Chapter 4 - Things that make me Smile

313 8 0
                                    

[Dara's POV]

Naglalakad ako nun pabalik sa Computer Studies building nang may marinig akong hagikgikan ng mga babae sa hallway ng Business Administration building. Na-curious ako kaya nakitingin ako.

Grabe, heartthrob pala dito si Darth! Hahaha! Ayos to ha. X)

Ang lakas ng hagikgikan ng mga malalanding babaeng to, pero si Darth, parang wala lang naririnig, seryoso pa rin sa pagbabasa.

Umalis na'ko sa lugar na yun at ipinagpatuloy ang paglalakad ko pabalik ng CS building. Nang makalayo na 'ko dun ay napahalakhak ako nang malakas.

"Hoy, baliw! Tumahimik ka nga."

Napalingon ako. Grr... Ang hinayupak na si Shone na naman!

"Ang bagal mo, nauna pa'ko sa'yo", sabi pa niya.

"Alam mo kung wala kang sasabihing maganda, just keep your mouth shut", sagot ko.

Hindi man lang tumingin sa'kin si Shone. Panay lang ang pagta-type niya sa laptop niya.

"Uuy.. Busy! Patingin nga 'ko ", sabi ko, pero agad naman ibinaba ni Shone ang monitor ng laptop niya.

"Wala kang kinalaman dito kaya wag kang makialam", sabi niya, sabay tulak sa'kin.

"Hoy! Ganyan ka makitungo sa mga babae?", inis na sabi ko.

He smirked. "Bakit? Babae ka ba?"

"Loko ka ha ----"

"Uuuuy....Bagong loveteam!"

Napalingon kami ni Shone. Si Boy Lollipop, este si Law lang pala yon. Ayun na naman siya, naka=headphones at may nakasuksok na lollipop sa bibig.

"Loveteam? Yuck! Ang chaka kaya ni Shone!", mataray na sagot ko. Bago ako umalis, sinampal ko muna si Shone. Napanganga na lang si Law.

"Dun na 'ko sa computer lab", sabi ko, at umalis na'ko.

                                                      *****************

Pagkatapos ng klase, nakaabang na sa'kin sa lobby ng CS building si Darth. Napailing na lang ako. Mukhang in-appoint siyang bodyguard ko ni Papa. =___=

"You're right on time", sabi ni Darth. "Tara na, umuwi na tayo."

Di na'ko nagsalita. Umuna akong maglakad sa kanya papunta sa parking lot.

Napansin ni Darth na iba na ang bag at cellphone ko.

"Bakit nag-iba yata ang bag at cellphone mo?", tanong sa'kin ni Darth.

"I bumped on this bitch kanina habang naglalakad ako papunta sa CS building", sagot ko na nakataas ang isang kilay. "Ibinabalandra niya kasi sa'kin ang mga peke niyang gamit. I pity her for that and for calling me bitch, kaya I donated my trash to her."

Nag-smirk si Darth. "Ang galing mo talaga pagdating sa kamalditahan."

"I know right. Si Dara Fortalejo yata 'to", I replied. "Umuwi na nga tayo. Gusto kong uminom ng soju ngayon."

"Your wish is my command", sabi naman ni Darth, at pinaandar na niya ang kotse.

Wew... Kelan pa naging genie ang emong to?

Pagdating namin sa bahay, nauna na'kong pumasok sa loob. Dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Napabuntung-hininga ako. Ewan ko ba kung bakit bigla kong naisip si Shone. Di na'ko magsisinungaling.... Gwapo naman si Shone, yun nga lang di ko siya type. Bleh!

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon