Chapter 9 - Drunken Haze

239 3 0
                                    

[Dara’s POV]

6PM:

“Hoy, Dara. Sa’n ang punta mo?”, sabi ni Darth habang nagsusuot ako ng sapatos ko.

“Sa Supernova Bar, yung bar na pag-aari nina Law”, sagot ko. “Overall Champion kasi ang CS sa sports fest. Doon kami magse-celebrate.”

“Ano’ng oras ang uwi mo?”

“Alas-onse.”

“Usapang matino yan ah.”

“Opo. Sige na, gorabels na’ko. Bye, cuz!”, at lumabas na’ko.

Saktong-sakto lang ang pagdating nina Gwyneth at Esmerald para sunduin ako.

“Girl! Ang ganda mo ngayon”, sabi ni Esmerald sa’kin. “Nice outfit!”

“Thanks”, I winked.

“Hop in na! Male-late tayo sa party”, sabi ni Gwyneth, at sumakay na’ko sa kotse niya.

“Expected ko, pink na kotse ang susundo sa’kin”, nakangising sabi ko habang nasa biyahe kami.

“Asa ka pa”, sagot ni Gwyneth sa’kin. Maton nga talaga ang babaitang ‘to. Ayos ang get-up niya. Para siyang chinitang Avril Lavigne. X)

Pagdating sa Supernova Bar, nandun na yung mga ka-course ko at yung mga tropa ng mga officers ng CS, lalo na ng presidente, si Boy Lollipop. Nagpa-party-party na ang mga guest pagpasok namin sa loob. Yung iba nag-iinuman, at yung iba nagpi-flirt.

Maya-maya pa’y nakita namin sina Law, Ricky, Marcus, Janus, at Nero sa isang table.

“Hi, girls!”, bati ni Marcus sa’min.

“Andyan na pala kayo”, nakangiting sabi ni Law sa’min. “Tamang-tama’t kabubukas lang naming ng bote ng soju!”

“Talaga? Ano pang hinihintay natin? Tara shot na!”, sabi ko. Nag-agree naman sa’kin ang mga boys.

“Si Darth, di mo isinama?”, sabi ni Esmerald.

“Hindi. KJ yun eh”, sabi ko. “Teka, bakit mo naman yata biglang naitanong si Darth?”

Nag-blush si Esmerald. “W-Wala lang… kasi di ba, magpinsan kayo?”, at ininom niya ang martini niya.

I smell something fishy. X)

“Nasa’n nga pala si Shone?”, tanong ni Gwyneth sa mga boys.

Nag-smirk si Marcus. “Well, honey, if you must know…. Andun siya sa table sa left, kasama ang labiduds niya.”

Tiningnan siya ni Gwyneth nang masama. “Kadiri. Wag mo nga ‘kong matawag-tawag na ‘honey’ dyan!”

“Ang choosy mo, Gwyneth! Bagay kaya tayo. Ang ganda mo pa naman, masyado kang maton.”

“Bakit? May problema ka sa pagiging maton ko?”

“Oy, tama na yan… Baka kayo pa magkatuluyan nyan eh”, nakangising sabi ni Esmerald sa dalawa. In fairness naman kina Marcus at Gwyneth, bagay sila. X)

“Yuck”, sabi ni Gwyneth, sabay shot ng soju. Ngumisi lang si Marcus.

Tiningnan ko nang may halong curiosity sina Shone at yung babaing kasama niya. “Sino yung girl na kasama ni Shone? Girlfriend ba niya yun?”

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon