Chapter 32

58 1 0
                                    

Chapter 32

"Mag-sabi ka ng totoo, Kataleya sino ba talaga si, Khara?"seryosong sambit ni, Brazen dito

Bakas ang kaba at halatang hindi mapakali sa kinauupuan si Kataleya dahil halos ang tingin ay nasa kanya hinihintay ang sagot nito

"Huwag mong takutin pano tayo sasagutin niyan kung tinatakot mo? Kumalma ka nga, Brazen."iiling-iling na turan ni, Kenzo rito

"Kataleya, pagpasensyahan mo si, Brazen ah alam mo naman seryoso siya sa buhay."naka-ngiting wika ni, Antonette rito para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nito at mabawasan ang Kaba nito

"Hindi pangkaraniwang tao si, Khara hindi ba?"tanong ni, Sydney rito sa hindi inaasahan ay kalmado ito hindi mo makikita ang kasungitan nito

"Opo... Nuong una akala namin ordinaryong tao lang siya kagaya ng magulang niya na kumupkop sa'min."panimula nito saka huminga ng malalim

"Pero nung araw na pinasok ng Black Raven ang mansion at bago pinatay ang mag-asawang kumupkop sa'min may narinig kaming sinabi nito tungkol kay, Ate Khara."tuloy nito "Gusto nilang kunin si, Ate Khara pero nag-matigas ang mag-Asawa paulit ulit nilang tinatanggi na hindi nila kilala ang hinahanap nila,"

" Bakit nila gustong makuha si, Khara?"tanong ni, Dash rito

"Ang sabi nila si, Ate Khara ang daan para maging matagumpay ang plano nila... Hindi ko alam kung anong meron si, Ate Khara kaya gustong gusto nila siyang makuha at pag nangyari yun pwedeng may hindi magandang mangyari."sagot nito

" May taglay si, Ate Khara na kailangan nila ang magiging susi sa tagumpay nilang himagsikan laban sa mamamayan ng Regal."naka-yukong turan nito saka hilam ang luhang nag-angat ito ng tingin

"B-bakit hinayaan niyong makasama si, Ate Khara sainyo? A-Alam niyo ba ang panganib na haharapin niya ngayong nandito na siya? Alam niyo ba kung anong pwedeng mangyari sa oras na makuha siya ng Black Raven?"hilam ang luhang sambit nito

"Hindi ka rin naman siguradong magiging ligtas ang Ate mo sa mundo ng mga tao lalo na't may mga nagkalat na Black Raven duon para hanapin siya."seryosong turan ni, Brazen dito

"Hindi siya mahahanap dahil matagal ng sarado ang prisensya ng kapangyarihan niya... Pero ngayon nabuksan ulit Hindi na sila mahihirapan pang hanapin sila."turan nito saka pinunasan ang luha sa pisngi nito

" Kaya niyo bang protektahan ang Ate ko sa mga taong gustong kumuha sakanya? Masisigurado niyo ba ang kaligtasan niya?"tanong nito sa mga ito

"Kung kaligtasan ng Regal ang pinag-uusapan rito makakaasa kang tutulong kami sa pag protekta sa kapatid mo."seryosong turan ni, Seika sa unang pagkakataon sumang-ayon ito ng walang pagtututol

"Naging malapit na sa'min si, Khara kaya naman huwag kang mag-alala pati kaming Nemesis tutulong sa pag protekta sa Ate mo."naka-ngiting wika ni, Yves rito habang ang mga kasama naman nito ay naka-ngiting naka thumb ups sakanya

"Ganun din ang The Herd."saad ni, Domenic

"Hindi pa masyadong malinaw kung sino ba talaga ang kapatid mo pero huwag kang mag-aalala hindi namin siya papabayaan lalo na't kami ang nag-dala sakanya rito responsibilidad namin siya."seryosong turan ni, Brazen dito

"Kataleya, yung nangyari kanina,"paunang wika ni, Dash rito "Bakit parang nawala siya sa sarili niya?"Hindi siguradong dagdag nito

"Laging mag kakaganun si, Ate Khara tuwing nakakakita ito ng maraming dugo nung unang nangyari yun ay ng makita nito ang mag-Asawa noon na nakahandusay sa sahig na naliligo sa sariling dugo."lintaya nito

" Kung ganun maaring may nasaksihan na siya noong ganung pangyayari bago nangyari ang nangyari sa magulang niyo... "malalim ang iniisip na sambit ni, Dash

To Another World (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon