[Dara’s POV]
“Girl, sa’n ka pupunta?”, tanong ni Brigid sa’kin nung tumayo ako sa kinauupuan ko.
“Punta lang ako sa rooftop”, sagot ko. “May pag-uusapan lang kami ni Jao”, at lumabas na ‘ko.
Pagdating ko sa rooftop, nakita ko si Jao na nakaupo sa isa sa mga bench do’n at may headphones sa tenga. Agad ko naman siyang nilapitan.
“Hi, Jao!”, bati k o.
“Andyan ka na pala”, sabi nito sa’kin, at binigyan niya ‘ko ng carrot cake. “Kain muna tayo.”
“Salamat”, sabi ko, at kinagat ko yung carrot cake. “Nakakamiss din itong bonding natin.”
“Oo nga eh”, sagot pa ni Jao. “Kaya nga nung nawala ka sa F.C nu’n, lagi akong nakatambay sa rooftop. Dun kasi tayo nagba-bonding.”
Ilang sandali kaming nanahimik.
“Dara.”
“Bakit?”
“Gusto mo ba si Shone?”
I almost blushed. “B-Bakit naman napasok si Shone sa usapan na’to?”
“Naisip ko lang. Sa totoo lang, ang cool ni Shone. Isa pa, parang nagkakasundo talaga kayong dalawa.”
Hindi ako nakasagot. Ano nga ba? May gusto ba ‘ko kay Shone?
“A-Ano’ng nagkakasundo? Madalas nga ‘ko inaaway nu’n”, sabi ko.
Ngumiti sa’kin si Jao, sabay hinawakan ang kamay ko. “May gusto sana ako sabihin sa’yo.”
“Ano ba yun?”
Biglang tumunog ang bell.
“Ay Jao, next time na lang! May klase pa’ko eh”, sabi ko. “See you later!”
[Jao’s POV]
Pagtunog nung bell, umalis na si Dara kasi may klase pa siya. Naiwan na lang ako mag-isa sa rooftop.
I sighed. Sasabihin ko n asana, kaso naudlot na naman. Siguro hindi pa ito yung tamang oras para sabihin yon.
Inilagay ko yung headphones ko at bumaba na rin ako. Maya-maya kasi may klase na rin ako, pero nagbago isip ko. Dahil tao rin naman ako na tinatamaan ng katamaran, nag-decide ako na umuwi na lang.
Paglabas ko ng gate, si Janelle kaagad ang bumungad sa’kin. Nakasuot ito ng Tourism uniform ng FC.
“Hi, Jao!”
“O, Janelle! Bakit ka nandito? Bak pagalitan ka ng ate mo.”
“Sus, wala akong pakialam. Lagi ko naman sinusuway yon. Alam mo na…”
Tumawa lang ako.
“Tara, merienda tay! Libre ko”, sabi ni Janelle.
“O sige! Sa’n ba?”, tanong ko.
Sa Red Ribbon kami pumunta ni Janelle. Umorder ito ng dalawang cake slice at dalawang kape.
“Akala ko ba bawal sa’yo ang sweets?”, sabi ko.
“Ano’ng bawal? Si Ate Aeris lang naman ang nagbabawal sa’kin nun!”, sagot ni Janelle. “Masarap kaya kumain ng sweets. ‘Wag mo’ko isusumbong kay Ate, ha?”
Tumawa ulit ako. “O sige na. Kain na tayo.”
Ilang saglit kami nanahimik.
“Ahm… Jao, bigla ka yata lumungkot. May problema ba?”