Chapter 26

65 1 0
                                    

Chapter 26

"Kehlane, ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"nag-aalalang tanong ni, Saoirse ng makita ang kaibigan

Tila wala sa sarili at walang tigil sa pag-tulo ang luha nito

"S-Si, Kataleya..."puno ng pag-alala, takot, paninisi ang mga mata nito

"Anong nangyari kay, Kataleya?"tanong ni, Kapheir pati ito ay hindi na din mapigilan ang pag-aalala dahil sa inaakto ng kaibigan

"T-tulungan niyo ang kapatid ko..."hinawakan ni, Kallista ang nanginginig na kamay ng kaibigan habang hinahaplos ito upang kumalma

"Huminahon ka, Kehlane. Hindi ka namin matutulungan kung hindi mo sasabihin sa'min ang nangyari."masuyong sambit nito

"M-may kumuhang mga naka-itim na kapa sakanya sinubukan ko silang sundan para iligtas ang kapatid ko p-pero bigla na lang silang nawala."kwento nito

" Naka-itim na kapa?"pag-uulit ni, Azariana rito saka sila nag-katinginang lima mukhang pare-parehong nasa isip nila ang Black Raven ang may gawa ng pag-kuha kay, Kehlane

"Bakit nila kukunin ang kapatid mo?"nag-tatakang tanong ni, Eumie Anong mapapala ng Black Raven sa mga mortal na tao?

Halata ang pag-dadalawang isip sa mga mata nito kung sasagutin ba ang tanong nito sakanya

"Mag-tiwala ka sa'min, Kataleya kailangan mo sabihin sa'min ang dahilan para mas malinawan kami at alam namin kung pano ka namin matutulungan."kalmadong turan ni, Saoirse rito habang may masuyong ngiti sa kaibigan

"Aksidenteng nagamit ni, Kehlane ang mahika niya dahilan para maramdaman ng kung sino man ang kapangyarihan niya..."mahinang wika nito habang naka-yuko

Bakas ang gulat sa mata ng lima dahil sa nalaman ang ibig lang sabihin nito ay hindi sila mga mortal na tao kagaya ng inaakala nila

"Anong mahika? Anong ibig mong sabihin, Kataleya?"nag-aalalang tanong ni, Eumie rito

"Alam kong mahirap paniwalaan o baka iniisip niyong nababaliw na ako pero Isa kaming witch... O mas kilala sa mundo namin bilang Black Witch pero maniwala kayo hindi kami masamang tao."mabilis na paliwanag nito

"Hindi naman lahat ng Black Witch ay masama hindi ba?"mahinang wika nito habang puno ng pangungusap sa mga mata nito na tila ba umaasa itong paniwalaan siya ng mga ito

"Paanong nakarating sa mundo ng mga mortal na tao ang kagaya niyong Black Witch samantalang naka-kulong kayo sa VK Island?"Hindi makapaniwalang sambit ni, Azariana

"A-Ano...?"Hindi makapaniwalang bulalas ni, Kataleya ng marinig ang sinabi ng kaibigan "P-paano mo nalaman ang tungkol sa VK Island?"mabilis ang kabog ng dibdib nito dahil sa Kaba at takot

Takot na baka ibalik na naman sila sa lugar na yun

"Dahil galing kami sa Regal, Kataleya.. "tugon ni, Azariana

"Paano kayo napunta rito, Kataleya?"tanong ni, Kallista rito

"Huwag kang mag-alala dahil naniniwala kami sainyong mababait kayo, Alam naming hindi lahat ng Black Witch ay masama."naka-ngiting wika ni, Saoirse

"Salamat... "Kiming ngiting wika ni, Kataleya rito "Hindi gaanong kalinaw sa ala-ala ko ang nangyari pero may tumulong sa'min noon at pinalaya kami,"panimula nito

"Dahil pareho ng wala ang magulang namin ni, Kehlane at wala na din kaming lugar na alam naming tutuluyan ay kung saan saan na lang kami natutulog tuwing pagsapit ng gabi hanggang sa may lumapit sa'ming babae at dinala kami rito sa mundo ng tao.."tuloy nito

"Ng makita kami ng magulang ni, Ate Khara kinupkop nila kami at inalagaan ng walang pag-aalinlangan. Minahal nila kami na para bang tunay nilang pamilya na kadugo nila."napa-ngiti na lang ito ng maalala ang kabaitan sakanila ng magulang ni, Khara

To Another World (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon