Chapter 25

59 1 0
                                    

Chapter 25

"Hindi ko alam kung bakit kailangan pa natin paglaanan ng oras ang pag-punta sa paaralan ng Nemesis.  Alam naman nating lahat na malabong iisang Ava ang nakita nila sa kilala natin."may pagka-inip na sambit ni, Sy

"Walang masama kung sisiguraduhin natin kaysa sa mapuno tayo ng katanungan sa ating isipan."tugon ni, Darvyn

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay mayroon itong hindi sinasabi sa'min o sadyang masyado lang akong nag-iisip dahil sa nangyayari

"Khara!"pare-pareho kaming nagulat dahil sa pag-sigaw ni, Dash sinundan namin ang tinitignan nito

"Grabe kahit malayo nakilala mo agad siya." Iiling-iling na turan ni,Schylr rito

"Parang ikaw hindi ah."balik ni, Dash rito

"Sabagay walang malabong mata o malayong agwat kung ang taong mahal natin ang makikita natin lilinaw at lilinaw ang paningin natin."natatawang wika ni, Schylr

"Uyy! Anong ginagawa niyo dito?"nag-tatakang tanong sa'min ni, Khara ng tuluyan na kaming makalapit sakanya

"May kailangan tignan saka dito kasi nag-aaral yung iba naming kaibigan."naka-ngiting sagot ni, Dash sakanya

Hindi ko tuloy maiwasang mapa-titig rito matagal na dim simula nung huli kong nakita siyang ganyan ngumiti

"Ikaw anong ginagawa mo rito?"tanong ni, Darvyn sakanya

"Balak ko kasing dalawin yung mga kaibigan ko na dito nag-aaral."sagot nito

"May iba ka palang kaibigan bukod kanila Leah."komento ko

"Ah! Highschool friend ko sila, Leah habang sila, Ava ay kaibigan ko simula pa nung bata."paliwanag nito

"A-Ava?"nag-tatakang pag-uulit ni, Sy rito tila nag-tatakang tumango si, Khara rito

"Pwede mo ba kaming dalhin sa kaibigan mo?"tanong ni, Brazen rito

"Pwede naman pero bakit muna?" Tanong nito "Kilala niyo ba ang kaibigan ko?"dagdag nito

"May hinahanap kasi kaming, Ava ang pangalan baka siya yun kaya kailangan naming makita."si, Dash ang sumagot rito

"Ah okay."bakas ang pag-dadalawang isip sa mga mata nito pero pumayag pa din

"Hindi na ata kita masyadong nakikita sa likod ng building kung saan ka tumatambay."turan ni, Darvyn dito

"Madami kasi akong ginagawa bilang SSG President para sa darating na event ng School."sagot ni, Khara rito

"Kailan ka mag-kakaroon ng libreng oras, Khara? May gusto sana akong sabihin sayo." Bakas ang pag-aalangang tanong ni, Dash rito

"Sabihin mo na lang sa'kin kung kailan mo akong gustong maka-usap laging libre ang oras ko sayo."parang wala lang na tugon ni, Khara rito pero habang si, Dash mahahalata mo ang unti unting pamumula nito

"Ang smooth nun ah."natatawang wika ni, Schylr

"Anong smooth dun? Sinagot ko lang naman ng totoo ang tanong niya."naka-ngusong wika ni, Khara rito

"Hindi din naman kayo mag-tatagal."ismid ni, Sy na ikinakaba ko dahil baka narinig ni, Khara pero mukhang hindi naman na siyang ikinahinga ko ng maluwag

"Mahilig ba kayong mag-kakaibigan sa tagong lugar?"tanong ko rito ng mapansing papunta kami sa likod ng isang building at wala na kaming ibang estudyanteng makita

"Hindi. Pero mahilig kami sa mapuno at tahimik na lugar."tugon nito naikinatango ko naman

Pag-dating namin sa likod ay may dalawang taong naka-talikod ang nadatnan namin isang babae at lalaki

To Another World (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon