Chapter 10
Antonette POV
"Hindi na masama."mahinang wika ni, Schylr
Nandito na kami ngayong sa labas ng gate ng paaralan na siyang nakaatas samin
Ako, so Schylr, Dash, Brazen, Sydney, Darvyn at Abigail
"Mas malaki at mas malawak pa din ang paaralan natin." muling wika nito
"Mas maganda pa." muling dagdag nito lihim na lang naming sinang ayunan dahil tama siya
"Tara na! Baka kanina pa nag hihintay ang Punong Guro nila." aya ko
"Halina kayo." sumunod na lang kami kay, Brazen na nag tipaunang nag lakad
Nang malapit na kami ay duon ko lang napansin ang isang tila may edad ng guro
"Magandang Umaga sainyo!" ngumiti na lang ako rito
"Ako nga pala si, Mrs. Dela Cruz ang Dean ng University." naka ngiting pakilala nito saka nag lahad ng kamay
"Brazen." tipid na wika nito saka kami nito pinakilala isa isa
"Gusto ko sanang personal na Ako ang mag-libot sainyo sa Unibersidad namin ay hindi ko magagawa dahil madami akong kailangang tapusin." hinging paumanhin nito
"Ayos lang po." naka ngiting sambit ko rito
"Pero huwag kayong mag-alala dahil sasamahan naman kayo ni, Ms. Khara siya ang School President ng University."naka ngiting wika nito
Napakunot noo naman Ako, School President? Ano yun?
"Nasaan ang tinutukoy niyong Khara, Guro?" takang tanong ni, Schylr rito Oo nga pala naman itong kasama eh
"Siguro ay nahuli lang siya o nasa taas na naman ng puno natutulog." natatawang wika nito
"Hindi ba masyadong maaga pa para matulog?" walang ganang tanong ni, Sydney
"Mahirap maintindihan ang batang yun pero maasahan naman."naka ngiting wika nito
"Nasaan na siya? Kailangan pa ba naming hintayin siya?"Ani ni, Darvyn
"Ipinatawag ko na siya hintayin lang natin."tugon ng Guro rito pare parehong tumango kami rito
" Sana'y mahanap niyo na ang pinapahanap sainyo."may sinseridad na wika nito
" Pano namin malalaman kung nahanap na ba namin eh hindi naman namin alam kung anong hinahanap namin" Ani ko sa isip ko
"Oh Ayan na pala siya."sinundan ko naman ang tinitigan nito
Isang babaeng palakad na ngayon palapit sa sa'min pansin ding medyo gusot ang damit nito at tila kagigising lang
Maganda siya. Maputi, matangkad sakto ang katawan... mukha ding makinis ang balat niya
"Khara!" tawag rito ni Mrs. Dela Cruz bakas ang pag kairita sa tinawag nitong Khara habang palapit ito
"Sila ang mga transferre mula sa malayong lugar. Ikaw ng bahalang mag tour sakanila sa University." turan ni, Mrs. Dela Cruz tumango naman rito ang nag ngangalang Khara
May mga ibinilin pa si Mrs. Dela Cruz bago ito nag-paalam na umalis
"Ako nga pala si, Antonette ikaw anong pangalan mo?" naka ngiting wika ko rito
Walang emosyong tinitigan lang ako nito. Hindi ko mabasa kung anong iniisip nito
Oo nga pala ang inalis nga pala muna panandalian ang kakayahan namin
"Ako naman si, Schylr Kenzo." masiglang pakilala ng katabi ko
"Kenzo or Ken, na lang itawag mo sa'kin." dagdag nito
BINABASA MO ANG
To Another World (🌹)
FantasiMystical Regal Academy Book 3 When there met in another world..... What if fate plays with their lives.. What if the old trust turns to doubt... What if former friends or allies become enemies.. What if the old feeling of happiness is replaced b...