Chapter 34
"May nangyari ba sainyo?"nag-tatakang tanong ni, Darvyn sa mga ito ng mapansing hindi nag-uusap sila Brazen, Sy, Dash at Kenzo at ramdam din nito ang bigat sa pagitan nila
"Ayos lang sila."naka-ngiting wika ni, Antonette rito ngunit bakas sa mata nitong pati siya ay hindi sigurado
"Ano bang nangyayari sainyo?Nag-away kayo?"tanong ni, Khara habang palipat lipat ng tingin nito sa apat
"Dash!"tawag ni, Khara rito ng walang sumagot sakanya
"Don't mind us, Khara."pilit ngiting wika ni, Dash rito saka medyo nilayo ang kasintahan kay, Brazen at Sy ng mapansing malapit ito sakanya
"Ano ba kasi talagang nangyayari?"naguguluhang tanong nito "May meeting ulit kayo mamaya diba? Sa tingin niyo hindi mapapansin ng iba ang tension sa pagitan niyo? Hindi sila mag-tataka o mag-tatanong?"dagdag nito saka napa-buntong hininga
"Alam niyo naman na kahit konting pag-babago lang silang mapansin sainyo ay pwedeng maka-apekto sa lahat dahil sabihin niyo naman o hindi groupo niyo ang nag lelead sa iba pang-groupo."lintaya nito
" Hindi pwedeng pati ang groupo niyo ay pagdudahan nila dahil sa ikinikilos o inaasta niyo, dahil pag nangyari yun ano na lang mangyayari? Sino ng maglelead sakanila?"masuyong sambit nito
"This matter is only between our group member not with everyone."walang ganang tugon ni, Sydney rito halata sa mga matang umiyak ito at kulang sa tulog
Napa-titig na lang si Khara rito pinag-iisipan kung magsasabi pa ba ito ng opinion niya o hayaan na lang dahil wala naman siyang kinalaman sakanila
"Kung ano man ang problema niyo isantabi niyo muna, nandyan na sila." walang emosyong wika ni, Darvyn sakanila saka ito na ang nag-lakad papunta sa pinto para bukas para makapasok sila
Nagkanyang kayang upo ang bawat isa kasama ang kani-kanilang groupo
"Antonette..."mahinang pag-tawag ni, Khara rito matapos itong tumabi sakanya
"Bakit?"nag-tatakang tanong nito
"Diba may kakayahan kang mag-basa ng isip? Bakit hindi mo subukang basahin isip nila para malaman kung nandito ba yung sinasabi ni, Kataleya na Detrumvia,"mahinang wika nito sapat na para tanging si, Antonette lang ang makarinig maliban kay Blaster na kahit sobrang hina ng pag-kakasabi nito ay malinaw pa din ito sa pandinig niya dahil sa kakayahan niya
"Antonette!"parehong napa-ayos ang dalawa ng biglang tawagin ni, Brazen si, Antonette
"Bakit?" Tanong nito habang si, Khara naman ay pumunta na sa tabi ni, Dash dahil napansin nito ang tingin sakanya
"Anong pinag-uusapan niyo?"mahinang tanong ni, Dash rito ng maupo ito sa tabi niya
"Wala naman."naka-ngiting sagot ni, Khara rito saka umayos at masinsinang nakinig sa mga sinasabi ni, Brazen para sa gagawin
Napa-iling na lang si, Dash saka hindi na ulit nag-tanong at nag-focus sa gagawin nilang hakbang
Mag-isa lamang siya habang nasa tuktok ng isang building sa Academia kung saan nakikita nito lahat
"Wala palang pinag-kaiba ang mundo nila sa mundong kinalakihan ko maliban sa pagkakaroong ng kapangyarihan.... Kapangyarihan..."mahinang wika nito saka napa-buntong hininga
"Bakit may mga taong hindi na lang makontento sa kakayahang meron sila? Bakit kailangan pa nilang manakit? Bakit kailangan pa nilang maging masama?"mahinang tanong ni sa sarili walang habang tanaw sa isang direksiyon kung saan natatanaw niya ang tila Isla na madilim ang kalangitan
Sa hindi malamang dahilan ay tila pamilyar siya sa lugar at minsan na din nitong napuntahan pero impossibleng mangyari iyon dahil wala itong maalalang ganung pangyayari
"Dahil may mga taong ganid sa kapangyarihan, Khara."hindi na ito nagulat ng marinig ang boses ni, Darvyn dahil kanina pa nito nararamdaman na hindi naman siya mag-isa
"Tulad sa mundo ng tao na may ganid sa pera ganito rin dito."dagdag nito
"Pero hindi ganitong mundo ang gusto ko... Hindi ganitong mundo ang pinangarap ko..."mahinang wika nito
"Mahirap bang makuha ang kapayapaan at tahimik na mundong gusto ko... "muling sambit nito
"Hindi naman dahil minsan na ding nag-karoon ng kapayapaan at katahimikan ang Regal."tugon ni, Darvyn rito
"Pero kailangan ba talagang may mag-sakripisyo para makamit ang kapayapaan at katahimikan na gusto natin?"tanong nito saka tuluyan ng hinarap si, Darvyn
"Ayaw kong maulit ang nangyari sa unang minahal ni, Dash ayaw kong masaktan ulit siya... "may namumuong luhang ngiting sambit nito
"Hindi naman mangyayari yun, Khara dahil hindi namin hahayaang makuha ka nila," masuyong sambit ni, Darvyn rito saka nag-lakad palapit rito
"Hindi mo kailangan isakripisyo ang sarili mo para lang makuha ulit ang kapayapaan at katahimikan ng Regal dahil may iba pang paraan pa naman... madami pang paraan.."dagdag nito saka masuyong pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ni, Khara
"N-Natatakot ako, Yvkiasha.."mahinang pag-amin nito
"Bakit? Sabihin mo sa'kin, Khara..." Masuyong sambit nito
"Isang panaginip..."mahinang panimula nito "Sobrang dilim.... wala akong makita ang dilim dilim ng paligid ko... mag-isa lang ako...
"W-wala akong magawa para maka-alis sa madilim na lugar na yun... kahit anong sigaw ko ng tulong walang dumarating..."nakagat na lang nito ang ibabang labing nangangatal sa Kaba at takot dahil muling bumalik sa isip nito ang napanaginipan niya na tila totoong totoo
"T-takot na takot ako, Yvkiasha mag-isa lang ako... "mahigpit nitong niyakap ang kaibigan
" Shhh.... Hindi mangyayari yun, Khara dahil kahit anong mangyari hindi ka namin pababayaan... Na kahit nasaan ka pupuntahan ka namin.. "masuyong sambit ni, Darvyn rito habang pinapakalma ang kaibigan
"Alam mo ba ang tungkol sa propesiya ng kambal? Ang liwanag at dilim?"tanong ni, Khara rito
"Anong tungkol sakanila?"nag-tatakang tanong ni, Darvyn rito dahil sa pagkaka-alala nito ay wala silang binanggit na tungkol ruon
"Na ang talagang liwanag ay napunta sa kadiliman dahil sa labis siyang nasaktan sa pagkawala ng pinakamamahal niyang kakambal? Na hindi naman mangyayari ang propesiya tungkol sakanila kung hindi sila pinag-layo.."bakas ang gulat sa mga mata ni, Darvyn habang naka-titig kay, Khara
"P-Paano mo nalaman ang tungkol dyan?"gulat na tanong ni, Darvyn rito
" Hindi ko alam... Hindi ko maalala kung saan ko narinig ang tungkol roon."sagot nito "Alam mo ba ang kwentong iyon, Yvkiasha?"nag-tatakang tanong nito
" Hindi lamang iyon isang kwento, Khara dahil totoong nangyari iyon."tugon nito
" Si, Prinsesa Vianney at Kaithlyn ang kambal na binanggit mo..."dagdag nito
"Oh?! Akala ko isa lamang yung lumang kwento na naririnig ko noong bata ako.. "sambit nito "Tama! Narinig ko ang tungkol duon sa mga kwento ni, Mama."sambit nito ng may maalala
" Ang iyong Ina?"nag-tatakang tanong ni, Darvyn rito "Paano niya nalaman ang tungkol ruon samantalang isa lamang ordinaryong tao,"naguguluhang dagdag nito
"Sa isang libro, may libro si, Mama tungkol ruon baka nag-kataon lang dahil sa pagkakatanda ko hindi naging maganda ang Wakas ng kwentong iyon."sambit nito
" Hindi maganda ang wakas?"nag-tatakang tanong nito
" Oo dahil ang naging wakas noon dahil nanaig ang kasamaan sa kabutihan... Yun na lang naaalala ko sa kwento eh."tugon nito
Tumango na lang si, Darvyn rito at hindi na ulit nag-tanong hindi nito alam kung bakit tila nakaramdam ito ng takot at Kaba sakanyang puso sa narinig dahil maaaring dumating ang araw na mangyari nga iyon sa Regal...
BINABASA MO ANG
To Another World (🌹)
FantasyMystical Regal Academy Book 3 When there met in another world..... What if fate plays with their lives.. What if the old trust turns to doubt... What if former friends or allies become enemies.. What if the old feeling of happiness is replaced b...