Chapter 21
"Sht!"hindi ko napigilan ang mapamura ng kahit isa sakanila ay walang sumagot sa tawag ko
"Nasaan na ba kayong dalawa?"halos maiyak na ako sa pag-aalala dahil madilim na sa labas ay wala pa sila saktong malakas pa ang ulan
Alam kong nag-tatampo sila sa'kin dahil ilang araw ko na silang hindi nakaka-usap dahil sobrang busy ko sa school
"Dmn it!"kahit nang hihina ay pinilit kong bumangon para hanapin sila
Kahapon pa masama ang pakiramdam ko kaya hindi na ako lumabas ng kwarto mag-hapon
"Nasaan na ba kayo?"mahinang tanong ko habang patuloy pa din sa pag-contact sa cellphone nila habang palabas ng bahay
Dahil sa lakas ng ulan ay madilim ang paligid mabuti na lang at meron ang poste ng mga ilaw para kahit papaano ay may makita ako
Una kong kinatok ang gate ng katabing bahay namin para itanong kung nakita ba nila ang dalawang kapatid ko
"Naku Ineng wala sila rito saka bakit nag-papakabasa ka sa ulan? Baka mag-kasakit ka niyan."nag-aalalang turan nito
"Ayos lang po ako. Salamat po at pasensya na po sa abala." May kiming ngiting wika ko saka umalis sa tapat ng bahay nila
Ganun lang ang ginawa ko inisa isa kong pinag-tanungan ang bawat bahay sa subdivision namin
Napasandal na lang ako sa pader ng maramdamang tila nahihilo na ako paminsan minsan at napapa-ubo at bahing na din ako
"Kehlane!! Kataleya!!"tawag ko sa pangalan nila kahit tila napapaos na ako
Hindi ko alam kung naka-ilang bahay na ako at ilang oras na akong nauulan ng tumapat ako sa Mansion nila, Antonette
Oo nga pala pareho kami ng Subdivision
" Khara?"bakas ang pag-tataka sa mukha ni, Antonette ng makita ako nito may hawak itong payong
"Hala bakit ka naligo sa ulan?"nag-aalalang turan nito saka ako pinayungan "Anong ginagawa mo dito? "
"May hinahanap kasi ako... "Halos pabulong ng wika ko rito "Nakita mo ba ang mga kapatid ko?Yung isa short hair habang yung isa mahaba ang buhok pareho... pareho silang maputi..."nahihirapang wika ko rito
"Ayos ka lang ba?"nag-aalalang tanong nito saka hinawakan ako sa mukha "Hala sobrang init mo."gulat na gulat nitong wika
"Halika muna sa loob." Pag-aaya nito "May sakit kana pala bakit ka pa nag-paulan?" Nag-aalalang turan nito
"Hina... hinahanap ko ang mga kapatid ko.."napahawak na lang ako sa hamba to ng pinto nila ng muling makaramdam ako ng hilo
Mabilis naman ako nitong inalalayan para hindi tuluyang bumagsak pakiramdam ko ay may sinasabi ito ngunit wala akong maintindihan dahil nag-simula ng sumakit ng sobra ang ulo
Hindi ko alam kung ilang oras na akong natutulog ng makaramdam ng sobrang lamig
"M-mama... mama...."mahinang daing ako habang hindi alam kung saan ibabaling ang ulo ko
"P-pa... pa.. papa..."naramdaman kong may mainit na likidong dumaloy sa pisngi ko
"Tahana... nandito lang ako.. huwag ka ng umiiyak..." Hindi ko alam kung dahil ba sa sama ng pakiramdam ko kaya pakiramdam ko ay may yumakap sa'kin at may sinabi ito bago ako tuluyang maka-tulog ulit
Dahang dahang napa-mulat ako pinag-aralan ko ang paligid ko at pilit inaalala kung anong nangyari
Ang huli kong natatandaan ay kausap ko si, Antonette pag-tapos nuon ay wala na.. nawalan ba ako ng Malay?
BINABASA MO ANG
To Another World (🌹)
FantasyMystical Regal Academy Book 3 When there met in another world..... What if fate plays with their lives.. What if the old trust turns to doubt... What if former friends or allies become enemies.. What if the old feeling of happiness is replaced b...