Chapter 05

92 3 0
                                    

Chapter 05

Eumie POV

Agad kong sinalo ang kamao nitong tatama sana sa mukha ko at buong lakas ko itong binalibag sa sahig

Habol ang sariling hininga hindi pinansin ang ingay ng paligid

"Masyado kang hot, Eumie." naka ngiting wika nito saka napa ngiwi ito ng umayos ng tayo

Walang emosyong naka tingin lang ako rito at hindi umimik

Hindi ko na hinintay ang susunod nitong gagawinat Ako na ang sumugod sakanya

Malakas ko itong sinipa sa sikmura dahil para tumilapon at muling napa higa sa sahig

"Very Good, Ms. Eumie ang laki na talaga ng improvement mo."Umayos ako ng tayo saka hinarap ang guro namin

Ngumiti sa'kin ang Guro namin tumango na lang ako rito saka umalis sa gitna kung saan pinapalibot ng mga ka klase ko na nanood sa naging laban namin

Hindi ko na hinintay ang susunod na sasalang sa labanan bilang pag sasanay

Natigil ako ng makita si, Kapheir na naka tingala sa kalangitan kita ng mga mata ko ang pag daloy ng luha nito sa mga pisngi niya

Alam kong nahihirapan ito dahil sa nalaman naming matagal na palang wala si, Kaithlyn

Siya ang tanging naging kakampi at naniwala sa amin nung mga panahong mag-isa kami

Ang pangarap naming binuo na Kasama siya ay Hindi ko na alam kung gusto pa ba nilang ipag patuloy ang pag abot kahit wala na siya

"Taitlin!!"

"Kaithlyn kasi yun,Mie." natatawang pag tatama nito napa simangot naman ako saka siya inirapan

"Gusto ko yun eh."

"Ano bang ginawa mo dito sa kagubatan,Mie?Alam mo bang delikado dito?"

"Nandito ako kasi nandito ka."turan ko rito

"Kahit na saka pano mo ba napapayag ang magulang mong hayaan kang mag punta rito?"kunot noong tanong nito "Pareho lang kayo ni, Kapheir parehong matigas ang ulo."

"Who's, Kapheir Taitlin?"takang tanong ko rito

"Kalahi mo pareho kayong pasaway eh."naka ngusong wika nito

"Nasaan siya? "puno nang kuryusidad na tanong ko rito

"Malay ko diko naman alam kung saan naka tira Yun eh."

"Kaibigan mo ba siya, Taitlin?"

"Oo? Pwede na mukha naman mabait kagaya mo pero pasaway kayo eh."natatawang wika nito na Ikina-simangot ko

Kahit na pinag babawal ang pag punta ko sa gubat ay tumatakas pa Ako para kitain siya

Sa murang edad ko siya at si Kapheir lang ang naging kaibigan ko hanggang sa kinailangan naming umalis ni Hindi ko na nagawang mag paalam sakanya—sakanila

Ang buong Akala ko ay hindi na ulit kami mag kikita pero nag kita ulit kami sa hindi inaasahang pagkakataon

"Hindi ka pa din nag babago,Mie pasaway ka pa din."napa kunot ang noo ko dahil sa sinabi nito

"Sino ka ba para pakialam Ako?" masungit na turan ko rito saka siya inirapan

"Masungit kana din,Mie Hindi mo ba ako nakikilala?"naka simangot na reklamo nito

To Another World (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon