dalawa pa kayang nakasama niya pag-laki."mahinang sambit ni, Antonette

" Ayos na ba ang pakiramdam mo?"tanong nito kay, Darvyn

"Ayos na, Salamat sa pag-aalala."tipid ngiting wika nito

"Tungkol pa din 'to dun sa lalaking kaibigan ni, Khara?"kunot noong tanong ni, Dash rito

Malungkot na ngumiting tumango si, Darvyn rito

"Gusto ko sanang isama siya sa pag-balik natin dahil umaasa akong babalik ang ala-ala niya."turan nito

"Pero pano si, Death?"tanong ni, Dash rito"Kung sumama ang lalaking yun ano na lang mangyayari sakanya? Hindi ba't kasintahan mo si, Death?"dagdag nito

"Si, Death na ang kasintahan mo ngayon, Darvyn kaya kung may mas dapat kang isipin ay yun ay si, Death dahil siya ang kasintahan mo."sambit ni, Dash rito ng hindi ito nasagot ni, Darvyn

"Ikaw ba, Dash paano mo nasiguradong si, Khara na talaga? Pano kung buhay si, Kaithlyn sinong pipiliin mo sakanila?"tanong ni, Darvyn

"Si, Khara."agad na sagot ni, Dash rito ni hindi man lang mababaksang nag-dalawang isip ito

"Bakit? Hindi mo na ba mahal si, Kaithlyn?"tanong ni, Darvyn dito

"Mahal ko si, Kaithlyn hindi mawawala yun at mahal ko si, Khara. Si, Khara ang kasalukuyan ko at kinabukasan ko habang si, Kaithlyn ay parte ng nakaraan ko at unang babaeng minahal ko kaya hindi ko pwedeng sabihing hindi ko na siya mahal dahil kahit gaano pa man katagal ang lumipas nasa puso ko siya dahil parte siya ng buhay ko."paliwanag nito

"Kung mahal mo ba si, Kaithlyn bakit si, Khara ang sagot mo?"naguguluhang tanong ni, Antonette rito

"Tulad ng sinabi ko dahil si, Khara ang kasalukuyan ko at kinabukasan ko."turan ni, Dash rito

"Kung mamimili ka sa dalawa. Kung yung una mo bang minahal o yung Pangalawa piliin mo yung Pangalawa,"sambit ni, Dash rito

"Dahil kung talagang mahal mo pa yung nauna hindi ka mag-mamahal pa ng iba."dagdag nito

Napa-pikit na lang si, Darvyn saka inisip ang sinabi ni, Dash sakanya..

Tanging ang Sovereign na lang ang naiwan sa lagusan papunta sa mundo nila dahil nauna na ang ibang groupo

"Tulad ng sinabi ko sayo walang kasiguraduhan kung makakatawid ka. Binigyan na kita ng babala."seryosong turan ni, Brazen kay, Khara

"Tara na."hawak kamay na tumawid si, Sy at Brazen sa lagusan ganun din si, Antonette at Kenzo

"Handa kana ba?"tanong ni, Dash rito mag-kahawak kamay sila

"Oo." Sagot ni, Khara rito saka paulit ulit na huminga ng malalim at pikit matang humakbang ito papunta sa lagusan habang parehong mahigpit ang hawak sa kamay nila sa isa't isa

Mabilis ang kabog ng dibdib nito at tila natatakot itong mag-mulat dahil baka hindi nito nagawang tumawid at makapunta sa mundo nila

"Mukhang malakas ka sa may taas."napamulat ito ng marinig ang sinabi ni, Dash nito na sinabayan niya ng mahinang pag-pisil sa kamay nitong hawak niya

"Welcome to Mystical Regal Academy!"naka-ngiting wika ni Kenzo at Antonette sakanya

Napa-ngiti na lang ito habang pinipigilan ang mapaluha ang pinapalibot ang tingin sa lugar

"Diba sabi sayo makakaya kong tumawid."naka-ngiting wika ni, Khara kay, Brazen

"Good for you." tanging tugon nito sakanya saka nito hinila si, Sy paalis sumunod namn sila

"Ang ganda rito..."mahinang wika nito habang hindi mapakali ang mata nitong tumingin sa paligid

"Maligayang pag-dating sa aming mundo, Khara."naka-ngiting nilingon niyo ito

"Salamat."matamis ang ngiting tugon ni, Khara rito saka mas humigpit ang hawak nila sa isa't isa na para bang hindi mo na mapaghihiwalay pa...

To Another World (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon