9

531 13 3
                                    

Adira's POV:

"Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ko sa gitna ng aming paglilibot. Nakita ko namang napatigil sa paglipad si Gene.

Nagbago naman siya ng anyo at kasing laki na ng isang normal na tao, pero hindi pa rin nawawala sa likod niya ang kanyang pakpak. Hinayaan niya lamang itong nakalabas. Hinawakan niya muna ang lubid ng kabayong sinasakyan ko at saglit itong pinatigil. Sumunod naman si Gevne na kapatid niya at nagbago rin ito.

Ang akala ko nga ay maglalakad lang kami sa gagawin, nakakapagod pa naman at mukhang malaki ang mundo nila. Buti na lang at may kinuha si Gene na isang kulay puting kabayo at doon ako pinasakay.

"Sa Fidset tayo, Adira!" tuwang-tuwang sagot ni Gevne sa tanong ko. Bahagya namang nangunot ang noo ko.

"Fidset?" Pumalakpak si Gevne na halatang tuwang-tuwa sa sunod na pupuntahan.

"Ang Fidset ay ang pinakamalaking pamilihan sa mundong ito, Adira. At dahil malapit lang ito sa Silvrian kaya't pinayagan kami ng prinsipe na ilibot ka rito. Hindi nga lang sa lahat ng parte nito." Nahihiya siyang tumawa. "Delikado para sa isang katulad mo." Wala na akong nasabi. Sinulyapan ko ang kanyang kapatid na tahimik lang na nagmamasid sa aming paligid.

Hindi ko alam kung bakit alertong-alerto siya, samantalang itong isa ay sabik na sabik.

"Tayo na, baka abutan pa ng dilim," anunsyo ni Gene. Tumango ako bilang pagsang-ayon. kung kaya't binitawan na niya ang tali ng aking kabayo na siyang hawak ko. Bumalik na sila sa pagiging maliit.

Mukha talaga silang alitaptap, hindi nga lang umiilaw ang pwet.

----

Unang tapak pa lang namin sa pamilihan na ito ay parang nalula na ako sa ganda at sa laki nito.

"Ang Fidset ay nahahati sa pitong bahagi. Ang Fioda, Sandeya, Cendalio, Engkantasion, Basiona, Wediya, at ang huli ay ang Dwintiya." Nanatili ang mga tenga ko sa sinasabi ni Gevne habang naglalakad kami sa Fidset. Maraming mga hindi pangkaraniwang nilalang ang nakita kong palibot-libot dito, ngunit kahit kaba ay wala akong naramdaman habang nakatingin sa kanila.

Parang normal lang sa akin na makita sila, pero ang mga mata nila ay may ibang pinapahiwatig. Nakikita ko ang pasimpleng sulyap nila sa amin, pero mukhang ako lang ang nakakapansin. Abala si Gevne sa pagtitingin sa mga nakalatag na paninda, habang ang kapatid niya ay diretso ang tingin sa harap.

"Huwag mo na silang pansinin, Adira." Kaagad kong binalik ang tingin sa harap nang magsalita si Gene.

"Sorry. Uhm, Gevne, kung may pitong bahagi itong Fidset. Nasaan tayo ngayon?" Pag-iiba ko, nakita ko naman ang pagsulyap sa akin ni Gevne na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Nasa Fioda tayo! Ang pamilihan naming mga fariya."

"Fariya?" Ano 'yun?

"Iyon ang tawag sa aming mga nilalang na may pakpak, kayang magpalit ng laki at higit sa lahat ay may kapangyarihan din. Sa mundo niyo, kami ay mga diwatang may pakpak o ano nga iyon... Fairy! Ayun! 'Yun ang tawag sa amin sa mundo niyo." Maligalig niyang paliwanag. Nakatanggap naman siya ng mahinang halakhak mula sa kapatid niya, dahilan upang lumipat ang tingin ko kay Gene.

"Huwag mo akong titigan ng ganyan, aming prinsesa. Baka ay pumunta na lamang siya rito." Makahalugang aniya saka panandaliang tinaas ang isang kamay.

Hindi ko siya maintindihan kaya hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito.

"Hayaan mo na lang 'yan, Adira. Halika rito!" Nagitla ako sa biglaang hatak sa akin ni Gevne, hindi tuloy ako nakapalag kaagad. Nang medyo nakalayo na kami sa kapatid niya ay doon niya lang ako binitawan. Mahabang katahimikan ang nangyari sa pagitan namin bago siya nagsalita at pinagpatuloy ang kanyang kwento.

Taken By An EngkantoWhere stories live. Discover now