Chapter 27

63 1 0
                                    

Chapter 27

"May liham na dumating mula kay, Mr. William."seryosong turan ni, Brazen sa lahat

"Tungkol saan? Hindi bat bumalik na ang groupo ng Conqueriois sa Academia?"nag-tatakang tanong ni, Aiden rito

"Pinapabalik na tayong lahat."tugon nito

"Hala bakit?"

"Bigo ba tayo sa mission natin"

"Hindi pa natin tapos ang misyon bakit babalik na agad?"

"May nangyari ba sa Academia kaya tayo pinapabalik?"

Halos sunod sunod na ang mga tanong na hindi nito magawang masagot dahil sunod sunod sila sa pag-sasalita at sa bulungan

"Shut up everyone!"automatikong tumahimik ang buong paligid dahil sa sigaw ni, Sydney kunot na kunot ang noo nito

"Tatahimik din pala kayo eh." Singhal nito saka napa-irap na lang at bumalik sa pag-kakaupo nito

"Walang sinabing dahilan si, Mr. William kung bakit kailangan na nating bumalik dahil tulad ng nauna ay inutos ito ng mas nakakataas sakanya."paliwanag nito

"Ngunit wala din naman itong nabanggit na nabigo tayo sa ating mission maaaring nahanap na pala natin ngunit hindi lang natin alam."dagdag nito

" At kailangan na ding malaman ang dahilan kung bakit minsan ay nag-babago ang desenyo at kulay ng Blue Heart Crystal."imporma nito

"Yun lang simulan niyo na ulit na isaayos ang gamit niyo at huwag mag-iiwan ng kahit anong palatandaan tungkol sainyo."sambit nito bago nito tinalikuran ang lahat at pumunta sa sariling silid

"Saan ka pupunta, Dash?"agad na pigil ni, Antonette rito ng tumayo ito at tila nag-babalak umalis

"Ayaw kong umalis ng may pag-sisisi at katanungan sa isip ko, Antonette. Gusto kong makita at maka-usap ulit si, Khara kahit sa huling pagkakataon na lang."paliwanag nito

Napa-buntong hininga na lang si, Antonette at binitiwan mula sa pag kakahawak nito sa braso ni, Dash para hayaan itong maka-alis

"Baka mamaya hindi na bumalik si, Dash dahil sa babaeng mortal na yun."kunot noong turan ni, Sy

"May isang salita si, Dash alam kong hindi niya sisirain yun."naka-ngiting wika ni, Antonette sakanya

"Nakita niyo ba si, Darvyn?"parehong napalingon ang dalawa kay, Death bakas ang pag-alala sa mga mata nito

"Nandito lang siya kanina ah baka pumunta na sa sariling silid para mag-ayos."sagot ni, Antonette rito ngunit umiling si, Death rito para sabihing wala siya ruon

"Hinanap ko na siya kahit saan ngunit hindi ko siya makita may alam ba kayong lugar na pwede niyang puntahan?"tanong nito

Lihim na napamura na lang sa isip si, Antonette ganun din si, Kenzo ng parehong pumasok sa isip nila ang lalaking nag-ngangalang Tiberius

"Wala eh."pag-sisinungaling ni, Antonette rito at tila kinakabahang ngumiti ito bago nito tinalikuran si, Death at hinawakan sa braso si, Kenzo at hinila palabas ng mansion

"Bakit ba nawala sa isip natin na pwede niyang balikan ang lalaking yun kahit pa sabihin nating hindi na siya kilala nito."tila problemadong wika ni, Antonette

"Baka may naisip ng paraan si, Darvyn para maalala ulit siya ng lalaking mahal."hindi siguradong sambit ni, Kenzo sakanya saka hinawakan ang kamay ng kasintahan para pakalmahin

"Anong mangyayari pag yung lalaking yun nga ang lalaking unang minahal ni, Darvyn pano si, Death?"nag-aalalang tanong nito..

"Ano na naman bang ginagawa mo rito? Ilang ulit ko ng sinabi sayong hindi kita kilala at malabong ako yung lalaking tinutukoy mo dahil hindi naman ako nagka-amnesia."agad na turan ni, Tiberius ng makita na naman si, Darvyn at halatang hinihintay siya

Hindi nito maintindihan ang babae dahil pinag pipilitan niyang siya raw ang lalaking mahal niya na akala niya ay nasawi sa digmaan noon nakaraang taon

"Aalis na kami... babalik na kami sa Regal kung saan naman talaga dapat tayo. Sumama ka sa'min, Tiberius b-baka pag-bumalik ka sa mundo natin maalala mo ulit ako."paki-usap ni, Darvyn rito habang mahigpit ang hawak sa kamay ng lalaki

"Hindi kita maintindihan. Hindi ko alam kung saan yang lugar na tinutukoy pero hindi ako sasama sa taong hindi ko naman kilala."pilit nitong binabawi ang kamay niya ngunit humigpit pa lalo ang hawak ni, Darvyn na para bang ayaw niyang pakawalan ito

"Sumama ka sa'kin, Tiberius. Yun na lang ang alam kong paraan para bumalik ang ala-ala mo. Para maalala mo ulit ako ang ala-ala nating mag-kasama... Kung gaano nating kamahal ang isa't isa."paki-usap ni, Darvyn dito

"Tulad ng sinabi ko Hindi ako samama sa taong hindi ko kilala. Pwede ba tigilan mo na ako habang maganda pa ang trato ko sayo pasalamat ka dahil kaibigan ka ni, Khara dahil kung hindi baka kung ano na ang nagawa ko sayo."seryosong turan ni, Tiberius rito saka nito tinalikuran si, Darvyn at iniwan

Wala ng nagawa si, Darvyn kung hindi panoorin ang papalayong bulto nito habang tila unti unting nadudurog mula ang puso niya

Muling bumalik ang sakit sa dibdib niya ng bumalik sa ala-ala nito ng malamang napatay ang lalaking mahal niya sa digmaan

"Nasaan si, Tiberius? Hindi ko ata siya nakikita."takang tanong ni, Darvyn sa isa sa kaibigan ng kasintahan sila ang madalas kasama ng kasintahan niya pag-hindi sila mag-kasama

"Hindi mo ba alam?"nag-tatakang umiling ito

"Hindi alam ang alin?"

"Isinama siya ni, Prinsesa Vianney sa digmaan sa pagitan nila ng Mystical Regal Academy at nasawi ruon si, Tiberius."tila tumigil ang pag-ikot ng mundo nito at wala na itong marinig

Paulit ulit na nag-echo sa isip niya ang sinabi nito sakanya. Hindi na nito namalayang napaluhod na ito habang walang tigil ang pag -tangis nito sa kasintahan

Puno ng sakit, lungkot at galit ang pag-hagulgol nito. Bawat hikbi ay mararamdaman mo ang sakit ng nawalan

"Darvyn..."nagising ito mula sa pag-babalik tanaw ng maramdaman nitong may yumakap sakanya

"Antonette?"gulat nitong usal ng makilala ang kaibigan

"Magiging maayos din ang lahat sigurado naman akong kung siya man ang lalaking mahal mo at talagang kayo ang para sa isa't isa siguradong gagawa ng paraan anf nakakataas para maalala ka niya at mag-kita ulit kayong dalawa."masuyo ang ngiting wika nito dahilan para kahit papaano ay napa-ngiti na rin nito ang kaibigan

"Tara na kailangan pa nating mag-ayos ng gamit." Aya ni, Kenzo sakanila hindi na nagulat si, Darvyn na nandito din si, Kenzo dahil hindi mo ipaghiwalay ang dalawa

"Darvyn, hinahanap ka nga pala ni, Death."natigil ito sa sinabi ni, Kenzo ngayon niya lang naalalang may kasintahan na pala ito

"Kakausapin ko na lang siya mamaya."sambit nito, Bakit nawala sa isip niya ang sarili niyang kasintahan?

"Kung hindi mo mamasamain, Darvyn pwede bang mag-tanong?"nag-aalangang tanong ni, Kenzo sakanya

Kahit nag-tataka ito sa inaasta niya ay pumayag pa din siya

"Minahal mo ba si, Death? Kasi diba kung mahal mo siya kahit pa na makita mo yung lalaking una mong minahal hindi mo siya makakalimutin at hindi ka mag-hahabol sa lalaking wala namang pakialam sayo."tila may sumaksak ng punyal sa puso nito at sapul na sapul sa sinabi ni, Kenzo

"Ano ka ba, Schylr hayaan mo muna si, Darvyn."sita ni, Antonette rito

"Nag-aalalang naman ako para sakanya—sakanila."naka-ngusong dahilan ni, Kenzo rito

" Huwag mo na lang pansinin yung mga sinabi ni, Schylr ah."pilit ngiting sambit ni, Antonette rito saka hinila na nito si, Kenzo paalis kaya naiwan na lang siyang mag-isa at malalim ang iniisip

Napahawak na lang ito sa dibdib kung nasaan ang puso nito para pakiramdam dahil sa tanong ni, Kenzo ay napa-isip ito at napatanong sa sarili

"Minahal ko ba si, Death?"   Alam nitong Oo ang sagot sa tanong. Sigurado itong minahal niya si Death pero ngayong nakita na ulit niya ang lalaking una niyang minahal parang mawala lahat sa isip niya

Hindi na nito maintindihan ang sariling nararamdaman, Hindi nito alam kung ano ba at kung sino ba ang nilalaman ng puso nito

Mahal niya si, Death pero mahal niya din si, Tiberius...

To Another World (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon