Chapter 19

60 1 0
                                    

Chapter 19

"Anong ginagawa mo dito sa labas, Mahal ko malamig na ang simoy ng hangin."sambit ni, Death kasabay ng paglalagay nito ng sarong sa balikat ko saka ako niyakap mula sa likod

"Wala naman nag-iisip isip lang."sagot ko rito saka sumandal sa dibdib nito

"May gumugulo ba sa isip ng Mahal ko?"malambing na tanong nito

"Ilang buwan na tayo dito sa mundo ng tao pero hanggang ngayon ay wala pa din tayong nakukuhang ideya sa kung anong hinahanap natin dito,"sagot ko rito

"At hanggang ngayon ay kahit sana katiting na palatandaan ay hindi magawang ibig sa atin."dagdag ko, naramdaman ko ang pag-higpit ng yakap nito

"Mahahanap din natin ang kailangan natin, Mahal ko at muli nating makikita ang ating magulang."masuyong sambit nito saka ako nito hinarap sakanya

"Huwag mo na masyadong isipin ang mission natin, Mahal ko matatapos din natin ito ng hindi natin namamalayan."ngumiti ako rito saka tumango

"Salamat, Death dahil lagi kang nandyan sa tabi ko."

"At hinding hindi ako mawawala sa tabi mo, Mahal ko yan isang pangakong tutuparin ko hangga't nabuhuhay ako, "pumikit na lang ako at tinugon ang halik nito

"Mahal kita..."mahinang sambit ko sa pagitan ng halikan namin

"Mahal na mahal din kita..."

"Oo na mahal niyo na ang isa't isa tama na yan."mabilis na napahakbang ako palayo kay, Death ng may marinig na mag-salita

"Anong ginagawa mo dyan?"kunot noong tanong ko kay, Bertram

"Pinapatawag na tayo para sa hapunan."sagot nito saka sumimangot "Pero parang nabusog naman na tayo sa labi ng isa't isa."sambit nito saka tumatawang iniwan kami ni, Death

"May problema ata talaga sa pag-iisip ang lalaking yun,"hindi ko maiwasang mahinang matawa sa naging turan ni, Death

"Ganun talaga madalas nilang kasama ang Nemesis nahahawa na sila."ngiting ngiting sambit ko rito saka pinagsiklop ang kamay namin

"Tara na baka tayo na lang anga hinihintay."naka-ngiting wika ko rito saka siya hinila papasok ng mansion....

"May nangyari ba sainyo ni, Dash ng hindi ko alam?"automatikong napa-taas ang kilay ko ng mapansin ang panglalaki ng mga mata nito bago umiwas ng tingin

"Ano namang pwedeng mangyari sa'min ng hindi mo alam?"malumanay na sambit nito Hindi ko maiwasang tapunan ito ng nag-dududang tingin lalo na dahil sa kinikilos nito

"Hindi ko alam, kaya nga tinatanong kita diba? Anong nangyari sainyo? Bakit parang hindi na siya pumupunta rito."

"Aba malay ko bakit sa'kin mo tinatanong? Bakit hindi sakanya? Kayo ang mag-kaibigan saka sa iisang bahay lang kayo nakatira kaya bakit hindi siya ang tanungin mo," Hindi ko maiwasang mapa-iling kasabay ng pag-pipigil ko ng tawa

"Pero bakit namumula ka? Ano ba talaga yung dahilan?"

"H-hindi ako namumula noh! "Tanggi nito kahit halatang halata na dahil sa kaputian nito

"Hindi naman ako bulag para hindi makita ang pamumula ng mukha mo kaya sabihin mo na sa'kin kung anong nangyari."pangungulit ko rito, dahil pakiramdam ko ay may nangyari talaga na hindi ko alam lalo na't halatang iniiwasan siya ni, Dash

"Ang kulit mo din eh, Hindi ko naman talaga alam kung bakit ako iniiwasan ni, Dash pero.... "halata ang hiya sa mga mata nito

"Pero? "

"H-Hinalikan ko kasi siya... pero ano kasi hindi naman niya ako tinulak... uhmm... a-ano kasi uhmm hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun pero kasalanan niya talaga!"Hindi ko maiwasang matawa dahil sa itsura nito

Sobrang pula na ng buong mukha nito hindi rin mapakali ang mga mata nito Hindi magawang maka-tingin sa'kin ng diretso

"Seryoso Ikaw ang humalik sakanya?"tanong ko rito

"Oo... "Mahinang sagot nito saka lumingon sa'kin "Bakit ko nagawa yun, Yvkiasha?Bakit ganito ang nararamdaman ko?"puno ng kalituhan ang mga mata nitong sambit

Ngumiti ako rito saka masuyong hinawakan ang kamay nito at mahinang pinisil

"Dahil may nararamdaman kana sa kaibigan ko, Khara,"masuyong ngiting sambit ko rito

"Nararamdaman?Pero bakit siya? Bakit sakanya pa, Yvkiasha? Ito ang unang beses kong maramdaman 'to at ayaw kong mahulog sa lalaking may mahal naman ng iba."Hindi ko maiwasang maawa Kay, Khara

Dahil bukod sa pareho naming alam kung gaano kamahal ni, Dash si Kaithlyn wala itong ideya na hindi naman talaga kami mga pangkaraniwang tao

"Sigurado may nararamdaman sayo si, Dash dahil hindi naman niya hahayaang mangyari yun kung wala eh."pag-papalakas ko ng loob nito

"Ayaw kong umasa sa lalaking naka-kulong sa nakaraan niya, Yvkiasha. Ayaw kong mag-mukhang panakip butas lang,"ngumiti ito sa'kin, na hindi niya masyadong ginagawa

"Hindi ko ipag pipilitan ang nararamdaman ko sakanya. Ayaw kong dumating sa puntong mawala ko ang sarili ko dahil lang sa gusto kong mahalin niya ako sa paraang gusto ko. "Dagdag nito

"I really love how your mind works, Khara.... And I'm so happy that we become friends."naka-ngiting sambit ko rito

"Pero hindi si, Dash yung tipo ng lalaking gagamit ng ibang babae para makalimot o yung tipo ng lalaking mapag-laro sa nararamdaman ng mga babae... "Masuyong hinaplos ko ang pisngi nito

"Siguro nga si, Kaith pa din ang mahal nito pero hindi ibig sabihin nuon ay wala ka ng puwang sa puso niya. "

"Kung sakaling totoo yan, Yvkiasha sa tingin mo magiging masaya ako? Siguro oo pero ayaw ko ng pag-mamahal na parang limos lang. Pinalaki ako nila, Mommy ng hindi kulang sa pag-mamahal."naka-ngiting sambit nito

"Hangga't hindi ako sigurado sa nararamdaman ni, Dash hindi ako aasa dahil alam kong ako lang din ang sobrang masasaktan sa huli."

"You surely will have your own happy ending, Khara."turan ko rito saka ngumiti

" I don't believe in happy ending though."Hindi ko maiwasang matawa dahil sa sinabi nito

"Love really complicated huh?"iiling-iling na sambit ko rito

" Nope! It's was the people who's making it complicated."tutol nito

"And why is that? "

" Kasi diba ang dami natin dito sa mundo bakit hindi na lang yung kung sinong mahal mo ay mahal ka din hindi yung may mahal ka petrol may mahal namang iba."tila naiiritang sambit nito

"Wala ka naman sigurong sama ng loob kay, Dash noh?"natatawang tanong ko rito

"Wala ah sabi ko naman sayo nirerespeto ko ang nararamdaman ni, Dash."turan nito "Pero buti ka mahal ka ng taong mahal mo."hindi ko na napigilan ang mapahalakhak sa sinabi nito

"Oo na ikaw na masaya tawa mo pa."tila pikon na pikong sambit nito, pigil na pigil ko ang tawang umayos ako ng upo

"Oh bat ka tumigil? Sige ituloy mo lang yang pag-tawa mo."masungit na sambit nito saka ako inirapan

"Pasensya na , Hindi na." Hinging paumanhin ko ngunit pinang ikutan lang ako nito ng mata

"Pero hangga't maaga pa huwag mong hahayaan ang sarili mong mahulog ng tuluyan kay, Dash ah."nakiki-usap na sambit ko rito

"Bakit?Ganun na ba ako walang ka pag-asa sakanya?" Agad akong umiling rito

"Ayaw lang kitang masaktan." Sagot ko rito saka alam kong darating ang araw na aalis kami at maiiwan ka dahil hindi mo kami ka uri, gusto ko mang sabihan sakanya ay hindi ko magawa...

To Another World (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon