Chapter 39
"Kallista!" puno ng pag-aalalang sigaw ng Conqueriois ng makilala nila kung sino ang sugatang nakahandusay sa lupa
Maingat na iniangat ni,Saoirse ang ulo nito at pinaunan ito sa hita niya habang puno ng pag-iingat nitong inalis ang hibla ng buhok ni, Kallista na nakaharang sa mukha nito
Hinawakan ni, Eumie ang kamay nito at nag-simulang mag-hilom ang mga sugat sa katawan ni, Kallista
"Healing ang kakayaahan mo,"mahinang wika ni, Antonettte ng makita ang ginawa nito. Nag-angat ng tingin si, Eumie rito saka kiming ngumiti
"Come to think of it hindi namin alam ang kakayahan ng iba sainyo ganun din sa Nemesis."sambit ni, Seika
" Saoirse...."nawala ang atensiyon nila kay, Seika ng marinig ang nang hihinang tinig ni , Kallista agad niya itong inalalayan ng magtangka itong bumangon
"Bakit pumunta ka sa ganitong lugar ng mag-isa?Paano kung hindi kami dumating agad?"puno ng pag-aalalang sambit ni, Azariana rito
"Pasensya na nawala sa isip kong hindi ko kakayaning mag-isa. Ang tagal na kasing na-hihintay ni, Ate Kaithy at kasalanan ko yun kung naalala ko lang agad ang naging plano namin sana matagal na natin siyang kasama."mahinang wika nito
"Hindi mo naman ginusto yun,"masuyong sambit ni, Kapheir rito "At sigurado akong naiintindihan yun ni, Atee Kaithlyn."dagdag nito
"Anong nangyari sayo, Kallista?Sino ang gumawa sayo nun?"tanong ni, Brazen dito
"Isang mabangis na nilalang na naninirahan rito, Kuya Brazen hindi ko agad napansin ito kaya hindi ko nagawang maipagtanggol ang sarili ko."kiming ngiting sambit
"Sigurado ka bang buhay pa talaga si, Kaithlyn?Paano si, Khara?Baka kung anong mangyari sakanya at kung iisa lang talaga ibig sabihin maaari siyang maapektuhan sa gagawin nila kay, Khara."puno ng pag-aalalang wika ni, Dash
"Huwag kang mag-alala, Kuya Dash dahil sa oras na magising ang totoong katawan ni, Ate Kaithy babalik si,Ate Khara sakanya dahil si, Ate Khara ay ang AthSi na naging katawang tao niya."paliwanag nito
"Kung ganun ay kailangan na nating mag madali dahil kahit ano mang oras ay maaaring malaman ng kalabang nasa atin na ang AthSi niya."turan ni, Kenzo
Pare pareho naman silang tumango at nag patuloy sa paglalakad ang lahat ay alerto sakanilang paligad nakahanda ang sandata para maipagtanggol ang sarili at bawat isa
"YUKO!" sigaw ni, Dominic ng makita ang naglalakihang ibong pasugod sakanila matutulis ang mga kuko ng mga ito at tila handang kunin sila
"AHHHHH!!!!!!!!!"mabilis na pinataman ni, Troy ang ibon ng makuha nito si, Bertram
"Salamat Pre."wika ni, Ram nito ng mabitawan siya ng Ibon napangiwi na lang ito ng maramdaman ang pagkirot ng sikmura nito kung saan bumaon ang kuko ng ibon
"WAVE!"pag-tawag ni, Cairan rito ng makita ang sugat ng kaibigan mabilis namanf lumapit si, Wave rito
Binalot ng tubig ang nagdurugong sugat ni, Ram at nagsimulang mag-hilom at mawala ang sakit na nararamdaman nito
"Mag-iingat ka."paalala ni, Wave rito bago umalis at lumapit sa iba pa nilang kasama na nagtamo ng sugat nag-tulungan silang may kakayahang gumamot na gamutin ang mga kasamahan nilang napuruhan
"Malayo pa ba tayo?"bakas ang pagod sa boses na tanong ni, Deacon
"Malayo pa ata hiindi din tayo sigurado kung mararating ba natin ang tuktok ng buhay tayo."pabirong wika ni, Rakesh rito
"Mag-isa mo hindi ako papayag na mangyari yun desisyon ka ah."inis na wika ni, Deacon rito dahilan para matawa ang mga kasama nito
Kahit papaano ay pinipilit nilang aliwin ang isa't isa para kahit papaano ay mawala sa isip nila ang pagod na nararamdaman nila at bawasan ang bigat na nararamdaman nila daahil mga panganib na maaari nilang kakaharapin
BINABASA MO ANG
To Another World (🌹)
FantasyMystical Regal Academy Book 3 When there met in another world..... What if fate plays with their lives.. What if the old trust turns to doubt... What if former friends or allies become enemies.. What if the old feeling of happiness is replaced b...