Adira's POV:
"Nasaan na iyon?" Pagkapalit ko pa lang ibang suotin ay nahuli ko ang pagkahulog ng buto mula sa damit ko. Hindi ko na ito mahanap nang silipin ko ang iilang gilid.
"Adira? Tapos ka na ba?"
"Malapit na!"
"Sige! Hihintay lang ako rito, ha?" Hindi ko na sinagot pa si Gevne na kasulukuyang naghihintay sa akin sa labas at pinagpatuloy ang paghahanap sa buto. Sinabi kong sa labas na siya maghihintay kaya naroroon siya ngayon.
Tiningnan ko na ang gilid ng higaan, ang ilalim ng lamesa at kung saan pang maaaring pinaggulungan nito.
"Adira?" Napangiwi na lang ako sa narinig na katok. Huminga na lamang ako nang malalim pagkatayo.
Mamaya ko na lang hahanapin.
"Tapos ka na-Oh! Bagay pala sa iyo! Sa tingin ko'y kailangan na lang..." May sumunod pa siyang sinabi na hindi ko na halos maintindihan.
Sinulyapan ko na lang ang silid sa huling beses bago sinara ang pinto.
Sana hindi 'yon nawala. Hindi ko pa alam kung para kanino 'yon pero alam kong mahalaga iyon at hindi dapat winawala.
Sinabi ni Fira na hintayin ko, at hihintayin ko talagang mamukadkad iyon para malaman ang totoo.
"Ay, may alam akong magandang puntahan, Adira! Pupunta nga kami roon ni Gene kapag hindi na kami abala. Gusto mo bang sumama?"
Nabalik ako sa kasulukuyan nang maramdaman ko ang kamay ni Gevne sa aking likod. Sinulyapan ko siya, tinuro niya ang gilid ko gamit ang mga mata at nang sulyapan ko iyon ay doon lamang rumehistro sa akin ang gusto niyang sabihin.
Nakatayo sa tapat ng bukas na pinto si Prinsipe Gavino, ganon din si Gene na nasa gilid niya. Habang ang nasa likod nila ay isa mahabang lamesa at mga Fariya na ang iba pa'y nakatingin sa amin.
Nakakahiya.
Nang tingnan ko si Prinsipe Gavino ay may sumilay na maliit na ngiti sa kanyang labi pero kaagad ding nawala. Bumalik lamang sa dating walang masilayang kasiyahan ang kanyang mukha.
Sa kanyang paglapit ay nilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko rito at napatitig na lamang.
Kakaiba na naman ang nararamdaman ko ngayon.
"May karamdaman ka pa rin ba, aking Adira?" Gulat akong nag-angat ng tingin sa kanya.
"W-wala. Ayos lang ako." Saglitan ko lang ding pinakita ang ngiti ko. Tinanggap ko na ang kamay niya at sabay naming tinungo ang lamesa.
Huminto kami sa dulo ng mahabang lamesa, umupo ang prinsipe sa upuang nakapwesto sa gitna habang ako'y nasa gilid niya.
"Magandang umaga, prinsesa." Napatingin ako sa Fariyang katabi ko.
Isang lilang fariya, tuwid siyang naka-upo habang ang kanyang mga kamay ay nakalapag sa kanyang kandungan. Hindi ko siya namumukaan ngunit bumati rin ako pabalik.
Mukha naman siyang mabait.
"Magandang umaga rin." Hindi na siya nagsalita pa, nanatili na ang mata sa harap kung kaya't hindi ko na rin inabala pa.
Mabilis ang pagsulyap na ginawa ko sa ibang naririto. Nahuli ko ang iba na nakatingin sa akin at nang gawaran ko sila ng tingin ay lumihis naman ang kanilang mga mata sa ibang direksiyon.
Napatingin ako sa prinsipe na ngayon ay kasulukuyang kausap ang fariyang katapat ko.
Hindi ko malaman ang kanilang pinag-uusapan.
YOU ARE READING
Taken By An Engkanto
FantasyFor Adira Morales, everything seems common in each day passing by, not until something improbable happened. With that, she saw him, and was taken by him. She was taken by an Engkanto.