Prologue

499 6 3
                                    

PROLOGUE

Isang lingo palang ang nakakalipas ang nag daan simula nang makabalik ang groupo ng, The Sovereigns, The Herd , The Coven at ang Nemesis...

Ang The Sovereigns ang nangungunang groupo sa buong Academia kung saan binubuo nila, Brazen, Kenzo at Dash kasama na sila, Antonette, Sydney at ang bagong membro na si, Darvyn at ang side member na si, Abigail

Ang The Coven kung saan sila ang pumapangalawang groupo sa buong Academia kung saan si, Seika ang pinuno habang si, Blaze naman ang naging Assistant Leader nito at sila, Blaster, Wave at Aiden  at ang dalawang membrong akala nila ay wala, Caleb at Ryxia. Si, Bertram, Egon at Cairan na pinaka bagong membro nito...

Ang The Herd ang pamapangatlong Groupo sa  Academia na pinapamunuan ni, Domenic at Trent at ang membro nitong sila, Vien, Trish at Shane at ang tatlo pang mga lalaki na sina, Death, Troy at ang kambal nitong si, Trey...

Nemesis ang pang apat na groupo na ngayong lang nakilala...

Ang Nemesis ang pinaka mysteryosong groupo sa buong Academia sa pagkat sa tagal ng panahon ay ngayon lamang sila nag pakita at nag pakilala bilang Nemesis..

Ang Nemesis ang pumapang apat na groupo sa buong Academia kung saan tanging limang kalalakihan lang ang membro na sila, Kahlil, Geoffrey at Rakesh. Si Deacon na pinaka bata at si Yves na tili tumatayong pinuno nila...

Ang dating groupong mag kakatunggali ngayon ay mag kakasama at mag kakaibigan na...

Malaki ang pinag bago ng Academia dahil kahit na mag ibang Class ay nag uusap na nasa mababa man o mataas ngunit minsan ay hindi pa rin maiiwasan ang kayabangan at pagiging mapang abuso sa kakayahan at kapangyarihan...

" Ilang lingo na tayong mag kakasama sa iisang mesa ngunit hindi pa rin sila nasasanay at bakas pa rin sa mga itsura nila ang pagkabigla at hindi makapaniwalang tingin." iiling iling na pansin ni, Kenzo

"Alam mo Pareng Kenzo normal lang yun , tignan mo nga tayong lahat isa isa lahat tayo may kakaibang angking itsura at ngayon lang sila nakakita ng katulad nating gwapo." may pag yayabang na turan ni, Troy rito na nasa harapan niya saka sila nag fist bump...

" Nakatingin lang naman sila dito dahil sakin eh." naka ngising pag sabat ni, Trey

"Anong ikaw Ako kaya." tutol ni, Caleb rito

"Manahimik kayo pareho pareho lang kayong mga pangit." sabay sabay  sita ng mga babae rito maliban kay, Darvyn na walang pakialam kasama na si, Seika at Sydney. Si, Vien na abala sa pagkain...

"Ayan mga kayabangan niyo kasi titiklop din naman pala kayo." mapang asar na turan sakanila ni,Ram

" Hindi niyo kasi matanggap na gwapo Ako." bubulong bulong nila na tinawanan lang ng groupo ni,Ram....

Nag kwentuhan lang sila syempre hindi kasama sila,Brazen, Sydney, Seika at Vien pati na rin si,Dom at Death minsan ay sumasali sa usapan si,Trent at Wave habang si,Aiden naman ay abala sa pag babasa habang si,Dash ay tahimik lang na nakikinig sakanila at si, Darvyn na tanging iling at tango lang ang sinasagot pag may tinatanong sakanya...

Natigil lang ang kwentuhan at asaran nila ng may lumapit sakanilang studyante

"Excuse me po!" magalang na agaw pansin niya sa mga toh nakaramdam siya ng hiya at kaba ng lahat sila ay nakatingin sakanya at Mukhang hinihintay ang sasabihin niya...

"Pinapatawag kayong lahat ni,Mr.William ay mali Ano pala pumunta daw kayo kay,Mr.William tomorrow morning."

" Ayun lang ba? Maraming Salamat."pasalamat ni, Antonette rito, tumango ang babae bago umalis

" Ano kayang meron? Wag niyang sabihing may Transferre na  naman na trauma na ako dyan ah."

"Kung may Transferre bakit kailangan tayong lahat ipatawag,mag isip isip ka nga."may pang iinsultong saad ni,Yves kay,Ram..

" Ano mag lalakbayan na  naman tayo ganun?" nakahalukipkip na tanong ni, Wave

"Hindi na tayo mapirmi rito sa Academia ah."natatawang turan ni, Blaze

"Ganun daw talaga tutal mag huhuling taon na tayo kaya sulit sulitin na raw nila." pabirong wika ni, Blaster..

" Unfair lang ha! Tayo halos ibuwis ang buhay natin habang ang ibang studyante rito pa chill chill lang."naka ngusong reklamo ni, Caleb

"Nag huhula lang naman kayo bakit hindi niyo na lang hintayin sabihin sa atin bukas." sabat ni, Antonette sakanila

" Wag kayong reklamador daig niyo pa kaming mga babae."masungit na wika ni, Abigail sa mga toh

" Mas madaldal silang boy's kaysa sa ating girls."kibit balikat na turan ni, Ryxia

" Hindi na ako mag tataka pag biglang aamin si, Caleb sakin na pareho lang kami ng hanap."Shane said and I playfully wink at, Caleb who's now is pouting...

" Hindi na rin ako mag tataka kung biglang aamin sakin si, Blaster at Blaze na sila." natatawang turan naman ni, Ryxia

Natahimik tuloy ang mga lalaking kanina lang ay mga nag iingay...

"Hindi ko maintindihan,Mr.William bakit kami? Saka ganun ba kahalaga ang hahanapin na hindi namin alam kung tao ba o bagay sa mundo nang mga tao."

" Hindi ba mag tataka ang mga studyante nang Academia kung mawawala na naman kami?"

" Ganun ba kahirap hanapin yung pinapahanap niyo at mahigit 20 kaming pupunta?"

" Kailangan bang manatili ay mamuhay kami roon katulad nila?"

" Wala kaming masyadong alam sa mundo nang mga tao,Mr.William."

"What the! Gusto niyong makisalamuha kami?Pumasok sa paaralan katulad nila? Mamuhay kung pano sila mamuhay?"

Magkakahalong tanong ng mga toh ng matapos sabihin ni,Mr.William kung anong gusto niyang mangyari..

"Calm down everyone!" malumanay na utos niya sa mga toh "Tulad nang sinabi ko ang nakakataas ang may gusto katulad niyo rin ay hindi ko maintindihan ang gusto nilang mangyari kaya ipag patawad niyo kung hindi ko magawang sagutin ang mga katanungan niyo."

" At tungkol naman sa sinasabi niyong Wala kayong alam sa mundo nang mga tao nandyan sila, Trish at Shane isama mo na si,Aiden na minsan na ring nanatili ruon."saad nito

" Paano namin malalaman kung nahanap na namin yung gusto nilang hanapin namin?"seryosong tanong ni,Brazen na kanina pa walang imik

" Ang may taas na ang nakakaalam niyan."tanging tugun nito

" Nagbibiro ka lang naman,Mr.William Hindi ba?"

" Totoo ang sinasabi ko alam kong sobrang naguguluhan na kayo at madaming katanungan ngunit sa ngayon ay mga wala pang sagot ang mga hangga't hindi kayo nagtutungo sa mundo nang mga tao."

" Wala talaga kaming pag pipilian."komento ni, Domenic

" Wala at isa pa gusto kong sabihin sainyong mag iingat kayo dahil may mga ilang nag kalat rin ruon na mga Black Raven at sa tingin ko ay hinahanap rin ang dapat niyong hanapin."seryosong saad nito

" Tiwala sa isa't isa huwag niyong hahayaang masira yun ng kahit sino. Talasan ang isip at pakiramdam wag niyong hahayaang malinlang kayo."

"Mr.Barker alam kong nasa iyo ang Blue Heart Crystal hindi na namin ito kinuha dahil sayo ito iniwan at pinag kaloob ni,Ms.Jones gusto kong ingatan mo ito at huwag mong hahayaang mawala o makuha ng iba."bilin nito,tipid na tumango rito si,Dash at wala sa sariling hinawakan nito ang pendant na madalas niyang gawin tuwing pumapasok sa isip niya ang babaeng minamahal nito...

Ilang Oras ang tinagal nila sa loob bago sila nag silabasang lahat. Tahimik ang mga ito nalunod sa sarisariling isipin at katanungang gumugulo sa isip nila na masasagot lamang kung magtutungo sila sa mundo nang mga tao....

___
Note: Hi Karas!!! This is book 3 but this time wala na siyang masyadong magic or power like that basta ganun hahaha btw Any thoughts? Naisip kong umpisahan na siya sa August sana naman naka move on na kayo kay Kaithlyn noh hehehehe

To Another World (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon