Chapter 38

65 3 0
                                    

Chapter 38

Sa malayong lugar sa isang Isla kung saan ikinilong ang mga itim na mangkukulam ang mga masasamang mamayan ng Regal kung saan kahit anong mahika o kapangyarihan ay hindi mo magagamit

Ngunit may mga biniyayaan ng kapangyarihan na kaya pa rin itong gamitin kahit nasa lugar sila kung saan walang kahit sinong makakagamit ng kakayahan nila. Ang Islang kahinaan ng Regal na may basbas ng kanilang pinakatataas

"Mga hangal!"puno ng galit nitong sigaw sakanyang tagasunod kasabay ng paghagis ng mga ito sa ere "Ang simple simple lang ng pinapagawa ko sainyo pumalpak pa kayo!hindi niyo pa magawa ng maayos!"puno ng insultong wika nito wala ng nag-salita sakanila at hinayaan ang pinuno nilang ilabas lahat sakanila ang galit nito

"Siguraduhin niyong hindi kayo mauunahan ng mga studyanteng mga yun lalo na't nasa atin na ang katawang tao ng itinakda at sa oras na mabigo kayong muli ni isa sa pamilya at minamahal niyo wala akong ititira."seryosong wika nito wala na silang nagawa kung hindi yumuko  na lang dahil alam nilang hindi ito nagbibiro at tototohanin ang sinabi

"Umalis na kayo bago ko pa kayo tuluyang paslangin!'dumagundong ang nakakatakot nitong tinig sa silid kung nasaan sila. Nag bigay galang muna ang mga ito bago sila umalis sa lugar

Nang maiwan ito biglang sumilay ang nakakakilabot nitong ngiti ng matanaw mula sa kinataatayuan niya ang isang kulungan kung saan kasalukuyang nakakulong si, Khara naka kadena ang dalawang kamay nito sa taas ng kanyang ulo pati ang dalawang paa nito ay naka kadena rin

"Panginoon ko."agad itong napalingon at napangiti ng makita kung sino ang dumating

"Narito kana pala. Ano ng kaganapan sa Academia ng Regal?"tanong nito saka naupo sa nagsisilbing trono nito

"Unti-unti na silang nasisira tulad ng gusto niyong mangyari Panginoon ko,"nakangiting sambit nito dahilan para dumagundong ang nakakakilabot nitong halakhak "Balisa na rin sila sa paghahanap sakanya."dagdag nito

"Kung ganun sumasang-ayon sa'tin ang pagkakataon."nakangising wika nito

"Hindi pa ba sila naghihinala sayo?"

"Wala silang kaideideyang ako ang Detrumvia Panginoon ko ang iba naming kasamahan ang kanilang pinagduduhan ang hindi nila alam ay ako pala ang kanilang hinahanap na traydor."nakangiting tugon nito

"Mga hangal talaga ang mga taga Regal hindi nila namamalayang pinapaikot na pala sila."nakangising wika nito

"Kaya kayo ang nararapat na mamuno sa buong Regal Panginoon ko."nakangiting wika nito na ikinangiti rin ng panginoon nito

"Bumalik kana sa Regal Academy dahil baka pag-dudahan nila ang bigla mong pagkawala."utos nito

"Masusunod Panginoon ko."mabilis nitong tugon saka nagbigay galang bago umalis

"Konting panahon na lang mapapasa kamay ko na ang kabuuan ng Regal."ngiting ngiting wika nito saka tumawa ng mag-isa na tila siyang siya ito

"Tulad ng napag-usapan sa oras makuha niyo na ang AthSi ay dumiretso kayo sa lugar na napag-usapan natin bago tuluyang mawala ang liwanag sa kalangitan dapat naroon na kayo."seryosong wika ni, Brazen sapat na ang boses nito para marinig silang lahat

"Kuya hayaan mo na kaming sumama sainyo, Gusto din naming tumulong."pangungulit ni. Prinsesa Vianney sa kapatid

"Kaya nga Kuya hindi naman kami magpapasagabal sainyo."gatong ni, Prinsesa Xie rito

"Hindi maaari kailangan kayong manatili rito upang ipagtanggol ang Regal kung sakaling may panganib na darating dahil yun ang ating tungkulin."sambit nito saa dalawa "Alam kong kaya niyo na at malalakas kayo kaya sainyo ko iiwan ang kaligtasan ng lahat haabang ginagawa namin ang kailangan naming gawin."dagdag nito saka parehong niyakap ang kapatid

"Pag-balik ko kasama ko na siya... Mabubuo muli tayong pamilya,"mahinang wika nito sa dalawa bago bumitaw sa pagkakayakap nito

"Makakaasa ka, Kuya hindi namin pababayaan ang mga ating mamamayan basta bumalik ka ng ligtas at kasama si, Ate Rara."mahinang wika ni, Prinsesa Xie rito

"Bumalik ka ng kasama ang kakambal ko, Kuya bumalik kayo ng buo."kiming ngiting wika ni, Prinsesa Vianney rito

"Mag-iingat ka alam kong kaya mo ang sarili mo pero hindi ko pa din maiwasang mag-alala sayo,"masuyong wika ni, Kenzo rito habang puno ng pag-iingat nitong hinahaplos ang pisngi ng kasintahan

"Mag-iingat ka rin, Schylr. Mahal na mahal kita."puno ng pagmamahal nitong wika saka pinatakan ng maagan na halik sa labi si, Kenzo saka niyakap ng mahigpit ang kasintahan

Mag kakasama ang The Conqueriois at pangungunahaan ni Sydney at Brazen papunta sa Sylph Kingdom habang kasama naman ni, Dash ang The Nemesis papunta sa Salamander Kingdom. Sila Kenzo at ang groupo ng The Herd pati na rin si, Darvyn ang magkakasama papunta sa Pygmy Kingdom  at ang The Coven nman ang kasaama ni Antonette papunta sa Nymph Kingdom

Mabilis nilang nakuha ang AthSi ni Kaithlyn kaya naman bago tuluyang lumubong ang araw ay kompleto na ang lahat sa napag-usapan nilang lugar sa paanan ng pinaka mataas pinaka mapanganib ang kinakatakutang na kahit sino ay walang nag-tangkang puntahan ang lugar kung matagal ng nag hihintay si, Kaithlyn sakanila

Nababalot ito ng dilim na kahit umaga ay hindi ito nasisinagan ng araw ang tanging maririnig mo lang ay ang nakakatakot na ingay ng mababangis na hayop na namumuhay rito

"sht!"pare pareho silang napasinghal dahil sa biglaang dumagundong ang malakas na angungol ng mabangis na hayop

"Ngayon ko lang napagtanto ang sinabi sa'kin noon ni, Khara,"iiling-iling nitong sambit "Dahil iisa silang dalawa nararamdaman din nito ang nararamdaman ni, Kaithlyn."sambit

"May nabanggit siya tungkol rito?"takang tanong ni, Antonette

"Ang sabi niya napaginipan niyang na nasa madilim at wala siyang ibang makita at kahit anong paghingi niya ng tulong walang dumating,"pagkwento nito "Takot na takot daw siya dahil mag-isa lang siya sa madilim na lugar na yun."malungkot nitong dagdag

"Sa tagal niyang nakakulong sa ganitong lugar hindi na ako mag-tataka kung bakit?Tulad ng dati kahit nahihirapan siya handa siyang gawin at isakripisyo lahat para sa kapakanan ng lahat."mahinang wika ni, Antonette

"Sana dumating ang araw na puno ng pag-mamahal at saya ang bawat araw niya sa dami ng hirap na pibag-daanan niya.'hiling nito

"Pag-tapos ng lahat ng to' papasiyahin natin siya bawat araw tayong babawi sakanya."sabat n, Kenzo saka pinagsiklop nito ang kamay nilang magkasintahan

"Tama ka pag-ayos na lahat babawi tayo sakanya tiping makakalimutan nito lahat ng masasama at masasakit na alaala at puro masayang alaala na lang ang nasa isip inya." nakangiting sambit nito

"Konting tiis na lang Mahal ko hmalapit na kami papunta sayo konting hintay na lang magkakasama na muli tayo. Hindi kana muling mag-isa."wika ni, Dash sakanyang isip habang nakatanaw sa pinakatuktok ng kanilang pupuntahan kung nasaan ang babaeng mahal niya.....

To Another World (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon