Chapter 12 - The Pageant

208 3 0
                                    

[Dara’s POV]

“Pumasok ka na sa loob”, sabi ni Shone pagdating namin sa bahay. “Lalabhan ko pa ‘tong jacket ko. Nalawayan mo na yata ‘to eh.”

“Oy, asa ka! At saka kung nalawayan ko man, don’t worry, mabango naman ang laway ko”, sabi ko. Tumawa lang ang mokong.

“Sige na, pumasok ka na.”

I rolled my eyes at pumasok na sa nakabukas na gate.

“Ingat ka”, pahabol ko pa. Ngumiti lang si Shone at naglakad palayo.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, si Darth kaagad ang bumungad sa’kin.

“Nag-date pala kayo ni Shone”, nakangising sabi niya.

“Ano’ng date? Di kami nag-date. Pinakalma ko lang siya”, sabi ko. “Sige na, magpapahinga na’ko. Goodnight.”

Umakyat na’ko sa kwarto ko at isinara ang pinto.

Napahiga ako sa kama sa sobrang pagod. Kamusta naman yung pagsakay ko sa jeep for the first time? Magandang experience na rin, at least di na’ko magmumukhang alien the next time na sumakay ako ng jeep….

Pero memorable dahil… si Shone yung kasama ko. ‘Nak ng tokwa! Ano’ng meron? Bakit ako nagkaka-goosebumps pag naiisip koyon? Oh shemay… Maitulog na nga lang ‘to!

The next day…

Naglalakad ako sa corridor ng CS building nang bigla akong hatakin ni Law papasok ng org office.

“’Nak ng tokwa, Law! Ano na naman bang meron??”, yamot na sabi ko. “Halos i-detach mo na yung braso ko!”

“Ano bang meron at bigla mo kaming hinatak?”, tanong ni Shone na nakaupo sa table.

“Kasaliang school natin sa Mr. and Ms. United Universities & Colleges competition!”, excited na balita ni Law sa’min.

“So?”, sabay na sabi namin ni Shone.

“Kayong dalawa ang napiling representative para sa contest!”

Loading…………………

“Weh??”, sabay na naman kami ni Shone.

“I’m not joking, guys. Listen, opportunity nyo na’to to prove yourself sa mga school na nag-a-underestimate sa mga taga-TU”, sabi ni Law.

“Pa’no kami napili?”, tanong ni Shone.

“Hindi ko alam sa mga nakatataas.”, sagot naman ni Law. “Maybe they find you interesting.”

“Ayoko sumali”, sabi ko, at lumakad ako sa may pintuan, pero bigla akong hinarang ni Law.

“Umalis ka dyan”, sabi ko, pero di natinag si Law.

“Dara naman! Once in a lifetime lang ‘to. You know what, pagkakataon na’to para ipakita mo ang tunay na kamandag ng charm mo! Beauty and brains ka pa naman din, sayang naman.”

“Wag mo na nga ‘kong bolahin! Kung mangungutang ka, sabihin mo na lang nang diretso. Pauutangin naman kita.”

Imbis na mainis ay ngumisi pa ang loko. “Pag di ka sumali, ibig sabihin may gusto ka kay Shone.”

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon