5

196 6 0
                                    

Adira's POV:

"Goodnight, my princess..."

"Arf!"

"Hm..." Pagkamulat ko pa lang ng aking mga mata ay ang mukha na ng aso ko ang bumungad sa akin. It tickles me. "Bunny." Natatawa kong iniwas ang mukha ko sa kanya dahil dinidilaan niya ako at nakadagan siya sa akin.

"Good morning, Bunny." Sinagot niya ako ng sunod-sunod na tahol.

Tumingin ako sa wall clock na nasa kwarto. Almost 8:30 ng umaga. Kailangan ko nang bumangon. Dahan-dahan akong bumangon at ay inayos muna ang higaan.

Pagkatapos kong mag-ayos ng higaan ay pumasok ako sa banyo para sa morning routine. Sunod-sunod na pagtahol ni Bunny ang narinig ko sa labas. Hindi ko nga alam kung paano ako nakatapos nang mabilis sa sobrang pagmamadali.

Kanina pa tumatahol aso ko.

"What is it, Bunny?" Siniguro ko muna ang pagkakasuot ko ng bathrobe bago lumabas ng banyo.

Naabutan kong paikot-ikot si Bunny. Nang nakita niya ako ay umakyat siya sa kama at umikot-ikot sa isang dress na nakalapag doon.

Off shoulder blue dress na sa tingin ko ay above the knee at may pares pa ng flat shoes sa baba ng kama.

Kanino ito? Akin? Ngayon ko lang nakita ang dress na 'to.

Ipinagliban ko na lang ang mga tanong sa utak ko at hinawakan ang damit.

"May pupuntahan ba kami?" Tanong ko sa sarili, nag lalatag lang sila ng susuotin ko kapag aalis kami.

Pero wala naman silang nasasabi?

O baka nakalimutan ko lang?

Tumingin ako a paligid ngunit napatigil ang mga mata ko sa maliit na lamesang nasa gilid ng kama nang may mahagip ditong isang bagay.

Hindi ko alam kung binudburan iyon ng mga glitters at linagyan lang ng kulay, pero parang buhay ang nakikita kong crystal blue na rosas. Ang amoy pa... parang binabad sa pinakamabangong perfume.

Kumibit-balikat na lang ako at sinuot itong dress saka kinuha ang bulaklak bago bumaba.

Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta ngayon. Baka surprise?

"Bihis na bihis si bunso, ah." Pagka baba na pagkababa ko pa lang hagdan ay ang nakakarinding boses na ng kuya ko ang sumalubong sa akin, kasama ang mga kaibigan niya.

Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa. "O! Bihis na bihis din kuya ko, ah." Umakto akong gulat sa porma niya. Ngiwi lang ang sinagot sa akin ni kuya.

"Adira, bakit bihis na bihis ka? May pupuntahan ka ba, 'nak?" Liningon ko sila mama at ganoon na lamang ang labis na pagtataka nang makitang nakapambahay lang sila. "At bumili ka na naman ng bagong dress? E, ang dami mo ng ganyan," aniya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

Kumurap ako sa kalituhan

"Ma? Hindi ba ikaw ang nag lagay nito sa kwarto ko? Akala ko ba aalis tayo?" Nawala ang ngiti ni mama.

"Adira, hindi nakakatawa 'yang biro mo. Sabihin mo na lang kung bumili ka ng bago, 'wag ka nang magsinungaling." Kaagaran akong tumanggi.

"No po. Nagsasabi po ako ng totoo. May bulaklak pa nga ring nakalapag sa table ko, e. Anong klaseng rose ba 'to?" sagot ko saka itinaas ang rose na hawak ko.

Rumehistro ang pagkabigla sa mukha ng aking ina. Saglitan ko tuloy nakita ang sarili ko sa kanya.

"S-saan mo 'yan nakuha, Adira? Sinong nagbigay niyan?" Umiling ako. "Hindi ko po alam. Nakalapag lang yan sa lamesa ko."
Ilang minutong tumahimik ang paligid, hanggat sa narinig ko na lang ang buntong-hininga nila mama sabay lingon sa direksyon nila kuya.

Taken By An EngkantoWhere stories live. Discover now