Chapter 23

55 2 0
                                    

Chapter 23

"Hindi ba natin sasabihin sakanila ang alam natin tungkol sa pag-babago ng Blue Heart Crystal?"nag-aalalang tanong ni, Eumie

"Hindi pa sa ngayon, Eumie hangga't hindi tayo nakakasigurado."kiming ngiting tugon ni, Saoirse

"Sa tingin ko hindi rin makakatulong kung sasabihin natin sakanila ang alam natin lalo na sa mga nangyayari ngayon."sang-ayon ni, Kallista rito

Tumango naman sila Kapheir at Azariana sa hindi malamang dahilan ay tila lumalayo na ang loob ng bawat isa sa isa't isa

"Sana lang ay magawa na natin ang mission natin bago pa tuluyang masira ang tiwala ng bawat groupo sa isa't isa."naka-pabuntong hiningang sambit ni, Saoirse

"Sigurado akong malalagpasan din natin lahat tayo. Malalaman din natin kung sino ang dahilan kung bawat pinag-dududahan na ng bawat isa ang isa't isa."may kumpiyansang turan ni, Azariana

Parehong natigil ang lima sa pag-uusap ng makarinig sila ng ingay mula sa hindi kalayuan sakanila

"Parang pamilyar sa'kin yung boses na naririnig ko."takang turan ni, Ariana saka tumayo sumunod naman ang kasama nito

Parehong wala silang ingay na ginawa habang nag-lalakad palapit sa lugar kung saan nila naririnig ang ingay

Nag-katinginan ang lima ng marinig ang nag-uusap walang iba kung hindi si Trish at Death

"Ano ba talagang kailangan mo, Trish? Sinabi ko na sayo kahit kailan walang namagitan sa'tin."malamig na pag-kakasabi ni, Death rito

"Wala? Kung ganon Anong ibig sabihin ng pag-halik mo sa'kin? Wala lang sayo yung nangyari sa'tin? Natatakot ka bang malaman ni, Darvyn na may nangyari sa'tin kahit na mag-kasintahan na kayo?"naka-ngising wika ni, Trish

Nanlaki ang mga mata ng lima dahil sa narinig bakas ang gulat sa mga ito at hindi makapaniwala sa nalaman

"Huwag mo akong susubukan, Trish dahil kayang kaya kitang patayin ng walang kahirap hirap. Huwag mo akong subukan."madiing wika ni, Death rito bago ito umalis

"Malalaman din lahat ni, Darvyn ang tinatago mo, Death at sigurado akong kakamuhian ka niya sa oras na malaman niya ang totoo."turan ni, Trish dito sakto lang para marinig ni, Death bagp pa ito tuluyang maka-layo

Hinawakan ni Saoirse ang dalawa sa kasama nito at hinila palayo sa lugar habang sumunod naman ang dalawa pa bago pa sila mapansin ni, Trish

"Anong ibig sabihin nuong narinig natin?"Hindi makapaniwalang tanong ni, Azariana

"Ang ibig bang sabihin nito niloloko ni, Kuya Death si Ate Darvyn?"tulad ni, Azariana ay hindi rin makapaniwala si, Eumie

"At anong tinatago ni, Kuya Death? Anong alam ni, Ate Trish sakanya na pwedeng maging dahilan para kamuhian siya ni, Ate Darvyn maliban na lang sa nalaman natin."naguguluhang turan ni, Kapheir

"Sasabihin ba natin yung narinig natin kay, Ate Darvyn?"nag-tatanong ang mga matang tumingin si, Kallista kay, Saoirse na halatang malalim ang iniisip

"Sa tingin ko wala tayo sa lugar para makialam sa ganitong sitwasyon."sambit ni, Azariana "Saka pag-sinabi natin ang nalaman natin baka mas lalong masira ang groupo."dagdag nito

"Pag-balik na lamang natin sa Academia saka natin sasabihin ang nalaman natin."sambit ni, Saoirse naisip nitong baka mas makakabuti kung hindi muna malalaman ni, Darvyn ang narinig nila lalo na't hindi pa nila natatapos ang kanilang Mission

Sa kabilang dako ang groupo ng Sovereign

"Kung ganun umiibig ka sa isang ordinaryong tao?"pag-lilinaw na tanong ni, Sy rito

"Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo, Dash?"tanong ni, Brazen rito

"Oo, mahal ko si, Khara."buong puson sambit nito

"Pero alam mong hindi pwede yang nararamdaman mo!"singhal ni, Sy dito

"Sy, kumalma ka hayaan mong mag-salita muna si, Dash."masuyong sambit ni, Antonette rito

"Hindi mo na ba mahal si, Kaithlyn?"tanong ni, Kenzo rito, kiming ngumiti si, Dash rito ganun pa rin may lungkot pa rin sa mga mata nito at pangungulila tuwing naaalala nito ang unang kasintahan

"Hindi naman mawawala yun. Mahal na mahal ko pa rin si, Kaithlyn pero nararamdaman kong mahal ko din si,Khara sigurado na ako sa nararamdaman ko."may paninindigang turan nito

"Pero alam mong kailangan mo din siyang iwan sa takdang panahon diba?"malumanay na tanong ni, Antonette

"Alam ko... "Mahinang tugon ni, Dash rito"Huwag kayong mag-alala dahil hindi ko kakalimutan at tatalikuran ang responsibilidad ko. Alam kong hindi kami pwede at kailangan kong tanggapin yun."may pait ang ngiting sambit nito

"Sigurado mo lang, Dash. Kilala kita alam kong gagawa ka ng paraan para sa makasama ang taong mahal mo lalo na't hindi naman lingid sa kaaalaman nating may mga katulad natin dito na namumuhay at nakipag-isang dibdib sa ordinaryong tao pero iba ka, Dash."sambit ni, Sy dito

"Isa kang maharlika at sigurado akong hindi ka hahayaan ng Inang Reynang manatili sa mundong 'to para makasama ang babaeng mahal mo."may babalang turan nito

"Alam ko naman yun."naka-yukong turan nito, puno ng simpatya ang mga mata ni, Antonette habang naka-tingin sa kaibigan

Gusto man nitong makita ang kaibigang masaya kasama ang babaeng minahal ay alam nitong marami ang tututol sakanila at maaaring ikapapahamak lamang yun ni, Khara na itinuring na rin niya bilang isang kaibigan

"Sa ngayon pwede mong gawin lahat ng gusto mo Hanggang nandito tayo."seryosong sambit ni, Brazen bago ito tumayo at umalis

"Habang narito pa rin tayo, Dash pero sa oras na kailangan nating umalis. Aalis tayo." wika ni, Sy bago ito sumunod kay, Brazen

"Mukhang hahayaan ka muna nilang makapiling si, Khara Hangga't nandito tayo at ginagawa ang mission natin."turan ni, Kenzo silang tatlo na lang ang naroon

"Sulitin mo na ang bawat sandali na makasama si, Dash dahil hindi natin alam kung kailan tayo aalis."masuyo ang ngiting sambit ni, Antonette rito saka mahinang tinapik sa balikat ang kaibigan

" Tama si, Antonette habang may oras at pagkakataon ka pang iparamdam kay, Khara na mahal mo siya gawin mo na lahat ng gusto mo para sa huli wala kang pag-sisisihan."turan ni, Kenzo

"Salamat."tipid ang ngiting sambit nito sa dalawa

" Nasaan pala si, Darvyn? Wala ata siya?"nag-tatakang tanong nito ng mapansing wala si, Darvyn ang isa pa nilang kasamahan

"Hindi namin alam kung saan siya nag-punta."sagot nito"Si, Abigail ang alam ko ay kasama si, Troy at parehong pumunta sa Mall."dagdag nito

"Ang alam ko ay pupuntahan nito si, Khara dahil may pag-uusap daw sila."sagot naman ni, Antonette

"Kasama naman pala ng mahal mo eh."pang-aasar ni, Kenzo rito na hindi na lang pinansin ni, Dash

"May balak ka bang sabihin kay, Khara kung sino ka?"nag-aalalang tanong ni, Antonette

"Mahal ko si Khara, Antonette at hindi ko ugaling mag-tago ng seckreto sa taong mahal ko."tugon nito

"Sa dami ng pwede mong iibigin, Dash ay yung taong alam mong hindi kayo pwede."naka-pabuntong hiningang sambit ni, Kenzo

"Hindi natin kontrolado ang nararamdaman natin, Kenzo."tanging naging tugon na lamang nito rito

Napahawak na lang ito sa pendant ng kwintas na suot suot nito ang Blue Heart Crystal

Hindi siya ito magawang alisin mula sa pagkakasuot nito. Hindi ito mapakali kung hindi niya suot ang kwintas

Ang kwintas ng babaeng una niyang minahal ang babaeng dahilan kung bakit siya natutong umibig at mag-bago....

__ __

May iba ng mahal si Dash🥺

To Another World (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon