Chapter 18
"Saan ba tayo pupunta Ate? Baka dumating na sila Kuya at hanapin tayo."nag-aalalang wika ni, Prinsesa Xie habang naka-sunod sa kapatid
"Hindi yan ang alam ko ay bandang hapon pa sila babalik."turan nito saka nag-patuloy sa paglilibot. Kasalukuyang nasa mall ang mag kapatid
"Ano ba talagang gagawin natin dito Ate?"nag-tatakang tanong nito hanggang ngayon ay wala pa rin itong ideya kung bakit naisipan ng kapatid niyang ayain siyang pumunta sa lugar na ganito
"Wala pakiramdam ko lang ay kailangan nating pumunta rito saka hindi ka ba nababagot sa loob ng bahay na iyon? Saka lang tayo nakakalabas pag kasama natin sila Kuya."paliwanag nito
"Pero hindi ba mapanganib para sa atin ang lubas ng walang ibang kasama?"nag-aalalang wika nito dahilan para lingunin ito ni, Prinsesa Vianney
"Wala namang mangyayaring masama sa atin saka wala naman nakakakilala at nakakaalam kung sino tayo."kalmadong turan nito
"Pano kung may makasalubong tayong black Raven?"
"Hindi naman siguro mangyayari saka ang kailangan lang natin ay umakto tayong normal na tao."kalmadong turan nito dahil abala ang dalawa sa pag-uusap habang nag-lalakad hindi nila napansin ang isang babaeng naka-tayo sa harapan ng isang store dahilan para mabangga nila ito
"Ate!"agad na tinulungan ni, Prinsesa Xie ang kapatid na tumayo ng napa-upo ito
"Tumingin naman kayo sa dinadaanan niyo."bakas ang inis sa tinig ng babaeng na bangga nila
"Ikaw ang humarang sa daan!" Inis na singhal ni, Prinsesa Vianney rito ng maka-tayo ito ng maayos saka hinarap ang babae
"Ate tama na may napapatingin sa gawi natin."pigil ni, Prinsesa Xie rito kinakabahan ito baka dahil dito ay malaman ng kapatid nilang lumabas sila ng hindi nag-sasabi
"Naka tayo na nga ako dito sa may gilid na bangga niyo pa din ako, bulag lang?"may sarkasmong turan nito
Ngunit pare pareho silang natigil ng walang dahilan ng mapag masdan ang mukha ng isa't isa
"Hindi mo ba kami kilala?"taas noon tanong ni, Prinsesa Vianney rito hinawakan ito sa braso ni Prinsesa Xie para pigilan
"Ate tama na wala tayo sa lugar natin saka baka malaman ni Kuya na umalis tayo ng walang paalam."nag-aalalang mahinang sambit ni, Prinsesa Xie rito
"Mukha bang may pakialam ako kung sino kayo?"walang ganang turan ni, Khara rito
"Wala kang galang." Nag-pupuyos sa inis na sambit ni, Prinsesa Vianney rito
"Sa ating dalawa ikaw ang mas walang galang. Ikaw ang nakabangga sa'kin pero hindi ka man lang nag sorry at halata namang mas matanda ako kaysa sayo pero kung umakto ka parang mas Ikaw pa ang mas matanda sa ating dalawa."kalmadong turan ni, Khara rito
"Bakit ako hihingi ng tawad sa Isang mababang uri na kagaya mo?"tila nang uuyam na saad ni, Prinsesa Vianney rito bago hinila si Prinsesa Xie paalis
Napa-iling iling na lang si Khara habang pinapanood ang papalayong bulto ng dalawa palayo sakanya
"Bakit napapadalas na akong nakaka bangga ng masusungit at matataas ang pride? Sino kaya ang babaeng yun kung umakto ay parang nasa mataas siyang katayuan."iiling-iling na saad nito sa sarili
Muling pinulot nito ang mga plastic bag na hawak nitong nabitawan niya kanina ito kasi ang bumili ng mga gamit na kailangan nila para sa gaganaping event sa Unibersidad nila
Hindi naman sana siya ang gagawa nito dahil siya ang President at dapat nasa Unibersidad siya at siya ang nag-aayos para sa event at dahil wala siyang hilig sa ganun ay nag bulentaryo na lang ito ang bibili ng gamit na kailangan nila
Napa-kunot ang noo niya ng mapansing may mga hindi kilalang mga tao ang umaaligid sa Unibersidad na pinapasukan niya
Umakto itong tila walang nakita at nag patuloy papasok sa loob ng Unibersidad at nag diretso sa auditorium kung saan gaganapin ang event
"Bakit ngayon ka lang?"nag-tatakang tanong sakanya ng kaibigan niyang si, Gia pag kakuha ng mga bitbit niya
"May naka bangga kasi sa'kin tapos natagal kasi ang dami niyang sinabi."kunot noong turan nito
"Kaya naman pala siguro ay nainis mo na naman kung sino yan."natatawang wika ni, Gia sakanya bago siya nito iniwan at lumapit sa mga kasama nitong nag-aayos ng dikorasyon sa auditorium
"Yara!"tawag nito sa kaibigan na agad naman siyang nilapitan
"Bakit?" Nag-tatakang tanong nito sakanya
"May nakita kasi akong mga hindi pamilyar na tao sa labas ng Unibersidad natin mukha kasing wala silang magandang gagawin pwede bang sabihan mo yung mga guard na mag higpit sa pag babantay."seryosong wika nito "Huwag kamo silang basta basta mag papapasok ng hindi estudyante o kahit sinong hindi naman bisita ng Unibersidad lalo na't may darating tayong events."dagdag nito
"Kailan pa naging familiar sayo ang mga tao? eh hirap ka ngang tandaan ang mga pangalan nila pero dahil kilala kita at alam kong seryoso ang sinasabi mo ay gagawin ko ang pinapagawa mo."naka-ngiting wika ng kaibigan niya na ikina-iling nito
"Ang dami mo pang sinabi gagawin mo din naman."iiling-iling na turan nito saka tinalikuran ang kaibigan
"Saan ka na naman pupunta? Tumulong ka naman dito!"sigaw ni, Yara rito ngunit hindi na siya nito nilingon at nag tuloy tuloy sa pag lalakad paalis
Napa-iling na lang ito saka nilapitan ang mga kasama at tumulong sa mga ginagawa nila mamaya na lang siguro niya gagawin yung sinabi sakanya ni, Khara
"Napapadalas na ata ang pag tatambay mo rito." Kunot noong turan ni, Khara ng madatnan nito si, Dash sa ilalim ng puno kung saan siya umaakyat para matulog
"Hindi na ba ako pwede rito? Saka maganda ang lugar na ito walang pumupunta."kalmadong turan ni, Dash sakanya
"Wala nga kaya nga dito ako eh."irap nito rito saka walang ibang nagawa kung hindi umupo sa tabi nito
"Wala si, Yvkiasha?"nag-tatakang tanong nito
"May klase sila."sagot nito sakanya
"Improving ka ah sumasagot kana ngayon."natatawang wika saka sinandal nito ang sarili sa puno
"Hindi ba't yun ang gusto mo? Lagi kang nag-rereklamo kung hindi kita sinasagot tapos ngayon may masasabi ka pa din?"kunot-noong turan ni, Dashiell sakanya
"Hindi ko nga din alam kung anong gusto kong mangyari eh."natatawang wika ni, Khara rito saka niya ito nilingon ngunit ganun na lang ang gulat nilang pareho dahil sa lapit ng mukha nila sa isa't isa
"Ilayo mo nga sa'kin yang mukha mo."kunot noong turan ni, Khara habang na natiling naka titig sa mukha ni, Dash
"Bakit hindi ikaw ang gumawa?"balik nito sakanya
"Bakit ang lapit ng mukha mo sa'kin saka bakit ka sa'kin naka titig?"kunot noong turan nito ngunit hindi pa din nito magawang mag-iwas ng tingin rito
"Bakit ka ba biglang lumingon?"dahil sa lapit nila sa isa't isa ay nararamdaman nito ang pag tama ng hinginga sa labi niya tuwing nag-sasalita ito
"Hindi ka lalayo?" Muling tanong ni, Khara rito
"Bakit hindi ikaw ang gumawa?" Balik sakanya ni, Dash halata ang pang-aasar sa mga mata nito dahilan para may pumasok sa isip niyang kalokohan
"Hindi ka lalayo?"muling tanong nito ngunit sa pag kakataong ito ay may mapag laro itong ngisi sa labi
"Bakit hindi mo gawin."ngumiti ito kay, Dash dahilan para mag taka ang lalaki ngunit bago pa ito makakilos ay naramdaman na lang nito pag hila ni, Khara sa kuwelyo ng damit niya kasunod ang pag lapat ng malambot na labi niya sa labi nito
Ganun na lang ang panlalaki ng mata niya ng mapagtantong mag kalapat ang labi nilang dalawa
Sa hindi niya malamang dahilan ay hindi niya magawang maitulak si, Khara palayo sakanya lalo na ng maramdaman nitong nag-simula na nitong igalaw ang labi nito sa labi niya
Namalayan na lang nitong tinutugon ang halik ng babae, Wala ng ibang pumasok sa isip nila kung hindi ang halikang nangyayari sa pagitan nila...
BINABASA MO ANG
To Another World (🌹)
FantasyMystical Regal Academy Book 3 When there met in another world..... What if fate plays with their lives.. What if the old trust turns to doubt... What if former friends or allies become enemies.. What if the old feeling of happiness is replaced b...