Adira's POV:
Kahit ilang beses kong itatak sa isipan ko na gawa-gawa lang iyon para panakot sa bata ay hindi ko maiwasang hindi matakot ssa salitang lumabas sa bibig ng ama ko.
"Ano ka ba, Armando? Naniniwala ka sa mga ganyan? Gawa-gawa lang 'yan ng imahinasyon ng mga tao." Mahinang ani ni mama kahit na halata namang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ni papa.
"Baka lang naman, hon. Alam mong marami ng nagkatotoo. Isa pa, hindi ka ba natatakot n—" Hindi pa natatapos ang sasabihin ni papa nang tumayo si mama at pinasadahan siya ng nakakatakot na tingin kaya napilitan siyang itikom ang bibig.
Nagulat ako nang ako naman ang tiningnan ni mama sa kanyang pinakaseryosong mga mata. "Adira, bumalik ka na sa kwarto mo."
"Ma—"
"Ngayon na!" Naramdaman ko ang panginginig sa boses niya kaya wala akong nagawa kung 'di ang tumakbo palabas ng kwarto nila saka dali-daling bumalik sa kwarto ko.
Ni uhaw na nararamdaman ko ay nawala dahil sa takot ko sa madilim na awrang bumalot kay mama ngayon. Bakit siya nag kakaganoon?
"Arf!" Narinig ko ang pag tahol ni Bunny sa gilid ng kama ko. May higaan siya roon ngunit ang pinagtataka ko ay hindi siya sa akin nakatingin, kung 'di sa likod ko.
"B-bakit ka tumatahol?" Nangangatal ang boses na tanong ko sa asong hindi naman ako kayang sagutin sa lenggwahe ko.
Patuloy ang pagtahol ni Bunny habang malikot na naglalakad sa higaan niya. Hindi ko maintindihan ang kinikilos niya, parang gusto niyang lumapit sa akin pero hindi niya magawa.
Nanatili lang ang mga mata ko sa aso ko habang nakahawak nang mahigpit sa kumot. Nakaramdam ako bigla ng kahirapan sa paglingon.
"Adira!"
"Ah!" Napasigaw ako bigla nang may maramdaman akong kamay na kumalabit sa akin. Hindi ko ito nilingon at dali-daling nag talukbong ng kumot.
"Hoy!" Pilit niyang tinatanggal ang kumot ko pero mas lalo ko lang itong hinigpitan.
"Umalis ka kung sino ka man!" Buong lakas kong sigaw kahit na hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas kong sigawan ang nilalang na nanggugulo sa akin. Mas lalo akong kinilabutan sa kadahilanang ayaw tumigil ng aso ko.
"Huy! Ako 'to, ano ba!" Ayaw akong tigilan ng boses.
Ma, nasan ka na?
"Adira? Anong nangyayari sa iyo?" Nanginig ang kamao ko at palabo na ang mga mata ko nang marinig kaagad ang boses ni mama.
Hindi. Hindi ito totoo...
"Adira, isa! Pag hindi ka bumangon diyan! Ihahagis ko ang kama mo!" Nagsimula akong huminahon at gayon din si Bunny sa narinig na sigaw.
"M-ma? Ikaw ba 'yan?" Gusto kong makasiguro. Baka mamaya ay pinaglalaruan ako ng mga nilalang na ito.
"Oo, bakit? May iba ka bang ina?" Napabangon ako nang marinig ko ang sinabi niya.
"M-ma..." Hinagkan ko siya kahit na nakakaramdam ako ng kaunting panginginig.
Hindi ko alam kung bakit ako nanginginig...
"Natatakot ako, ma.." Todo tahan naman ang ginawa ni mama sa akin, pero kahit anong gawin ko ay hindi kayang huminahon ng katawan ko.
"Adira, wala kang dapat na ikatakot." Napakagat labi akong tumango nang paulit-ulit. Basta't nandito si mama, basta't nandito siya ay hindi na rapat ako matakot. "Sabihin mo nga sa akin." Kumalas ako ng yakap sa kanya saka siya tiningnan.
Nagpunas muna ako ng isang beses sa pisngi ko. "Ang ano po?"
"Naniniwala ka ba sa sinasabi ng papa mo?" Tila may bumara sa lalamunan ko sa narinig. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagkakatitigan bago ako nagkaroon ng lakas para sagutin siya.
"No." Hindi siya umimik at parang tinatantya kung nagsasabi ako ng totoo.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit naniwala ako kay papa noong sinabi niya iyon.
"Adira." May halong pagbabanta sa boses niya kaya't umiling-iling ako bilang sagot. "T-totoo nga, ma. Natakot lang ako kasi may tinatahulan si Bunny sa likod ko... m-malay mo kung magnanakaw o ano." Dahilan ko.
Sana naman gumana.
"Talaga? Sige, huwag ka nang matakot dahil si kuya mo lang 'yon," aniya at nilingon ang taong nasa likod niya.
Sinundan ko ang tingin ni mama. Si kuya nga, nandoon lang siya at nakatayo.
"Bakit kuya?" Walang salita siyang umiling saka binalingan ng tingin ang ina namin. "Goodnight, ma." Humalik siya sa noo ni mama bago siya lumabas ng kwarto ko.
Bakit ba siya nagpunta rito?
Pagkalabas ng kwarto ni kuya ay si mama naman ang tumayo para sana lalabas nang pigilan ko siya. "Ma, pwede po bang dito ka muna? O kantahan niyo po ako. H-hindi kasi ako makatulog," amin ko. Lalong naalala ang mga kakaibang bagay na nakita ko ngayong araw. Walang siyang naging sagot pero umupo siya ulit at inayos ang kumot na nakabalot sa akin.
Umayos na rin ako nang pagka-kahiga. "Goodnight, ma." Nakaramdam naman ako ng pag haplos sa aking buhok na lagi niyang ginagawa saka ko na narinig ang anghel niyang boses.
"Goodnight, Adira..." May sinabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil sa dinadalaw na ako ng antok. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata habang nakikinig sa pagkanta niya.
Hindi pa ako tuluyang nakakatulog nang makarinig ako ng mga yabag papalayo at ang pag bukas-sara ng pinto.
"Goodnight, my princess..."

YOU ARE READING
Taken By An Engkanto
FantasyFor Adira Morales, everything seems common in each day passing by, not until something improbable happened. With that, she saw him, and was taken by him. She was taken by an Engkanto.