Adira's POV:
"Ang Traffic!" Singhal ko at paulit-ulit na bumusina, pero kahit anong pagbusina ko ay hindi pa rin nakakatulong.
~Magkalayong agwat~
May diin kong pinindot ang pangpahina ng tugtog. Nakakarindi ang kanta, nakakatanda pakinggan. Inilipat ko ito sa kabilang istasyon na saktong pinatugtog ang paborito kong kanta.
Bumuga ako ng hangin at sinandal ang sarili sa upuan. Pinakinggan ko ang liriko ng kanta kahit hindi ko naman naiintindihan.
"Chase me!" Pagsabay ko sa parteng ito dahil ito lang naman ang naintindihan ko sa lahat ng parte nito. Sa sobrang adik ko sa kantang ito ay parang nawala lahat ng inis ko at buong oras na sumabay rito kahit mali-mali sa lyrics.
"Oops." May bumusinang sasakyan sa likod ko. Dali-dali naman akong sumunod sa kaharap kong kotse. Hindi ko na napansin na umuusad na at mukhang lumuluwag na ang daanan at hindi na kasi pahinto-hinto gaya ng kanina.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga nang makaalis na sa daang iyon. Buti na lang at wala ng traffic habang binabaybay ko ang school nila kuya.
Pero makalipas lang ng ilang minuto ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone kaya gamit ang bluetooth ng kotse at ng cellphone ay blinutooth ko muna ito sa sasakyan bago ito sinagot.
"Hello, ma?"
[Hi 'nak, how's your driving? Nakarating ka na ba?]
"Not yet, ma. D*ng, traffic! And I'm okay, hindi na po ako sumisingit sa ibang sasakyan kagaya ng promise ko," malambing kong tugon. Dati kasi ay muntik na akong makulong sa pagiging kaskasera ko kaya binantaan ako nila mama na kapag inulit ko ulit iyon ay kukunin nila ang pinakamamahal kong sasakyan at ibibigay sa kuya ko.
And that will never ever gonna happen. Mag kamatayan muna kami ni kuya bago niya kunin sa akin itong minamahal kong sasakyan.
[Language, Adira.]
"Sorry po."
[Well! It's a good news for us, dapat ganyan ka lang lagi, ha? Ayaw ko nang maulit ang nangyari dati.] Tumawa ako.
"Opo."
[O siya, papatayin ko na itong tawag dahil may gagawin pa ako, basta after giving his lunch ay dumirecho kana sa school mo. I love you, 'nak. 'Wag mong kakalimutang ibigay ang baon sa kuya mo, okay?]
"Yes, ma. I will, love you too." matapos kong sabihin ito ay ako na ang unang tumapos ng tawag. Nag concentrate na lang ako sa pagdradrive papuntang school ni kuya.
Nang makarating na ako sa Entrance Gate ng school nila ay hindi ko mapigilang hindi tingalain ang Arko nilang ibon. Nakapatong sa isang poste na nakabukas ang dalawang pakpak at animo'y umaapoy ang katawan nito na nakalagay sa magkabilang gilid ng gate na siyang nakakapag-akit ng mga paningin sa kung sinuman ang titingin rito.
'Phoenix Sien High.'
One of the most Prestigious School for boys around the world. It means BOYS only, ang sabi ni kuya ay ni anino ng babae ay hindi mo makikita na pagala-gala sa loob ng university na ito. All teachers are boys, but some are gays. Cafeteria and Canteen staffs, Dean, bodyguards, librarian, and checkers-they are all the same gender.
And as far as I am aware of is that no outsiders are allowed inside the campus. The admin is indeed a very well stricted in all terms. Pero kahit gaano kasakal ang school na ito ay mukhang hindi mapipigilan ang demonyo kong kuya sa kung anong gugustuhin non... kasama ang kampon niya.
"Ma'am?" Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang tatlong beses na katok ng isang guard sa bintana ng kotse. Kaagad ko namang binaba ang bintana ng sasakyan at nginitian si kuyang guard.
"Magandang hapon po. Ano pong kailangan niyo, ma'am?" magalang niyang bati. Kinuha ko naman ang paperbag na nasa tabi ko at pinakita sa kaniya.
"Kuya Guard, ibibigay ko lang po yung baon ni kuya." Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya at kaagad na umalis. Akala ko pa naman ay hindi na siya babalik pero pagbalik niya ay may kasama na siyang lalaking nakasalamin at may hawak na record book.
Sa hindi malamang dahilan ay nagtama ang paningin namin ng lalaki at tila ay dumoble ang tibok ng puso ko na baka siguro sa takot o kaba. "Ma'am, siya po muna ang pansamantalang magche-check kung pwede po kayong pumasok sa loob." Kahit naguguluhan ako sa mga sinasabi ng guard ay tumango na lang ako.
Kinakabahan ako kung sakaling makakapasok ako sa loob. Hindi sa first time lang pero sa tanang buhay ko ay makakapasok ako sa isa sa mga kilalang school sa buong mundo, and it's like I won a grand lotto prize. My school is not that prominent, unlike my brother's school. Kaya siguro ganito ang nararamdaman ko.
Napailing na lang ako sa mga iniisip ko at paulit-ulit na huminga nang malalim. Kinuha ko muna ang cellphone sa tabi ko at sinulyapan si kuyang guard at yung lalaking may hawak na record book habang nag-uusap sila. Kalaunan din ay napagpasiyahang kong i-text si kuya.
Matapos masend ang text ay mukhang kakatapos lang ding mag-usap nila kuyang Guard. Pasimple ko namang sinipat ang relo ko.
Maaga pa naman, pwede pa. "Ma'am, maari po ba naming malaman ang pangalan ng kuya mo?"
"Armando Morales po," sagot ko. Tumingin naman si kuyang Guard sa lalaking may hawak na record book. Sinimulan namang buksan ng lalaki ang hawak niya at may hinahanap doon.
Matagal pa kaya? Naiinip na rin ako.
"Here." Para akong nagising nang magsalita ang may hawak na record book habang may kung anong pinakita siya kay kuyang guard. Si kuyang guard naman ay tumango saka umalis. Ito namang lalaki ay lumapit sa akin at tumigil sa gilid ko. "Please proceed at the parking lot area, just follow the signs inside."Tumango lang ako bago itinaas ang bintana at binuhay ang makina ng kotse.
Ilang sandali pa ay parang may biglang lumitaw na parang mga kislap-kislap na bagay sa gate bago ito kusang bumukas. "Don't ever tried to touch the gate, visitor..." Puno ng pagtataka ang mukha ko nang may narinig akong parang nag salita na tao gamit ang Mic.
"...again, don't ever tried to touch the gate, visitor." Kumibit balikat na lang ako at tumuloy na lang sa loob. Pag kapasok ay hinahanap ko kaagad ang signs na sinasabi ng may hawak na record book at hindi nga ako nagkamali sa pagsunod.
Nang makapark na sa kotse sa may parking lot ay manghang-mangha akong lumabas habang hawak-hawak ang paperbag na may lamang lunch ni kuya. Parking lot pa lang panlaban na, may mga damong may iba't-ibang anyo, pero mostly mukhang mga ibon. Malinis din ang daanan at mukhang hindi dinaanan ng kahit anong gulong ng sasakyan kahit naman na kitang-kitang ang daming sasakyan ang nakapark dito. Meron din ilang poste na may ilaw pero hindi ito basta-basta lang.
Sa bawat poste ay may ilaw na may iba't-ibang disenyo at hugis, ang kulay naman ng poste ay pinaghalong ginto at itim. May kurbang disenyo ang poste na kulay ginto, habang ang natitirang ay itim.
"Ma'am, please follow me." Napaigtad ako nang may marinig akong nag salita malapit sa akin. Nakahawak ako sa bandang puso ko nang lumingon ako rito at nakita na naman yung lalaking may hawak na record book.
Kinabahan naman ako, akala ko kung sino. "Ma'am?"
"H-ha?" Tiningnan lang niya ako nang mataman at ngayon ko lang napagtanto na hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa kinatatayuan ko. Napahiya naman ako at alanganing ngumiti bago sumunod sa kanya.
Pero kusang nawala ang ngiti ko kasabay nang paghinto ng mga paa ko nang makita ko ang saglitang pagbabago ng kanyang mga mata bago siya tumalikod. Ang kanyang itim na mata ay tila naging kulay pula.
Pero posible ba iyon?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Genre: Fantasy/Adventure
YOU ARE READING
Taken By An Engkanto
FantasyFor Adira Morales, everything seems common in each day passing by, not until something improbable happened. With that, she saw him, and was taken by him. She was taken by an Engkanto.