Chapter 10 - Bad Girl

227 4 0
                                    

[A/N: Sensya na kung medyo mabagal update...wag po kayo matakot magcomment sa story ko...gusto ko po kasi malaman feedback nyo, lalo na po pag constructive...ok lang po as long as hindi po nakakasakit..tnx..!]

[Dara’s POV]

Agad akong pumunta sa kwarto ko.

Nakakainis! Alam kong lasing siya, pero di ko expected na mangyayari ‘to! Strike 2 na ‘to! Una, sa cheeks, at ngayon naman, sa lips! Anak ng tokwa! Dalawang beses na siya nakanakaw ng halik sa’kin! Patay ka sa’kin bukas, Shone! Makikita mo!

In fairness, ang lambot ng lips niya.

Gaah!! Erase, erase! Ano ba’tong iniisip ko?? Nakakadiri yung ginawa niya, swear!

Itutulog ko na nga lang ‘to! Bukas talaga, babawi ako sa lalaking yon!

[Shone’s POV]

The next day…

Nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag ng araw. Bumangon ako at tumingin-tingin sa paligid ko. Teka, di ko kama ’to ha… at lalong di ito ang kwarto ko. Nasaan ba ‘ko?

“Good morning!”

Napali ngon ako sa may pinto. Bumungad sa’kin si Dara. Nakasuot pa siya ng pantulog, yung pantulog na string camisole at maigsing shorts. Nakangiti pa siya sa’kin, yung ngiting nakakaloko! Ano na naman bang binabalak ng baliw na ‘to?

“Gising ka na pala”, sabi niya, at lumapit siya sa’kin. Itinukod niya ang dalawang braso niya sa side ko. Lalo akong kinabahan nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

“Ang gwapo mo pala talaga”, sabi ni Dara, at hinawakan niya ang chest ko, sabay lapit pa ng mukha niya sa mukha ko. Maling galaw ko lang, mahahalikan ko na ang babaing ‘to.

Maya-maya’y tumawa siya, sabay layo ng mukha niya sa’kin.

“Wahahahaha!!”

May saltek talaga ang babaing ‘to.

“Wag kang mag-alala, wala akong balak akitin ka! Asa ka naman”, sabi ni Dara. “Next time, wag ka na’ng nonomo! Weak ka naman pala eh! Nagkalat ka pa kagabi. Tsk!”

“Ano’ng nagkalat? Hoy, ni minsan di ako nagkalat, kaya wag mo’ko pinagloloko!”

“Talaga? Sumuka ka pa nga sa parking lot eh! Alam mo, kung hindi lang ako mabait, pinabayaan na kitang natutulog sa sarili mong kalat! Hay…”

Nagkalat nga ba talaga ako? Dahil kung oo, takte nakakahiya! >_<

“Hoy, baka may ginawa ka pa sa’king iba. Baka sinamantala mo pa kahinaan ko.”

“Hoy, asa ka! Masyado ka naman gwapong-gwapo sa sarili mo, dre. Kung mangmamanyak ako, pwes wala ka sa listahan”, sagot niya, at hinagisan niya ‘ko ng t-shirt. “Magbihis ka na nga at umuwi na. Baka kung ano pa magawa koa sa’yo”, at lumabas na siya. Napatingin ako sa t-shirt na inihagis niya. Takte, nang-aasar ba yung print na ‘to? Ang nakalagay ba naman eh, “Na-FRIENDZONE ako” !

Agad akong nagpalit ng t-shirt. Pagbaba ko, nakasalubong ko si Darth.

“Alis ka na?”, tanong nito sa’kin. Tumango naman ako.

“Di mo pa ba hihintayin si Dara? Naliligo lang yun siya.”

“Hindi na. Kailangan ko na rin kasi umalis”, sabi ko. “Salamat na rin.”

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon