CHAPTER 08: Trey POV
"Woah! Ganito pala ang itsura ng Mundo ng mga tao parang wala naman masyadong pinag kaiba sa mundo natin."Dinig kong wika ni, Deacon dahil sa lakas ng boses nito
"Nasa kabundukan pa lang tayo, Kuya Deacon hindi pa ito ang mismong lungsod. "natatawang wika ni, Kapheir rito at halata sa mga mata nito ang pananabik
"Paano mo naman? Naka punta ka na rin ba dito? "takang tanong ni, Deacon rito
"Opo minsan na po akong naligaw dito at dito ko po nakilala si Ate Kaithlyn at Eumie."naka ngiting sagot nito
"Mukhang close na close kayo ah."komento nito naka ngiting tumango tango na lang ito
"Saan tayo mamamalagi?Hindi tayo maaaring mag hiwahiwalay."kunot noong wika ni, Sydney ewan ko ba sa babaeng toh laging masama ang timpla
"May panuluyan nang hinanda para sa atin si,Mr.William." Malumanay na sagot ni, Saoirse ata yung leader ng Conquerois
"The lead the way kid." masungit na turan ni, Sydney rito napa iling iling na lang ako pati bata sinusungitan
Pero parang wala lang rito ang pag susungit ni Sydney at tahimik na nagsimulang tahakin ang daan sa kung saan kaya sumunod na lang rin kami
Pare pareho kaming natigil ng makita ang isang may kalakihang bahay agaw pansin ito dahil nag iisa lang itong Bahay na naka tayo sa gitna ng kagubatan
"Dyan naka tira si, Ate Taitlin noon."turan ni, Eumie siguro napansin nito ang nagtataka naming expression
"Gusto niyo bang pumasok muna?" malumanay na tanong nito
"Pwede ba?"Tila umaasang tanong ni,Dash kita sa mga mata nito ang pangunguli, lungkot,sakit at pag mamahal hanggang ngayon pa din talaga ay malakas ang epekto sakanya ni Kaithlyn
"Oo naman,Kuya Dash!" naka ngiting sagot nito saka nanguna sa pag punta sa bahay kasabay nito si Kapheir na halatang nananabik din
Hindi na namin sila napigilan ng sumunod agad si Dash dito at walang nagawa ang Sovereigns kung di ang sumunod sa kanya
"Dash really love Kaithlyn." iiling iling na komento ng kakambal ko na ngayon ko lang napansing nasa tabi ko na pala
"Ganun ka din naman kay, Abigail diba ba." natatawang wika ko rito inakbayan ko ito saka kami sabay na nag lakad patungo sa dating bahay ni Kaithlyn
Hindi ko maiwasang mamangha ng makita ang loob nito ang ganda kahit matagal ng walang nakatira ay malinis pa rin
"Kyahh!!!"agad na napalingon ako sa pinang galingan ng sigaw
"Anong nangyari?" takang tanong ko
"Pfft Hindi ata napansin ni,V na may istatwa sa likod niya kaya nagulat nung aksidente niyang nabangga." natatawang sagot ni, Trent na siyang naka rinig sa tanong ko
Napa iling iling na lang ako saka muling binalik ang pansin sa mga naka ukit sa mga dingding
"Isang Klase ng mahika ang mga yan."gulat akong napalingon kay, Darvyn
"Pano mo nalaman?"tanong ko rito tinignan nito ang mga naka ukit sa mga dingding
"Itinuro sa'min, kahit na wala kaming kakayahang gumamit ng mahika ay pinag aralan pa rin namin."paliwanag nito napa tango tango naman ako...
Dash POV
"Ito ang silid ni,Ate Taitlin,Kuya."turan ni, Eumie pinalibot ko ang buong tingin sa kabuan ng kwarto nito
Hindi ko maiwasang maka ramdam ng tuwa kahit papano dahil sa wakas napuntahan ko na ang lugar kung saan siya lumaki
Nakakalungkot lang na hindi ko ito kasama...
BINABASA MO ANG
To Another World (🌹)
FantasyMystical Regal Academy Book 3 When there met in another world..... What if fate plays with their lives.. What if the old trust turns to doubt... What if former friends or allies become enemies.. What if the old feeling of happiness is replaced b...