Chapter 5 - The Annoying Cousin

292 8 0
                                    

[Shone's POV]

Halos mapamura ako nang marinig ko ang boses ng pinsan ko. 'Nak ng tofu! Akala ko habambuhay na'ng matatahimik ang buhay ko dahil nagpunta na siya ng Macau, pero nagkamali ako.

"Shone, kanina pa'ko dumating galing Macau, at hindi mo pa'ko sinundo! Bilad na bilad na ang beauty ko dito o!"

"Hindi kita susunduin", I bluntly answered.

"Cousin dear naman eh! Maawa ka naman sa'kin -----"

"May pera ka. Mag-taxi ka na lang pauwi! Mahirap ba yon? Sinisira mo ang araw ko..."

"You're so bad talaga! Kelan ka ba magiging mabait sa'kin?"

"Pag patay na'ko", sagot ko, sabay end call.

Pag minamalas ka nga naman... Nako, maririnig ko na naman ang kaingayan niya at kailangan ko na naman siya pagtiisan.

6 PM:

Nakarinig ako ng tunog ng doorbell. I checked the monitor kung sino yon, and unfortunately, ang pinsan ko na nga yon. Wala akong choice kundi papasukin siya. Di pa naman ako ganun kasama para pabayaan siya sa labas ng bahay ko kaya in-activate ko na ang automatic gate para papasukin siya.

Pagpasok niya sa pinto ng bahay ko, agad niya 'kong binayo nang matindi sa dibdib.

"Napakasama mo talaga, Shone!", bulalas nito. "Pa'no kung may nangyaring masama sa'kin ha?? Kelan ka ba magiging mabait sa'kin??"

Pinigilan ko ang mga kamay niya. "Lintik naman o! Pinatuloy na nga kita sa bahay ko ganyan ka pa! Gusto mong palayasin na kita?"

Tumigil na rin siya. "Sorry, cuz", sabay niyakap niya 'ko. 

"Bakit ka nasa Pilipinas ngayon?"

"Nagkaroon kasi ako ng major offense sa school ko sa Macau, at dahil do'n, nilipat ako ng school ni Papa dito sa Philippines..."

Sa T.U ba siya lilipat? Hinde! Hindi pwedeng mag-aral siya do'n! =____=

"And speaking of which, I have good news for you!"

"Ano na naman yan?", hindi ko talaga gusto ang ngiti ng babaeng 'to.

"Sa Thornberry University ako mag-aaral! Magiging schoolmate kita! O di ba, ang saya??"

ASDFGHJKL!!

Baka mali lang ako ng dinig... Kalma lang, Shone...

"Pakiulit?"

"I'm going to study in Thornberry University, where you're also studying!"

Tama nga pagkakarinig ko. 'Nak ng...! Bakit kailangan ko pa maging schoolmate ang abnormal na babaing 'to??

"Cousin, di ka ba masaya? Magkasama na tayo sa iisang school!", nagpaawa effect pa ang abnoy.

"Pa'no ako magiging masaya kung andito ka na naman at guguluhin ang buhay ko?", I snapped, at tumalikod ako. "Sige na, iakyat mo na yang mga gamit mo sa taas. Magluluto lang ako ng dinner."

"Ang bigat-bigat kaya ng mga things ko! Please help me naman", reklamo nito. "O kaya utusan mo yung maid mo na tulungan ako."

"Wala akong maid dito", sagot ko. "Malaki ka na. Kaya mo na iakyat yan sa kwarto mo", at pumunta na'ko sa kusina.

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon