Chapter 03
Kallista POV
"Bumalik ka, Ate Kaithy." naka ngiting wika ko saka dali daling lumapit saka siya niyakap ng mahigpit
"Hellow, Kallista nag-iisa ka na naman." iiling iling na wika nito kalaunan din ay ngumiti saka niyakap ako nito pabalik
"Nakakatakot kasing makipag kaibigan, Ate Kaithy hindi ko alam kung kanino ako mag titiwala." naka ngusong wika ko rito
"So may gusto akong ioffer sayo pero hindi ko alam kung tatanggapin pero sana pag isipan mo munang mabuti bago tamanggi."
"Ano po ba yun Ate Kaithy?"
"May binubuo akong groupo." matamang nakinig naman ako rito
"Iisa pa nga lang siyang member si, Saoirse."nagulat ako sa sinabi nito
"Hindi ba masyado siyang mapanganib dahil maaari nitong alisin ang kakayahan namin."nag aalalang tanong ko rito nginitian lang ako nito
"The Conquerois, Yan ang pangalan ng magiging groupo niyo na balang araw papalit sa Sovereigns bilang nangungunang groupo sa buong Academia."
" Ate Kaithy hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Masyadong mapanganib ang babaeng iyon."
"Huwag kang mag alala dahil sasanayin ko kayo habang nandito pa ako."naka ngiting wika nito
"Hindi ba't kaya mong kontrolin ang oras kaya alam kong mag kakaroon tayo ng sapat na oras para maturuan kayo."ngiting ngiting dagdag nito
"Ikaw ang mag sasanay sa amin?"nanlalaking matang tanong ko rito
"Ou gusto kong pang hawakan niyo ang salita ko."
"Tiwala ang kailangan para sa matatag na groupo at yun ang gusto kong una niyong gawin ang pagkatiwalaan ang isa't isa."
"Pero mahirap pagkatiwalaan ang taong kakakilala pa lang Ate Kaithy."nag aalalang turan ko rito
"Pero nagawa niyo akong pagkatiwalaan Agad kaya alam kong makakaya niyong pagkatiwalaan ang isa't isa."
"Sige na nga, Ate Kaithy may tiwala ako sayo."pag suko ko rito
"Alam ko namang hindi mo ako matatanggihan saka kumpiyansa akong magiging magaling kayong groupo."naka ngiting wika nito
"Pero iisa palang ang nababanggit mo, Ate Kaithy."takang turan ko rito
"Dahil hindi ko pa nakaka-usap ang tatlo pero alam kong papayag sila rito."
"Lima kami kung ganun?"
"Lima kayong mga babaeng mag kaka groupo."pag agree nito
"The Conquerois."
Naka ngiting pina panood ko ang ginagawa ng kasamahan ko
Tama si,Ate Kaithy mapag kakatiwalaan sila ilang araw palang kaming mag kakasama nuon ay nagawa na namin magtiwala sa isa't isa dahil na rin kay,Ate Kaithy
Gawin ang kakayahan kong kontrolin ang oras ay pinapabagal ko ito para mag karoon kami ng oras para sanayin nito
Malaki ang pasasalamat namin sakanya dahil sa kanya ay nabuo ang The Conquerois
Nagkaroon kami ng kaibigan na para na rin kaming magkakapatid
"Bakit tila ang lalim ng iniisip mo?"napa lingon ako sandali kay, Azariana
"Naaalala ko lang si,Ate Kaithy akala ko talaga noon makakausap at makakasama pa natin siya."malungkot ang ngiting sagot ko rito
"Hangga't buo at magkakasama tayong, Conquerois ay kasama natin siya. Huwag mong kakalimutan na kaya nabuo ang groupo natin ay dahil sakanya."naka ngiting wika nito
"Hindi ko naman nakakalimutan yun." naka pabuntong hingang turan ko rito
"Iba pa din kung nandito siya mismo. Umasa akong nasa tabi natin siya habang inaabot natin ang pangarap nating lahat bilang nangungunang groupo sa buong Academia."
"Aabutin natin ang pangarap nating yan kahit pa na Wala na siya na kahit tanging ala ala na lang nito ang kasama natin."Malumanay na saad nito saka ako ngitian at inakbayan
"Hindi ko talaga inaasahan magiging malapit tayo sa isa't isa lalo na't kapatid mo si,Seika kung tutuusin pwede kang makahanap ng groupong masasalihan ng hindi nag uumpisa sa una." iiling ilang na turan ko rito
"Alam niyo naman nuong lihim ang pagiging mag kapatid namin diba saka mas gusto ko ang groupo ko ngayon."
"Sa ikli ng panahong nilagi ni,Ate Kaithy rito nagawa niyang turuan tayong lahat kung paano kontrolin ang kakayahan natin at kung paano patatagin."
"Dahil na din naman yun sa kakayahan mong kontrolin ang oras eh kaya nagkaroon tayo ng maraming oras."sambit nito
"Nasaan nga pala si,Kapheir at Eumie?"tanong ko rito ng mapansing wala pa pala ang dalawa ang alam ko ay pinatawag si, Saoirse kaya hindi na Ako nagtatakang wala pa ito
"Ang alam ko ay hindi pa tapos ang PE nila may one on one daw sila eh."sagot nito
"Siguradong puro reklamo ang isasalubong nila mamaya kung ganun."natatawang wika ko natawa na din ito
"Malamang sa malamang pero masaya ako para sakanila dahil nakaka sali na sa mga ganitong pag kakataon dati kasi ay lagi nilang tinatakasan."natatawang wika nito
"Ako din masaya para sakanila para sainyo para sa'tin dati ay mag-isa lang tayo ngayon ay hindi na dahil sama sama na tayong lima."naka ngiting sambit ko habang naka tingala sa kalangitan
"Masaya akong mag-isa pero mas masaya akong kasama kayong apat..."
"Utang nating lahat ito kay, Ate Kaithy kung hindi dahil sakanya wala ang The Conquerois hindi ko kayo makikilala."
"Hmm.... nakaka pang hinayang lang dahil hindi natin siya nagawang ipag tanggol noon."
"Alam kong sinisisi ni,Saoirse ang sarili niya dahil wala siyang nagawa."dagdag pa nito. Saoirse ang tumatayo naming Leader kung kinakailangan
"Lahat naman tayo sinisisi ang sarili pero alam kong hindi iyon magugustuhan ni,Ate Kaithy kaya tinigil ko na saka Wala na din namang magyayari kahit na sarili ko ang sisihin ko Hindi pa din naman siya babalik." malayo ang tinging wika ko
"Wala nang magagawa ang pag sisisi sa naganap na pero may magagawa kang paraang para hindi na maulit ang nangyari na."pag uulit ni, Azariana sa madalas sabihin sa amin ni,Ate Kaithy tuwing nag kakamali kami
"Tiwala lang magiging maayos ang lahat pag katiwalaan mo lang ang sarili at nararamdaman mo ganun din ang kakayahan mo alam kong makakaya niyong lahat."pag papatuloy ko isa pa sa madalas nitong sabihin sa amin
Pareho na lang kaming natawa
"Let's stop talking about her."
"We should." sang ayon ko rito "Mas lalo ko lang siyang na mimiss eh."iiling iling na dagdag ko
"Sa tingin mo anong dahilan kung bakit pinatawag si,Saoirse?"tanong ko rito
"Hindi ko alam wala namang nabanggit si,Lolo sa'kin."kibit balikat na sagot nito
"Sana naman hindi yan bad news."
"Hindi naman siguro wala namang nilalabag na batas si,Saoirse o ang groupo natin."Tumango tango na lang ako at hindi na muling nag salita..
Namayani ang katahimik sa pagitan naming dalawa pero hindi tulad ng iba Wala kang mararamdamang awkwardness sa katahuan kung di purong kapayapaan lang...
___
Pag nabuhay si, Shan Lopez bubuhayin ko din si, Kaithlyn errkey🤭
BINABASA MO ANG
To Another World (🌹)
FantasyMystical Regal Academy Book 3 When there met in another world..... What if fate plays with their lives.. What if the old trust turns to doubt... What if former friends or allies become enemies.. What if the old feeling of happiness is replaced b...