13

272 6 0
                                    

Adira's POV:

"Hindi ko maintindihan," amin ko. Hindi kasi normal ang pagkakasulat sa libro dahil mukha silang mga simbolo. Hindi siya nagsalita at itinaas lamang ang libro pagkatapos ay tumingala rin. Kagaya ng kanina sa paggawa ng ipo-ipo ay umilaw na naman ang kanyang mga mata.

"Galing." Parang nanigas ang panga ko pagkatapos ng kanyang ginawa. Walang imik naman niyang ibinigay sa akin ang libro na ngayon ay kabasa-basa. Nagawa niyang palitan ng letra ang kaninang mga simbolo.

"Basahin mo." Utos niya at tinuro ang parteng pinapabasa niya. Itinikom ko naman bibig ko saka tumango.

"Noong unang buhay ng mundong ibabaw ay gumuhit ang kataas-taasan ng isang matiwasay at mala-paraisong mundo na pinamumunuan ng mga mortal." Tumigil ako saglit.

"Ang tinutukoy ba ritong kataas-taasan ay si Lord?" Nakatanggap lang ako ng kibit-balikat mula sa kanya. Wala na akong makuhang sagot kaya't itinuloy ko na lang ang pagbabasa.

"Ngunit nang mapansin ng kataas-taasan na hindi naaayon sa kanyang hangarin ang mga ginagawa ng tao sa kanyang linikha ay lihim siyang bumuo ng isa pang mundong kakaiba sa mga mortal. Nahahati sa iilang parte, at hindi pangkaraniwan. Ito ang mundo na may siyam na kaharian."

"Ang kaharian na ito ay ang kaharian ng mga bampira, sirena, mangkukulam, engkanto, tikbalang, duwende, Fariya, Aswang at mga diyos at diyosa."

"Ang mundong ito ay binasbasan ng kakaibang kakayahan na wala ang mga mortal na tao, upang mapangalagaan ang kagandahan at maging balanse ang mundong ibabaw kung sakaling hindi ito magampanan ng mga tao. Mga biniyayaan ng kakaibang bilis, lakas, laki, at mga kapangyarihan."

"Subalit, dahil sa hindi ito laging mabantayan ng kataas-taasan at mas kailangan ng mga mortal na tao ang presensiya ng nakakataas ay binigyan niya ng permiso ang kaharian ng mga diyos at diyosa na mamuno sa natitirang kaharian at mahiwalay ang mundo nila sa lahat upang malayo sila sa maaaring kapahamakan." Tumigil ako sa pagbabasa nang bigla niyang ilipat ang pahina.

"Laktawan na lamang natin iyon. Masyadong mahaba," aniya saka itinuro ang sunod kong babasahin.

Binasa ko naman ito. "Tinawag na kaharian sa gitna ng ulap ang kaharian ng mga diyos at diyosa. Sa mga sumunod naman na kaharian ay pinangalangan ng mga sumunod na diyos at diyosang napili ng kaisa-isang banal na puno sa mundong ito." Lumunok ako. "Piola, ang diyos ng Karagatan. Mionta, ang diyosa ng unos. Dwinia, ang diyosa ng kalikasan. Asen, ang diyos ng kadiliman. Triol, and diyos ng himagsikan. Silam, ang diyos ng kalakasan. Wandalia, ang diyosa ng salamangka. Bil, ang diyos ng buwan..." Huminto muna ako ng panandalian para mag-ipon ng hangin.

"... Afari, ang diyosa ng apat na elemento, at ang pinakahuli ay si Celesta, ang diyosa ng paglikha at siyang pinakadiyosa ng lahat. Ang diyosang pangalawa sa pinamalakas sunod sa kataas-taaasan." Liningon ko si Fira.

"Lahat ba sila mamumuno sa walong kaharian?" tanong ko. Tumango naman siya ng isang beses.

"Lahat sila ay may pare-parehong tungkulin-at iyon ay pamunuan ang walong kahariang nakaatas sa kanila. Mas mabigat lamang ang tungkulin ni diyosa Celesta, sapagkat sa kanilang lahat ay siya ang inatasan ng kataas-taasan na pamunuan ang lahat ng mundo at bantayan na rin ang bawat galaw ng mga inatasang diyos at diyos. Sa madaling salita ay siya ang pinakareyna ng lahat," paliwanag niya. Tumango-tango ko namang ibinalik ang tingin sa libro at itinuloy na ang pagbabasa.

"Ngunit kahit na kakaiba ang paglikha sa mga tinatawag ngayon ng mga tao na mortal ay hindi mapagkakaila na pare-parehas lamang ang ginamit sa paglikha, kung kaya't may yaong pagkakaparehas ang mga mortal sa immortal. Isa na rito ang kanilang pagiging gahaman at ang sariling pangkasiyahan." Kusa akong napatigil ulit sa parteng ito.

Taken By An EngkantoWhere stories live. Discover now