Chapter 31
"Anong nalaman niyo sa pag-punta niyo sa E Kingdom?"tanong ni, Schylr
"Alam niyo na ba ang dahilan ng pag-babago ng kwintas na suot ni, Dash?"nag-aalalang tanong ko
"Bago ko sabihin ang nalaman namin kailangan niyong ihanda ang sarili niyo sa sasabihin ko lalo kana Dash at Darvyn."panimula ni, Brazen
"Teka bakit hindi niyo kasama si, Khara?"kunot noong tanong ni, Sydney
"Nasa silid siya ni, Darvyn nagpapahinga."sagot ni, Dash rito na ikinatango naman ni, Sy at hindi na nag-tanong pa
"Isa sa kakayahan ni, Kaithlyn ang mag bigay ng panibagong buhay at katahuan sa taong nais niyang muling mabuhay."Seryosong turan nito
"At ano naman kinalaman nuon sa'min —sa'kin?"kunot noong tanong ni, Darvyn rito
"Hindi malabong iisang tao lang ang mga nakilala natin sa mundo ng mga tao na akala natin matagal ng nilinasan ang mundo natin."paliwanag ni, Sydney rito
"Kung ganun siya ang Tiberius na minahal ko... "Mahinang sambit ni, Darvyn hindi ko maiwasang mapa-titig rito
"Ngunit may kapalit ang panibagong buhay na naibigay sakanila... Kahit kailan hindi na ulit babalik ang ala-ala nila."wika ni, Brazen
"Isa na lamang silang ordinaryong tao sa mundo kaya, Darvyn wala ng pag-asa pang maalala ka niya kaya habang maaga tanggapin mo na ang katotohanan. Hayaan mo na siyang mamuhay ng payapa sa mundo kung saan na siya nabibilang ngayon."dagdag nito
Bakas ang pag-hihinayang sa mga mata ni, Darvyn pero naruon parin ang tuwa sa mga mata niya
"Naiintindihan ko."kiming ngiting sambit ni, Darvyn rito
" Huwag niyo na rin ipapaalam sa iba ang nalaman niyo lalo na sa groupo ng The Coven at The Herd huwag kayong mag-alala sa Nemesis dahil nasabihan na namin sila."turan ni, Sydney
" Eh ang tungkol sa pag-babago ng Blue Heart Crystal alam niyo na ba ang dahilan?"tanong ni, Dash rito
Pero bago pa masagot ni, Brazen ang tanong nito ay pare-pareho kaming natigil dahil sa sunod sunod na katok mula sa pinto
" May inaasahan ba kayong bisita ngayon?"pare-parehong umiling kami sa tanong nito
"Teka titignan ko lang kung sino."paalam ko saka tumayo at nag-lakad palapit sa pinto at binuksan ito
Bumalatay ang pag-tataka sa mukha ko ng makita ang groupo ng Nemesis at mukhang pagod na pagod
"Pasok kayo."pag-aaya ko bumalik ako sa may salas kung nasaan sila, Brazen habang naka-sunod sila
"May kailangan kayo?"nag-tatakang tanong ni, Schylr sakanila
"Siguraduhin niyong mahalaga yang sasabihin niyo dahil may mahalaga kaming pinag-uusapan na inabala niyo."pag-susungit ni, Sydney sakanila
"Nagkakagulo ngayon sa ground sakto namang walang kahit sinong Guro ang naroon para pigilan ang nangyayari."turan ni, Yves
"May mga estudyanteng nagtali sa groupo ng Conqueriois at pinapalibot nila at kung ano anong pinag-babato sakanila at dahil kabilang ang kapatid ni, Seika sa mga inaapi ngayon ay nakisali siya para ipag-tanggol ito."tuloy nito
"Sa anong kadahilanan bakit ginawa nila yun sa groupo ng Conqueriois?"tanong ni, Brazen at napatayo na
"Si, Kataleya,"sambit ni, Deacon
"Anong tungkol sa kapatid ko?"pare-pareho kaming napalingon sa may elevator kung saan ng galing ang boses ni, Khara
"May problema ba?" Muling tanong nito siguro napansin nito ang reaction sa mga mukha namin
BINABASA MO ANG
To Another World (🌹)
FantasyMystical Regal Academy Book 3 When there met in another world..... What if fate plays with their lives.. What if the old trust turns to doubt... What if former friends or allies become enemies.. What if the old feeling of happiness is replaced b...