11.1

106 4 0
                                    

Adira's POV:

Sa aming paglalakad ay nahuli ko ang mga halu-halong ipinapahiwatig ng tingin ng mga nakakasalubong naming nilalang. May ibang tingin ng may pagtataka, takot at mapanuri. May iba namang ngingiti kay Prinsipe at pagdating sa akin ay iba na. Naiilang tuloy ako roon.

Sa aking pagmamasid ay hindi ko na namalayang ang layo na pala ng narating namin. "Nandito na tayo," anunsyo niya. Tumigil siya sa harap ng mga baging at ganoon din ako. Gumuhit ang linya sa noo ko habang tinitingnan ang mga baging.

"Anong gagawin natin diyan?" Papanoorin ba namin 'yang sumayaw magdamag?

Liningon ko siya para sa sagot pero nanatili ang seryosong tingin niya rito. Ilang saglit pa ay itinaas niya ang kanyang kamay at kanyang iginalaw nang pabalik-balik. Ibinalik ko ulit ang tingin sa baging at bahagyang hindi makapaniwala sa nasaksihan. Paunti-unti itong gumagapang paakyat at pawang linilinis ang gitna kung saan kami dadaan.

"Wow." Ito na lamang ang lumabas sa bibig ko nang mawala na ang mga baging sa gitna at iniluwa ang isang kweba.

"Aking Adira." Nabalik ako kaagad sa wisyo nang marinig ang tawag ng Prinsipe. Hindi ko man lang napansin na nakatulala na ako habang siya ay nakatayo na sa lagusan ng kweba. "Tayo na," mahinahong aniya. Kaagad naman akong gumalaw sa pwesto ko saka siya linapitan.

"Sorry." Sinuklian niya lang ako ng tipid na ngiti bago itinuon ang tingin sa dadaanan namin. Tahimik naman akong sumunod pagkatapos. Sa gitna ng aming paglalakad sa loob ng kweba ay hindi mapakali ang mga mata ko sa paligid.

Ang dami-daming mga diyamante. Kung sa mundo ng tao ay pwede na itong pagkakitaan, baka nga ay mas mayaman pa ako sa mga pamilyang sikat sa lugar namin kung sakaling makabenta nito. Siguro ay maganda ring gawin kong kwintas.

Nawala roon ang atensyon ko at napasigaw na lang nang may natapakang bato na siyang nakapag wala ng balanse ng katawan, kasabay pa ng biglang pagkadulas ng sahig na dinadaanan namin. Napapikit na lamang ako at hinintay ang inaasahang pagbagsak, ngunit isang kamay ang naramdaman ko sa baywang ko habang ang isa naman ay hawak ang isa kong kamay.

Ang bilis ng pintig ng puso ko dahil sa kaba pero mukhang dumoble ito nang dumilat ako. Ang lapit ng mga mukha namin. "Mabuti't nasalo kita." Bakas sa kanyang boses ang pag-aalala. Napalunok ako bago dahan-dahang tumayo.

"S-salamat," mahinang ani ko. At dahan-dahang naglakad, ang dulas ng tinatapakan namin. Parang yelo na hindi.

"Walang anuman. Para sa Adira ko." Nakaramdam ako ng kakaiba. Napayuko na lang ako at kinagat ang labi para sa umuudyong ngiti.

"Thank you ulit," saad ko pero wala akong nakuhang salita. Nakita ko ang paglapit niya sa akin sabay lahad ng kanyang kamay. Saglit kong siinulyapan ang mukha niya at binalik din sa nakalahad niyang kamay.

"H-hindi na. Kaya ko na." Sisikapin kong hindi ulit ako madudulas. Ayokong bumagsak ulit, baka sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako masalo.

"Kung iyan ang nais mo." Muli niyang ibinalik ang kanyang kamay sa kanyang likod samantalang ang atensyon ay hindi nawawala sa akin. "Mauna ka na. Babantayan kita."

Wala na akong nagawa pa kung 'di ang pumayag. Nagsimula na akong naglakad pero sa pagkahakbang ko pa lang ay nadulas ang paa ko kaya nawalan na naman ako ng balanse. Bago pa ako matumba ay bigla siyang lumitaw sa harap ko't maingat na hinawakan ang dalawa kong braso. Pero nararamdaman kong matutumba pa rin ako roon kaya't walang ni isang segundo akong napayakap sa kanya sa sobrang takot na mangyari ang iniisip ko.

"Hahawakan na lamang kita. Baka sa sunod mong paghakbang ay lupa na ang yakapin mo." Hindi ko alam kung guni-guni lang o nahihimigan ko ang pagkasarkastiko ng kanyang sinabi.

Taken By An EngkantoWhere stories live. Discover now