Chapter 17

62 1 0
                                    

Chapter 17

"Mukhang napapalapit na sila, Darvyn at Dash dun sa, Khara ah."kunot noong turan ni, Sy

"May masama ba du'n?"nag-tatakang tanong ni, Antonette rito

"Hindi kaya'y makalimutan nila kung anong dahilan kung bakit nandito tayo dahil masyado na silang napapalapit sa babaeng yun."tugon nito

"Hindi naman saka hindi naman ganun sila, Darvyn at Dash. Hindi sila yung tipo ng taong kakalimutan ang responsibilidad nila."malumanay na sambit nito

"Saka hindi mo ba napapansin pa unti unti ng bumabalik si, Dash sa dati. Hindi na siya ganun katahimikan."sambit nito

"Hindi kaya'y nahulog na ang loob niya sa babaeng yun?"tanong ni, Sy rito

"Alam naman siguro ni, Dash ang mangyayari sa oras na mahulog siya sa isang mortal."naka-ngiting tugon nito

"Kilala mo si Dash, Antonette wala siyang pakialam sa mangyayari kung gusto niya, gusto niya at walang kahit sino at ano ang makakapigil sa sakanya."seryosong sambit ni, Sydney rito

"Bakit kasi iniisip mo na agad na nagugustuhan na ni Dash si, Khara? Hindi naman siguro sapat na basehan yung pagiging close nila para masabi mong nahuhulog na ang loob niya."malumanay na sambit ni, Antonette rito

"Nag-aalala lang si, Sydney sa mga pwedeng mangyari."parehong napalingon ang dalawa kay, Brazen ng biglang umimik

"Hindi natin pwedeng ignorahin ang pagiging malapit niya sa babaeng mortal na yun lalo na't alam nating tanging sa iisang babae lang siyang naging ganun."dagdag nito

"Ayaw mo ba nun?Unti unti ng nag-sisimula ulit si, Dash?"mahinang wika nito dahil ang gusto lang nito ay makita ang mga kaibigan niyang maging masaya lalo na si, Dash dahil nakita niya kung gaano ito nasaktan ng mawala sakanya ang babaeng mahal niya

"Tama na yan,"pag sabat ni, Kenzo "Wala naman sinasabi sa'tin si, Dash na gusto niya ang babaeng yun."dagdag nito "Hangga't wala siyang sinasabi hindi niyo kailangan mag-alala."

"Pag may sinabi niya siya kailangan na namin mag-alala?"may sarkasmong turan ni, Sydney rito saka ito inirapan

"Grabe ka talaga sa'kin,"naka-simangot na reklamo ni, Kenzo rito "Pero ikaw na din nag-sabing kilala natin si, Dash at sigurado akong mag-sasabi siya sa'tin kung nagugustuhan niya ang babaeng yun o kahit sino."paliwanag nito, napa-iling na lang ito ng tanging irap lang ang natanggap niya bago ito umalis at agad na sinundan ni, Brazen

"Sungit talaga ng bestfriend mo sa'kin."tila lungkot na lungkot na sambit ni, Kenzo sakanyang kasintahan saka tila ang papalambing na yumakap rito

"Hindi ka pa nasasanay? matagal na siyang ganyan ah."natatawang turan sakanya ng kasintahan nito

"kailan ba siya magiging mabait sa'kin?"

"Mabait naman siya sayo ah?"nag-tatakang turan ni, Antonette sa kasintahan saka hinawakan ang mag kabilang pisngi nito at mahinang pinisil pisil

"Ang cute mo talaga tuwing umaakto kang parang bata."natatawang sambit nito dahilan upang mas lalo pang humaba ang pag kakanguso ng kasintahan

"Akala ko ba mahal na mahal mo ako tapos ganyan ka sa'kin."tila batang nag-tatampong wika nito na mahinang ikinatawa niya

"Oo nga mahal na mahal kita kaya kahit isip bata ka pinatulan pa rin kita."natatawang wika ni, Antonette rito saka mabilis na hinalikan sa labi ang kasintahan na siyang dahilan kung bakit unti unting sumilay ang ngiti sa labi nito

"Bakit kasi pati kaming mga single ay sinama pa."parehong gulat na napalingon ang dalawa ng may biglang mag-salita sa gilid nila

"Ang alam ko mission ang pinuntahan natin dito pero bakit ganun kahit saan ako lumingon may nakikita akong nag-lalandian?"reklamo ni, Rey

"Dapat hiniling ko kay, Mr. William na isama si, Zaire para naman may partner din ako."naka-ngusong wika ni, Deacon

"Buti na lang hindi mo ginawa,"seryosong sambit ni, Rakesh rito "Para pare-pareho tayong mainggit sa mga may love life dito."dagdag nito

"Kaya nga groupo tayo eh dapat pare-pareho tayong walang partner."sang-ayon ni, Kahlil

Nag-katinginan ang mag-kasintahan at parehong may ngiti sa labing napa-iling bago sila dahang dahang umalis upang hindi sila mapansin ng groupong Nemesis

"Ang kulit talaga ng groupo nila."natatawang wika ni, Antonette ng makalayo sila

"Sinabi mo pa."natatawang sang-ayon ni, Kenzo rito

"Pero may naalala ako dun sa sinabi ni, Rey."naka-ngiting wika nito "Tanda mo pa nung nag-karoon tayo ng unang mission na siya ding punishment natin?"may ngiting wika nito

"Oo naman pa'no ko makakalimutin yun eh duon ka umamin. Isipin mo yun katatapos lang natin makipag-labas tapos bigla mo akong hinila saka ka umamin."iiling-iling na sambit nito

"Ayaw mo lang aminin na may gusto ka sa'kin simula pa nun eh."pabirong turan ni, Kenzo rito

"WOW! Nag-salita yung umamin ka agad."naka-ngising wika ni, Antonette rito "Hindi ba't torpe ka? Siguro kung hindi nangyari ang mission nating yun hindi ka umamin sa'kin."dagdag nito

"Hindi ko kasalanang manhid ka."naka-simangot na turan nito

"Aba kasalanan ko bang torpe ka?"balik ni, Antonette rito

"Manhid ka lang talaga."Kenzo

"Torpe ka lang kamo."Antonette

"Manhid."Kenzo

"Torpe."Antonette

"Man—"

"Nag-aaway po ba kayo?"parehong natigil ang dalawa ng may biglang nag-salita mula sa likuran nila dahilan para parehong napalingon sila rito

"Uyy, Saoirse ikaw pala yan."naka-ngiting bati ni, Kenzo rito

"Hi, Saoirse mag-isa ka lang ata?"nag-tatakang tanong ni, Antonette rito

"Kukuha lang po sana ako ng maiinom."magalang na tugon nito saka kiming ngumiti "Mukha naman pong hindi pala kayo nag-aaway."tila nahihiyang dagdag nito

"Hindi naman nag-aasar kami."naka-ngiting turan ni, Kenzo rito saka hinapit sa beywang ang kasintahan

" Ganun po ba? Pasensya na po kung naabala ko kayo."naka-yukong sambit nito

"Naku ayos lang, pag pasensya mo na ganito lang talaga kami minsan madalas."natatawang wika ni, Antonette rito "Kaya masanay kana."dagdag nito

"Sige po, mauuna na po ako sainyo."tumango na lang ang dalawa at pinanood ang pag-alis nito

"Ang galang talaga nilang mga nasa lower year."sambit ni, Antonette

"Kung ang Conqueriois sasang-ayon ako pero kung lahat ng lower year? Na-ah sigurado akong may mga lumalabag sakanila ng palihim sa panuntunan."tugon ni, Kenzo

"Sabagay naalala ko may nga lower year nga pala noong inabuso ang kakayahan nila."tatangong tangong sang-ayon ni, Antonette rito

"Naging biktima na rin ang kapatid ni, Ryxia sa pam bubully diba?"hindi siguradong sambit ni, Kenzo

"Oo si, Darvyn noon ang tumulong sakanya. Kumusta na kaya ang groupo ng mga lalaking yun?Ang dinig ko noon ay pinag bantaan nila si, Darvyn na babalikan nila siya."nag-tatakang sambit nito

"Hindi na siguro nila maalala matagal na yun eh saka mga bata pa."sambit ni, Kenzo rito

"Siguro nga."naka-tangong saad ni, Antonette rito

Patuloy lang ang pag-uusap ng dalawa tungkol sa mga nangyari sa nakaraan na kanilang binalikan lalo na ang masasayang ala-ala kasama ang mga taong mahalaga sakanila...

To Another World (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon