Chapter 36

61 2 0
                                    

Chapter 36

"May problema ba?"nag-aalalang tanong ni, Saoirse rito

"Ayos lang naman ako, nag-aalala kasi ako kay, Kallista para kasing iba ang kinikilos niya."tugon nito rito. parehong napalingon ang dalawa kay, Kallista nitong nakaraan ay madalas itong tulala at tila malalim ang iniisip

"Huwag kang mag-alala at kakausapin ko siya dahil nag-aalala na rin ako sakanya"sambit nito

"Anong pinag-uusapan niyo?"parehong napalingon ang dalawa ng bigla na lang sumulpot si, Eumie sa pagitan nila

"Si, Kallista para kasing may pinagdadaanan siya ayaw lang mag-sabi sa'tin."tugon ni,Saoirse dito

"May nabanggit siya sa'kin na pakiramdam niya daw ay tila may nakakalimutan siyang sobrang mahalaga na hindi niya maalala." sambit ni, Eumie rito

"Ano naman ang pwede niyang makalimutan eh halos lahat nga ata mabilis niyang maalala , lalo na yung mga importanteng bagay."nagtatakang sabit ni, Kapheir

"Yun nga ang sabi ko sakanya pero mukhang hindi talaga siya mapalagay hanggat hindi nito naaalala o nalalaman kung ano ba yung bagay na importanteng nakalimutan niya."nakapabuntong hiningang sambit ni,Eumie

"Hi guyssss!!!!"pare-parehong napangiwi na lang sila dahil sa lakas ng boses ni, Azariana nakangiti ito habang kumakaway na naglalakad palapit sakanila

"Hi, Azariana magandang umaga."nakangiting bati ni, Kapheir rito

"Umagang punong puno tayo ng energy ah."iiling iling na sambit ni, Eumie rito na tinawanan niya lang

"Anong meron at tila ganadong ganado ka?"tanong ni, Saoirse rito

"Hindi niyo pa ba alam?"pare-pareho silang umiling rito "Dahil maglalakbay muli tayo kasama sila."sambit nito halata sa reaction nilang wala silang ideya kung anong sinasabi ni, Azariana sakanila

"Maglalakbay tayo?"takang tanong ng bagong dating na si, Kallista ng marinig ang sinabi nito

"Oo, para alamin kung sino ang kakaharapin natin at kumalap ng impormasyon tungkol sakanila."sagot nito

"Hindi ba't ang Black Raven ang kalaban?"takang tanong ni, Kapheir

"May iba pa daw groupo ang nagtatago sa likod ng Black Raven sila ang tunay nating kalaban."paliwanag nito

"ibig mong sabihin ay may iba paa tayong kalaban?"gulat nilang ganun

"Parang ganun na nga kaya kailangan po nating maglakbay para alamin kung sino ba talaga ang mas dapat kailangan nating paghandaan."wika nito

"Sigurado ba kayong isasama natin ang Conqueriois?hindi kaya'y mapahamk sila?masyado pa silang mga bata para humarap sa ganitong kapanganib na paglalakbay."nag-aalalang dagdag nito

"Oo nga't mga bata pa lang sila ngunit hindi ibig sabihin nuon ay mahihina na sila at hindi nila kakayanin ang ganitong paglalakbay,"mahinahong wtugon ni, Brazen sa sinabi ni, Sydney ''Saka malaking tulong ang kakayahan nila at huwag mong kakalimutan kung sinong nag sanay sakanila."dagdag nito

"Hindi naman natin sila pababayaan at lalong hindi sila pababayaan ng Coven dahil nandun ang kapatid ni, Seika."nakangiting wika ni,Antonette rito

"Masyado kang nag-aalala sa Conqueriois parang hindi ikaw yan ah."pang-aasar nito rito dahilan upang bumalik sa pagiging masungit ang expression nito nakangting napailing na lang ito ng makita ang pagbabago ng expression nito

"Huwag kana lang kaya sumama,Ate Khara para kasing may hindi magandang mangyayari eh."nag-aalalang wika ni,Kataleya rito

"Pero alam mong kailangan saka gusto kong malaman kung sino at kung ano ba talaga ang totoong  dahilan kung bakit ako ang sinasabing susi. Lahat ng nangyayari pakiramdam ko ay konektado sa'kin."dagdag nito  

"Hindi kaya'y yan ang ikakapahamak mo,Ate Khara?ang kagustuhan mong alamin ang totoo naipapahamak mo na ang sarili mo?"nag-aalalang sambit nito

"Nangako ako sayo ,Kataleya at wala akong balak baliin ang pangako kong yun sayo kaya hindi mo kailangan mag-alala sa'kin."nakangiting sambit nito sa kapatid

"Hangga't hindi nagbabago ang nakita kong Serse Bua tungkol sayo, Ate Khara mag-aalala at mag-aalala pa rin ako sayo."wika nito ngumiti si Khara sa kapatid at masuyong hinila ito payakap sakanya

"Walang mangyayaring masama sa'kin, Kataleya at sigurado akong hindi niyo ako pababayaan."masuyong wika nito "May tiwala akong proprotektahan niyo ako kahit anong mangyari."dagdag nito

"Ate Khara pano pag nalaman mong nagsinungaling kami sayo?"biglang tanong nito dahilan para bumitaw ito sa pagkakayakap nito

"Nagsinungaling saan?"nagtatakang tanong nito

"Mapapatawad mo kaya kami?"imbes na sagutin ito ay muli itong nagtanong

"Oo naman, kapatid ko kayo kilala ko kayo kung sakaling nagsinungaling nga kayo alam kong may magandang dahilan kayo."tugon nito kahit hindi maintindihan ang gustong iparating ang kapatid

"Salamat,Ate Khara kaya mahal na mahal ka namin eh.'malambing nitong wika

"Tungkol saan ba yang sinasabi mo, Kataleya?"muling tanong nito dahil hindi niya sinagot kanina ang tanong nito

"Malalaman mo din,Ate Khara sa ngayon hindi pa."nakangiting tugon nito

"Kailan naman?"takang nito wala itong ideya kung anong pwede o tungkol saan ang sinasabi nito dahil kilala nito ang mga kapatid niyang kahit kailan ay hindi magtatago o magsisinungalin sakanya

"Yung ikaw lang ang makakarinig sa kung ano man ang sasabihin ko sayo, Ate Khara."tugon nito at pareho silang napalingon sa kasamahan nila di kalayuan sa pwesto nila

"Hindi pa ba sapat ang layo nila para tayong dalawa lang ang makakarinig sa sasabihin mo?"takang sambit ni, Khara rito

"Meron sakanila ang may kakayahang marinig kung anong pinag-uusapan natin, Ate Khara kahit pa malayo tayo sakanila,"tugon nito "Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa din ba alam ang kakayahan ng iba?"takang tanong ng kapatid nito sakanya

"Hindi pa lahat eh."nakangiwing sambit nito

"Sabi sayo, Ate Khara pag-aralan mo ang kakayahan ng bawat isa eh baka sakaling magka-ideya ka kung anong pwede mong maging kakayahan at magamit sa ating paglalakbay."iiling-iling nitong sambit "Dahil hindi tayo sigurado sa mga pwedeng mangyari sa paglalakbay natin, Ate Khara."dagdag nito

"Sige, habang naghihintay sa pagdating ng araw ng paglalakbay natin ay pag-aaralan ko ang kapangyarihan ng bawat isa,"nakangiting wika nito "At magbabasa rin ng aklat na may kinalaman tungkol sa kapangyarihan."dagdag nito

"Ate Khara, gusto mo bang samahan ako?"tanong nito sakanya

"Sige ba para na din mas magka-usap pa tayo gusto kong makipag-kwentuhan sayo tulad ng dati."mabilis nitong sagot na nagpangitit sakanya dahil naalala nito ang mga araw kung saan masaya silang tatlo

"Tara, Ate Khara."inalok nito ang kamay nito sakanya saka sila sabay na naglakad paalis

"WOW!Ang ganda rito, Kataleya paano mo nahanap ang lugar na 'to."manghang wika ni,Khara sa kapatid habang pinapalibot ang tingin

"Nakita ko ang lugar na 'to ng minsang nilibot ko ang Academia at naligaw ako rito."tugon nito saka naupo sa damuhan malapit sa lawa

Ang lugar kung saan unang muling nagkita ang kambal sa likod ng Academia kung saan sakop na ng Therondia ang lugar kung saan madalas silang magkita na kahit walang ideya ang isa sakanila kung sino sa buhay niya ang taong lagi niyang pinagbabantaan

May ngiti sa labing naupo si, Khara sa tabi ng kapatid walang umimik sakanila pero halata sa mukha nila ang kapayapaan at ngiti sa labi para sabihing ang magkasama lang sila ay sapat na

Ngunit hindi nito namalayang nasa malapit na pala nito ang panganib at bago pa nito namalayang may iba pa pala silang kasama ay nanghihina na ito at unti-unting dumilim ng paningin nito pero bago pa siya tuluyang mawalan ng lakas ay pinilit nitong abutin ang kamay ng kapatid at mahigpit na hinawakan na tulad niya ay wala na ding lakas pa para humingi ng tulong......

To Another World (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon