Adira's POV:
"Pasok." Tumalima naman ako't pumasok sa loob. Pagkatapak na pagkatapak ko pa lang sa loob ay ang kisame na ng maliit na bahay ang nakapukaw sa atensiyon ko. Lumilipad na apoy pero wala akong nararamdamang kahit anong init.
"'Yan ang simbolo ko. Lahat ng fariya ay mayroong ganyan sa kanilang tahanan, depende sa kanilang kapangyarihan." Nagpormang bilog ang bibig ko't hindi maalis ang tingin dito. Naalis lang ang atensiyon ko sa apoy na lumilipad nang may lumitaw na matandang babae mula sa madilim na parte.
"Ay!" Napahawak ako sa dibdib ko nang nasa harap ko na siya bigla. Matandang-matanda na siya na sa tingin ko'y higit pa sa ninety and edad? Ang kulay ng buhok niya ay mukhang natural na puti. Hindi ito katulad ng mga kulay puting buhok ng mga matatandang tao, ang kanyang balat naman ay maputla. At ang kanyang mata ay kulay Asul.
"Inang!" Nawala lang ang atensiyon niya sa akin nang lumapit sa kanya si Fira saka siya binigyan ng yakap.
"Kumain ka na ba, Fira?" mahina nitong tanong nang maghiwalay sila ng yakap. Nakita ko namang tumango si Fira bago ako lingunin.
"Inang, si Adira nga po pala. Nagmula sa mundo ng mga tao." Pagpapakilala ni Fira sa akin. Nakaramdam naman ako ng kaunting hiya sa tinatawag niyang 'Inang'.
"Adira?" Tumunghay ako nang banggitin niya ang pangalan ko.
"Bakit po?" magalang kong tanong. Nginitian niya naman ako at sinipat ang kabuoan ko.
"Pasensiya na. Akala ko ay mapanganib ka," tugon niya. Nginitian ko na lang siya ng matamis kahit na hindi ko pa rin mahanap ang eksaktong dahilan kung bakit ganoon ang reaksyon nila sa mga tao,
"Ayos lang po."
"Adira, siya nga pala ang Inang Celesta ko. Ang tumayo kong ina, pwede mo rin siyang tawaging Inang kung gusto mo." Napakurap ako. Hindi pala niya anak si Fira.
"A-ahm. Hi po, Inang Celesta," magalang kong bati kay Inang Celesta. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.
"Adira? Nagugutom ka na ba, Iha?" Tumango ako kay Inang Celesta. Hindi ko kayang itago ang nararamdaman ko, isa na rito ang nararamdmaang gutom. Hindi sapat ang kinain ko kanina para paligayahin ang tiyan kong tila ilang araw nang hindi nakakatanggap ng pagkain.
"Opo."
"Sige. Maiwan ko muna kayong dalawa at magluluto lang ako ng hapunan."
"Opo, Inang," sabay naming sagot ni Fira. Yumukod saglit si Inang Celesta bago kami talikuran. Sinusundan ko pa rin siya ng tingin hangga't sa makarating siya sa madilim na parte.
"Paanong?" Hindi makapaniwalang tanong ko nang mapansin kong pader na iyong madilim na parte. Hindi ako makapaniwala na naglago ang matanda sa parteng walang pinto o lagusan.
"Isa iyon sa kapangyarihan niya."
"Isa? Ibig mo bang sabihin ay may iba pa siyang kapangyarihan?" Napatigil siya bigla na parang may nasabing mali pero kaagad namang nakabawi.
"Oo." Tumalikod na siya sa akin ngayon saka lumapit sa estante na naglalaman ng mga libro. Nagsimula siyang maghaluglog sa mga libro.
"Fira? Isa rin ba sa kapangyarihan mo ang gumawa ng ipo-ipo?" Napatigil siya sa paghahanap saka ako tingnan ng madilim. Napaatras ako ng isang beses sa naramdaman kong takot mula roon.
"Hindi. Natutunan ko lang iyon sa isang kaibigan," mariing sagot niya bago ituloy ang paghahanap.
Sandaling katahimikan ang namayani sa amin nang magtanong ulit ako. Marami akong napansin na kakaiba sa kanya. "Fira? Bakit hindi bulaklak ang bahay mo?" Bigla kong naalala iyong sabi ni Gevne. Bahay raw ni Fira ay apoy na bulaklak, pero bakit mukhang bahay ito ng isang tao.
"Bulaklak ang bahay namin kaya't hindi ko ito tirahan, kay Inang ito. Bumisita lamang ako sa kanya at nandito rin ang kailangan kong libro," sagot niya ng hindi ako pinagtuonang tingnan.
"Fira. Pwede pa ako magtanong?" Nag-aalinlangan akong magtanong nang magtanong at baka mamaya ay naiinis na siya sa akin.
Tumango lang siya bilang sagot. Hindi kaagad ako nagtanong, tiningnan ko siyang may kinuhang isang maliit na kulay itim na libro sa pinakadulo ng estante saka niya ito pinagpagan.
"Pwede rin bang may matutunang bagong kapangyarihan sila Gevne kagaya ng natutunan mo?" Napatigil na naman siya sa pangatlong pagkakataon saka ako tiningnan. Hindi ko napigilang lumunok ng dalawang beses sa sobrang takot ng mga mata niya.
"Hindi pwede. Kung ano ang meron sila, ayun lang ang pwede nilang gamitin."
"B-bakit ikaw, nakagawa ka ng ipo-ipo?" Mariin na siyang nakatitig pero bumuntong hininga rin pagkatapos. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabing upuan.
"Maraming bagay ang kailangang pag-aralan kapag nais mong gumamit ng ibang kakayahan," mahinahong paliwanag niya. Hindi na ako muling nagtanong pa't tiningnan na lang ang librong hawak niya.
"Dito ko nalaman ang ilan sa mga impormasyon ukol sa aming mundo. Ang tungkol sa unang digmaan hangga't sa huli." Inilapag niya na ang libro sa lamesa at bago pa man niya ito buklatin ay hinarap niya ako.
"Ipangako mo, Adira. Lahat ng malalaman mo sa mundong ito ay hindi mo ipagsasabi, gayon din ang pagpadpad mo rito sa bahay ni Inang. Hinding-hindi mo iyon pwedeng ipagsabi kahit kay Prinsipe Gavino o sa dalawang istorbo."
"Bakit naman?"
"Hindi lahat ng nasa paligid mo ay totoo. Hindi kaagad-agad tinatanggal ang maskara, Adira. Lalo na kung ganoon din ang mga nasa paligid mo. Punong-puno ng maskara ang mundong ito, mahirap malaman ang totoong katauhan." Napakurap na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan.
"Pangako." Ibinalik niya muli ang tingin sa libro at binuksan ito. Napalapit na rin ako sa kanya upang tingnan ang libro.
YOU ARE READING
Taken By An Engkanto
FantasyFor Adira Morales, everything seems common in each day passing by, not until something improbable happened. With that, she saw him, and was taken by him. She was taken by an Engkanto.