10. 1

110 3 0
                                    

Adira's POV:

"Fira?"

"Fira!" Napatakip ako sa tainga ko sa tinis ng sigaw ni Gevne. Subalit ng dahil dito ay may isang kulay pulang alitaptap ang papunta sa direksyon namin. Huminto ito sa harap namin saka nagbago ng laki.

Isang babaeng maputla, naka kulay pulang suot, at ang kanyang buhok na itim na may highlight na pula ang lumantad sa harap namin. Nakakatakot ang kanyang mga mata, lalo na ang awra. Hindi basta-basta ang kanyang datingan.

Nagulat ako sa pagtingin sa akin kaya't iniwas ko ang mga mata ko. Ngayon naman ay nakatingin siya sa magkapatid habang naka-krus ang kamay.

"Ang ingay niyo kasi," asik ng tinawag nilang Fira na sumulyap saglit sa sinunog niyang halaman tapos ay sa magkapatid. Pumadyak naman si Gevne sa lupa ng ilang beses at tila inis na inis sa nilalang na nasa harap niya.

"Sinira mo halaman ko! Nagpakahirap akong gawin iyon!" pag-aalboroto ni Gevne habang tinuturo ang halaman niya. Inikutan lang siya ng mata ni Fira bilang sagot.

"Kanina ka pang nandito?" tanong naman ni Gene sa kanya. Parang wala lang sa kanya ang ginawa ni Fira sa puno niya, pero kanina ay halos magpatayan na sila ng kapatid niya dahil sa mga gawa nila.

"Oo. Nasa kabilang puno lang ako nagpapahinga, kaya nga lang ay narindi ako sa away niyong dalawa. Bakit ba kasi dito pa kayo nag-away, ha?" inis niyang tugon.

"E, bakit ka ba kasi dito nagpahinga?! Hindi naman ito pahingaan! Doon ka sa bulaklak mong apoy!" Si Gevne ang nagsalita.

"Bakit ba?! Payapa rito. Pero dumating na naman kayo." Nagkatinginan naman ang magkapatid na tila nag-uusap sa kanilang isip bago muling tinuon ang tingin kay Fira.

"Sinungaling, hindi naman payapa dito. Halos lahat ng engkanto at fariya ay pumupunta rito para magbasbas," ani ni Gevne.

"Mas gusto ko rito," pinal na sagot ng pulang fariya. Pinanood ko lang silang tatlo na mag-usap hanggang sa napunta sa akin ang tingin ni Fira. Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa na parang nangingilatis. Nakaramdam ako ng pagka-ilang sa ginawa niyang iyon.

"Sino siya?" Ngayon ay nasa akin na ang mga mata nila. "Hindi ka taga rito, tama ba ako?" Nababahiran ng pagtataray ang kanyang boses.

Napalunok ako ng isang beses bago nagsalita. "Ako si Adira, mula sa mundo ng mga tao," pakilala ko. Hindi ko alam kung bakit parang naging alerto ang kanyang mga mata sa akin kasabay ng pag-atras niya ng isang beses.

"Huwag kang mag-alala, Fira." May kung anong binulong si Gevne sa kanya at tumango siya sa huli. Pagkatapos ay hinarap ako't nawala na rin ang pagiging alerto niya sa akin.

Kumunnot ang noo ko. "Anong sinabi mo, Gevne?" Ngisi lang ang natanggap ko sa kanya pagkatabi sa akin. Sunod ko namang tiningnan si Fira na ngayon ay yinukos ang kanyang kaliwang binti at hinawakan ang magkabilang lalayan ng kanyang damit sabay yukod sa akin nang mabilis.

"Patawad sa aking inasal, mahal naming prinsesa." Nakakaramdam pa rin ako ng ilang kapag tinawag nila akong prinsesa. Ni hindi nga ako isang dugong bughaw rito at isang hamak na tao lamang.

"A-ayos lang. Pwede rin bang Adira na lang? Hindi ako sanay." Tipid niya lang akong nginitian saka tumango.

"Masusunod, Adira."

"S-salamat." Nauutal ako at nakatingin sa akin si Fira. "Pwede ko bang malaman kung anong fariya ka?" Namangha ako sa mga nilalang na naririto at gusto kong malaman kung anong kaya nilang gawin.

"Ako si Fira. Ang tagapangalaga ng apoy, at ang tagapagtanggol ng mga naaapi." Simpleng pakilala nito. Naghugis bilog naman ang bibig ko.

"Kaya nga mainit ulo. Apoy kasi." Hindi nakatakas sa pandinig ko ang bulong ng katabi ko. Sinulyapan ko saglit si Gevne at pinandilatan ng mata. Baka ay marinig ni Fira ang kanyang sinabi.

Taken By An EngkantoWhere stories live. Discover now