Last Chapter
"Bakit ba ganyan pa rin kayo makatitig sa'kin?"naka-ngiwing sambit nito
"Hindi pa rin kasi talaga kami makapaniwalang nasa harapan kana ulit namin at nakakasabay na ulit naming kumain."sagot ni, Antonette rito ngumiti na lang ito
"Ako rin....Akala ko hindi ko na kayo makakasama ulit,"kiming wika nito "Akala ko hindi na ulit ako makakaalis sa madilim at nakakatakot na lugar na yun."malungkot nitong wika saka puno ng sinseridad na nag-angat ito ng tingin sakanila
"P-Pasensya na... I'm so sorry... Sana mapatawad niyo ako sa ginawa ko noon."puno ng pag-sisising wika nito habang naka-yuko
"Kami dapat ang humingi ngg tawad sayo, Kath dahil hindi ka man lang namin nadamayan ng kailangan mo kami na wala kami sa tabi mo ng kailangan mong may tanggol sayo,"turan ni, Antonette rito
"Sorry kung hindi man lang namin napansin ang hirap na pinag daanan mo,"malungkot na wika ni, Kenzo rito
"Pasensya na, Kaithlyn kung iniwan ka namin nung araw na yun..."puno ng hiyang wika ni, Sy
"Wala kayong kasalanan... W-Wala dapat kayong ikahingi ng tawad,"mariing napapikit na lamang si, Kaithlyn at huminga ng malalim "Dahil sa'kin.... H-hindi naging maganda ang hinahanarap ng Regal."pigil nito ang mapaiyak ng maalala nito ang ikinuwento ni, Kallista na nangyari
"Ano bang sinasabi mo, Kaithly?Malaki ang utang na loob sayo ng Regal dahil ilang beses mo na itong iniligtas at ipinagtanggol sa panganib ng ikaw,"wika ni, Brazen
"Hindi mangyayari yun kung hindi sa'kin sinabi ni, Kallista ang lahat bago pa ako maging studyante ng Regal..."pigil ang hikbing wika nito
"Anong ibig mong sabihin, Kaithlyn?"naguguluhang tanong ni, Darvyn rito hindi nito maiwasang kabahan sa inaakto ng kaibigan
"Punong puno ng galit ang puso ko noon ng mawala ang kinikilala kong magulang ng malaman kong ginusto akong ilayo ng totoo kong magulang,"panimula nito "Nang pinagkaisahan ako ng mga studyante sa Regal,"huminga ito ng malalim
"Nakipag kasundo ako sa kalaban..."halos wala ng lakas ang boses nitong wika dahil sa takot na baka kamuhian at galit ang mga ito sakanya
"Impossiblee..."hindi na niniwalang wika ni, Dash habang umiiling
"P-Pero yun ang totoo... Nagpalamon ako sa galit ko... Hinayaan kong kontrolin ako dahil gusto kong iparanasa sa lahat ang naranasan kong sakit at paghihirap!"humihikbing wika nito
"D-Dahil akala ko...A-Akala ko walang nag-mamahal sa'kin... na sa huli gagamitin lang nila ako dahil sa kapangyarihan ko...K-Kaya mas pinili kong magpagamit sa kadiliman.."umiiyak nitong wika
"Pero hindi nangyari ang sinabi mo dahil si, Vianney ang naging kakampi ng kasamaan."naguguluhang wika ni, Darvyn
"Dahil tulad ng sinabi ko hindi mangyayari ang lahat ng yun kung hindi sa'kin sinabi ni, Kallista ang hinaharap ng gawin ko ang bagay na yun.."tugon nito "Hindi nangyari lahat ng yun dahil bumalik si, Kallista sa nakaraan bago pa ako mapunta rito sa mundo niyo, Unti unti naming binabago ang nangyari dahil yun lang ang paraan para hindi mangyari ang hinaharap na sinabi ni, Kallista."tuloy nito
"Dahil ang totoong naging kasapi ng kadiliman ay ako at hindi si, Vianney... "punong puno ng pagsisising wika nito
"Naging kakampi ng Regal ang Therondia laban sa kadiliman kung saan isa ako sakanila.... Pero hindi nangyari yun dahil naging kalaban ng Mystical Regal Academy ang Therondia Kingdom dahilan para magbago ang hinaharap. Kailangan kong isakripisyo ang sarili ko para mabigyan kayo ng panahon para paghandaan ang pinaka makapangyarihan at pinaka malakas na Ecapala na haharapin natin."
"Kaya wala kayong dapat ihingi ng tawad dahil una palang ako ang may ginawang malaking kasalanan... Na nagawa ko kayong pagtaksilan.."hirap na hirap nitong wika dahil sa labis na pag-iyak
"Pero nabago mo yun, Kaithlyn sobrang dami na ng sakripisyo sa kasalanang hindi nangyari,"malumanay na wika ni, Darvyn rito saka hinawakan ang kamay ni, Kaithly
"Kahit pa sabihin mong nabago mo lang yun dahil sa ginawa ni, Kallista pero yung kagustuhan mong hindi mangyari ang hinaharap na sinaabi niya sapat na yun para malamang hindi mo naman talaga ginusto. Ilang beses mo ng iniligtas ang Regal sa pananakop ng kadiliman ng ikaw lang. Hinarap mo lang ng ikaw lang para lang masigurado ang magandang kinabukasan ng lahat."dagdag nito saka iniangat ang ulo ni, Kaithlyn mula sa pagkakayuko saka ngumiti ito
"Maraming Salamat sa patuloy mong pagtatanggol sa lahat, Kaithlyn."puno ng sinseridad nitong wika dahilan para yakaapin siya nito at walang tigiil sa paghagulgol
Nawala ang bigat sa puso nito dahil sa sinabi nito sakanya akala nito ay hindi nila siya mapapatawad sa oras na malaman nila ang totoo
"Nung hindi ka pumanig sa kalaban si, Ava ang gumawa?"hindi siguradong tanong ni, Kenzo rito umiling siya rito
"Kahit kailan hindi pumanig si, Ava sa kalaban yun din ang isa sa dahil ng pagkatalo ng Regal ay dahil hindi natin nalaman kung sino ba talaga ang Detrumvia sa mga kasama natin."sagot nito
"Kung ganun may traydor talaga sa groupo?"hindi makapaniwalang wika ni, Dash rito
"Pero sino?Anong dahilan niya?"nalilitong tanong ni, Kenzo
"Dahil sa galit....Sa pag-mamahal..."malungkot na ngiting tugon nito
"Nakilala mo kung sino?"tanong ni, Brazen dito
"Nakita ko siya ng mahuli nila ako bilang Khara.... Naroon siya nag-bibigay ng impormasyon sa Panginoon niya."tugon nito
"Kung ganun bakit hindi pa natin siya komprontahin?"nagtatakang wika ni, Kenzo rito
"Hindi ganun ka daling gawin yan, Kenzo dahil may proteksiyong inilagay ang panginoon nito sakanya at sa oras na malaman niyang may alam tayo pwede siyang gumawa ng hakbang na maaaring ikapahamak ng mga bihag nila,"naka pabuntong hiningang wika nito
"Oo nga pala hawak niya ang dalawang kapatid mo..."mahinang wika nito, malungkot na ngumiti si, Kaithlyn rito
"Bakit naman niya bibihagin ang mga anak niya?"puno ng pait nitong wika "Sila ang dahilan kung bakit pinang-dududahan niyo ang sarili niyong mga kasamahan. Ang plano nila ay sirain ang samahan niyo ang mawala ang tiwala niyo sa isa't isa."dagdag nito
"Ang ibig mong sabihin ay plinano ng dalawang makipag-lapit sa'tin?"hindi makapaniwalang wika ni, Antonette "Pano nila magagawa yun eh samantalang kitang kita naming lahat kung gaano ka nila kamahal-kung gaano niyo kamahal ang isa't isang magkakapatid."dagdag nito
"Mahirap paniwalaan pero yun ang katotohanan."nakangiti man ay bakas ang sakit at lungkot sa mga mata nito "Na ang mga taong pinahalagaan at minahal ko at itinuring na parang tunay na kapatid ay magagawa akong talikuran at isuko sa kapahamakan,"tuloy nito
"Mahirap.... masakit pero kailangan kong tangaping nasa panig talaga sila ng Ecapala na kailangan nating harapin para sa ikakabuti at kapayapaan ng buong Regal."'sambit nito saka huminga ng malalim
"Yun ang bagay na hindi ko mababago kahit anong ulit kong bumalik sa nakaraan."malungkot nitong wika, masuyong hinila ito ni, Dash para yakapin
"Nandito lang ako-kami para sayo Mahal ko kahit anong mangyari hinding hindi namin gagawin sayo yun.... Hindi na ulit namin hahayaang harapin mo lang ng mag-isa."puno ng lambing nitong wika
"Tama si, Dash hindi kana ulit mag-iisang harapin lahat nandito kami para damayan ka para samahan ka. Hindi na ulit kita tatalikuran kapattid ko. Pangako!"puno ng sinseridad na wika ni, Brazen sa kapatid saka inabot ang ulo nito at ginulo ang buhok nito
"Maraming Salamat sainyo...."naka-ngiting wika nito dahil alam nitong hindi na ulit mangyayari ang nangyari sakanya kung saan mag-isa lang siya ngayon hindi na....
BINABASA MO ANG
To Another World (🌹)
FantasyMystical Regal Academy Book 3 When there met in another world..... What if fate plays with their lives.. What if the old trust turns to doubt... What if former friends or allies become enemies.. What if the old feeling of happiness is replaced b...