Adira's POV:
Oo, Adira, impossible talaga 'yon. Bumuntong hininga na lamang ako bago sumunod. Huminto lang kami sa tapat na naman ng isang Gate.
Paulit-ulit kong sinipat ang relo. "Ed, call Armando Morales." Rinig kong aniya habang nakahawak sa tenga niya at parang may kinakausap dito. Matapos lang ng ilang minuto ay may narinig akong tunog ng pagbukas ng speaker at may nagsalita roon.
"Attention to Mr. Armando Morales, you have a visitor. Please proceed at Gate 2 Han Purple." My mouth formed 'O'. Sa school namin pag may bisita ay pupuntahan lang sa room at ie-excuse, pero dito nakaspeaker pa.
Ganda.
"...again, attention to Mr. Armando Morales you have a visitor. Please proceed at Gate 2 Han Purple." Pagkatapos ulitin ng nag salita ay pumatay na ang speaker at higit limang minuto lang ang lumipas nang bumukas ang tarangkahan at nilabas na nga ang taong hinahanap ko.
"Huy, panget! Bakit lumabas ka sa lungga mo?" Ay! Kay gandang pambungad, oh.
"Ay unggoy ka. Bakit ulyanin ka na, ha!" Pabalik kong insulto sa kanya kaya naman ngayon ay kunot na kunot ang noo niya na siyang dahilan ng pagdiwang ng kaloob-looban ko.
"Anong unggoy ka diyan? Tsaka hindi ako ulyanin! Mukha ba akong matanda, ha!" Napaatras naman ako ng isang beses at napangiwi.
Tingnan mo 'tong lalaking 'to ang lapit-lapit na namin sa isa't-isa pero parang isang kilometro ang layo namin pag nag-uusap. "Bakit ka ba naninigaw, ha!" asik ko pabalik.
"E, bakit ka ba pumunta dito?! Bawal panget dito!"
"E, bakit nandito ka pa kung mas panget ka pa sa unggoy!"
"Hoy! Baka gusto mong isumbong kita kina mama!" Humalukipkip ako't tiningnan siya. "Ano namang isusumbong mo?" Sa buwang ito ay mukhang maganda naman ang records ko at walang problema kaya wala siyang masu-sumbong na kahit ano.
"N-na... na..." Napakamot siya sa batok at animo'y nag-iisip ng 'isusumbong' daw niya. "Na linandi mo si Xavier!" Bumulusok ang kalmado kong dugo papuntang ulo ko. Binato ko ang baon niya at gulat naman niyang sinalo ito.
"Nakakainis ka! Hinding-hindi ko 'yon gagawin! No! Never!" Sa sobrang galit ay parang sasabog ako ng wala sa oras, pero itong kaharap ko ay mukhang nanalo sa lotto.
"Sige hindi ko sasabihin... basta sabihin mo munang ang gwapo ng kuya ko." Napangiwi ako ng sobra.
"Ew! No!" ani ko at padabog na tumalikod. "Oy! wala bang ba-bye diyan para sa nagbubukod tanging gwapo mong kuya?" Liningon ko siya at binigay ang nakakamatay kong tingin.
"Baka kamo sa balat mong puro galis! Sa mukha mong pinaglihi sa unggoy at sa katawan mong patpatin! Ble!" sabi ko at binelatan siya bago patakbong umalis doon bago pa isiping habulin ako ni kuya at baka ilibing na ako ng buhay sa ilalim ng lupa dahil sa mga sinabi ko.
Pero syempre hindi totoo iyon. Gwapo si kuya na pasok na pasok sa kahit anong modelling, maganda ang hubog ng katawan, matangkad din at matalino. Sabi nga nila ay perfect package na siya pero hindi lang nila alam na kulang-kulang rin mag-isip at puro kagwapuhan na lang ang laging iniisip.
"Ma'am."
"Ay!" Napahawak ulit ako sa dibdib ko sa sobrang gulat nang sumulpot na naman itong may hawak na record book. Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko ngayon.
Pangalawang beses na.
"Ano?" Mahinahong tanong ko nang makarecover na sa gulat. Sa halip na sagutin ay tingin lang ang iginawad niya sa akin kaya't tumingin na lang ako sa ibang direksyon dahil nakakaramdam na ako ng pagka-ilang.
Muling napunta sa kanya ang tingin ko nang bigla siyang tumalikod at naglakad paalis na siyang nakapagpa-init ng ulo ko.
Ano? Ganon na 'yon? Tinawag niya lang ako para sa wala? "Hoy!" Hindi ko na napigilan ang nagngangalit kong bibig at 'di na namalayang tinawag siya
Huminto naman siya sa paglalakad at nang sandaling humarap siya sa akin ay siya na namang pagbilis ng puso ko sa hindi malamang dahilan kasabay nang pagtindig ng balahibo ko sa batok.
Pangalawang beses na rin... umilaw ulit mata niya... kulay pulang mga mata.
Maligno ba siya?
---
"Adira!"
"Ay, maligno!" Sa sobrang gulat ko ay ito na ang lumabas sa bibig ko. Tiningnan ko naman nang masama si Arianne na nakapamaywang sa harap ko.
"Girl! Sa ganda kong ito tatawagin mo akong maligno?" aniya na parang sinabihan ng pinakama-insultong salita sa tanang buhay niya.
No wonder why I find my brother and her, matching. Parehong mataas ang tingin sa sarili. "Ba't ka ba naman kasi sumisigaw?" Isa rin tong babaeng to, mahilig sumigaw kahit ang lapit-lapit ko lang.
Malabo ba mata niya?
"Kasi naman po, kanina pa po ako salita ng salita hindi mo naman na-intindihan...." Talak pa siya nang talak pero hindi ko talaga na-intindihan. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko kanina.
Namamalikmata lang kaya ako? Pero dalawang beses nang nangyari. "...Wait? San ka ba galing kanina. Bakit ngayon ka lang?" tanong niya.
"Sa school ni kuya." Hindi siya umimik at parang naging maamong tupa. Tingnan mo 'to, binanggit ko lang si kuya huminahon na.
Palibhasa kasi ay childhood, elementary, highschool at hanggang ngayon na college na kami ay si kuya pa rin ang crush nito. I wonder if that 'feelings' of her did evolve into something deeper.
Sana lang talaga at hindi. Kawawa 'to kay kuya, e.
"Pasok na nga tayo, tumunog na yung bell." Pagputol niya sa katahimikan at walang pakundangan akong hinatak.
"Ah, Adira." Taka ko siyang tiningnan nang huminto kami kahit wala pa kami sa room namin. "Bakit?"
"Ahm... ano. Pwede ka ba this coming saturday? Try mong magpaalam." Buntong-hininga ako't umiling.
"Alam mong ginawa ko na yan dati pa. Kahit lumuhod ako at buong araw na umiyak ay hindi nila ako pinapayagang lumabas basta-basta ng bahay." Huminga na lang rin siya nang malalim bilang pagsuko kahit na alam kong malungkot siya.
Ako rin naman nalulungkot. Wala kasing ni isang time na pinayagan nila akong gumala kasama ang mga kaibigan ko, minsan pa nga naiinis na ako sa kanila. But knowing them, alam kong para rin na lang ito sa kaligtasan ko.
"Okay," aniya at unang umalis.
Nang nakarating na ako sa room ay kaagad akong naghanap ng upuan malapit sa bintana, gustong-gusto ko kasi na tumingin sa labas lalo na pag may malalim akong iniisip.
Nang magsimula ang klase ay para akong ewan na nakatingin sa labas at animo ay may hinihintay doon. Pero napunta ang atensyon ko sa isang lalaking pagala-gala at tila nagbabantay ng mga estudyanteng pagala-gala rin sa school.
Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko yung lalaking may pulang mata.
Hindi kaya maligno 'yon?
Teka, ano ba 'tong iniisip mo, Adira? Hindi totoo 'yang mga maligno-maligno. Just a piece of trash stories na panakot sa mga bata.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Genre: Fantasy/Adventure
YOU ARE READING
Taken By An Engkanto
FantasyFor Adira Morales, everything seems common in each day passing by, not until something improbable happened. With that, she saw him, and was taken by him. She was taken by an Engkanto.