Chapter 11

77 1 0
                                    

Chapter 11

Ryxia POV

"Bakit kailangan pa nating gawin to'." may pagkairitang sambit ni, Seika

"Kasi sinabi ng Nakatataas?" takang sagot ni, Bertram sakanya, masama ang tinging nilingon ito ni, Seika

"Manahimik kana lang, Ram kung gusto mo pang bumalik sa Academia ng buhay." natatawang wika sakanya ni, Egon

"Hindi naman ganun kasama ang mission sa'tin."sambit ni, Blaster na nasa tabi ko saka inakbayan ako

"Saka isipin na lang natin yung aral na mapupulut natin dito." dagdag niya napa ngiti na lang

"Sana mahanap na natin agad yung hinahanap natin para matapos na."turan ni, Wave katabi nito si, Aiden na tahimik lang habang iginagala ang buong tingin sa kapaligiran

"Pano ba natin malalaman kung nahanap na natin?" kamot batok na tanong ni, Caleb

"Ni wala tayong ideya kung anong hinahanap natin, kung tao ba o bagay yan pwede din namang hayop." dagdag nito

" Ayon kay, Mr. William malalaman na lang natin sa oras na nahanap natin."sabat ni, Ciaran

"Pano nga natin mahahanap kung hindi natin alam kung ano Yun."reklamo ni, Caleb

"Pwede bang manahimik kayo? Hindi nakakatulong pagiging bobo niyo."singhal ni, Seika sakanila

"Basta ako Ieenjoy ko ang stay ko rito magaganda naman ang mga babae rito." naka ngising wika ni, Blaze na ikingiwi ko

Nung una ay akala ko sila ni, Seika ang mag kakatuluyan ngunit mali pala ako

"Pumunta na lang muna tayo sa kanya kanya naging silid paaralan rito, lalo na't malapit nang mag simula ang unang klase." malumanay na wika ko sakanila

Mag kakahiwalay kasi kami ng room dahil siguradong mag tataka ang mga studyante kung bakit ang dami naming transferre at sa iisang room lang kami nilagay

"Mabuti pa nga bago pa kayo mag kapikunan." sang ayon ni, Aiden saka nauna ng umalis

" Tignan mo yun ang sabi pumunta na tayo sa kanya kanya nating room hindi mang-iiwan."reklamo ni, Bertram kung hindi ako nag kakamali ay pareho sila ni, Aiden kung nasaang room sila

"Ryxia, halikana." masungit na wika ni, Seika

"Una na kami, magkita kita na lang ulit tayo mamaya." naka ngiting wika ko kay, Blaster saka humalik sa pisngi nito bago lumapit kay, Seika

"Mag iingat kayo." tumango na lang ako sa sinabi ni, Blaster

"Kita kita na lang tayong mamaya lahat." wika ni, Wave saka kami umalis

Kaming tatlo ang mag kakasama habang sila, Blaze, Blaster at Egon naman

Habang si, Caleb at Ciaran ang magkasama sa ganitong paraan namin naisip na mapapa dali ang pag hahanap namin

Hindi na lang namin pinansin ang mga tingin ng mga taong nadadaan namin habang papunta sa room

Kumusta na kaya ang iba? May nahanap na kaya silang palatandaan sa kailangan naming mahanap?

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay tila may hindi sinasabi sa'min ang nakakataas

Pag kapasok namin sa loob ay natahimik ang mga nandito. Hindi ko alam kung bakit

"Sila yung sobrang late na nag transfer diba?"

"Ang ganda nung dalawa may itsura din ang kasama nilang lalaki"

"Mukhang may mga lahi ang kikinis at ang puputi nila"

"Parang ang sungit nung isa"

To Another World (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon