Chapter 18 - Sorry

174 3 0
                                    

[Dara’s POV]

Paglabas namin ng amusement park, niyakap ako ni Jao nang mahigpit. Ako naman, napayakap din sa kanya sa sobrang sama ng loob ko kay Shone.

“Galit ka, di ba?”, tanong ni Jao sa’kin.

“Sobra”, sagot ko naman.

“Wag kang mag-alala, Dara. Ako, never kong gagawin na iwan ka sa ere”, sabi ni Jao. Kahit naman di niya sabihin, alam ko naman yun…

Pagdating ko sa bahay, nagtaka ako kung bakit may sapatos na leather sa may pintuan. I’m sure kasi na hindi yun kay Darth. Ang laki ng paa eh.

“Dara! Bakit ngayon ka lang??”

Napatingin ako sa may hagdanan at napakunot ng noo. “Sino ka?”

“Ako ang papa mo, Dara!”

“Ano?”

Sumali na si Darth sa usapan. “Dara, siya si Uncle Akiro. Siya ang papa mo.”

Nag-smirk ako. “Wow… Buti naisipan mo pang magpakita sa’kin.”

“Bakit ngayon ka lang umuwi, ha?? Kababae mong tao kung saan-saan ka naglalakwatsa!”

I sighed. “C’mon, ‘pa. Do you really care about me, or sa safety mo?”

“Wala kang karapatang sagutin ako nang ganyan! Ako ang papa mo!”

“Papa? Ngayon ko nga lang kayo nakita, at ni minsan, hindi ko naramdaman na naging ama kayo sa’kin!”

Sinampal ako bigla ni Papa.

“Pwede ba, ‘pa, wag na kayong magpanggap na concern sa’kin? Lalo lang ako naiinis eh”, sabi ko, at umakyat na’ko papunta sa kwarto ko.

Napahiga ako sa kama. Sa puntong yon, tumunog ang cell phone ko. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag. Si Shone pala…

Agad ko naman ni-reject yung call. Bahala siya dyan! Kumukulo ang dugo ko sa kanya ngayon.

[Shone’s POV]

The next day…..

Pagpasok ko sa school, si Dara kaagad ang hinanap ko. Kailangan ko siyang makausap. Alam ko rin ngayon na galit siya sa’kin.

Pagpasok ko sa classroom, wala doon si Dara, kaya sa tambayan na ‘ko pumunta.

“Good morning, Shone!”, bati ni Minji sa’kin.

“Nasa’n si Dara?”, tanong ko.

“Di pa kasi siya pumupunta dito kaya di ko alam”, sagot ni Minji sa’kin, kaya lumabas ulit ako at hinanap siya.

Sa aking paglilibot-libot, sa wakas nakita ko na rin siya. Nandun siya sa 3rd floor, nagmamasid sa ibaba.

“Dara! Kailangan natin mag-usap”, sabi ko, pero tinalikuran lang niya ako at inilagay ang earphones niya sa tenga.

“Dara! Please makinig ka naman sa’kin!”, sabi ko, sabay tanggal ng earphones niya sa tenga. Galit na tiningnan niya ‘ko.

“Makinig ka naman sa’kin, please!”

“Hindi pa ba sapat na pruweba yung nakita ko, ha? Ayoko makinig sa excuse mo!”

 “I’m sorry kung pinaghintay kita…”

“Alam mo bang 4 hours mo ‘kong pinagmukhang tanga kakahintay sa’yo?? Tapos makikita ko, kasama mo yung babaeng yon! Sino’ng di maiinis sa ginawa mo?”

Medyo uminit na rin ang ulo ko. “Sira ka pala eh! Dapat umuwi ka na nu’n!”

“Eh di ba sabi mo, hintayin kita? Eh di hinintay kita!”

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon